Chapter 33 - Fence

321 15 7
                                    


"My clothes is look nice to you." He whisper. Papaakyat na kami sa kanyang kwarto. Ilang baitang lang naman ang aakyatan mo.

Napatingin ako sa damit niya. Yeah, so comfortable.

Hindi kami natulog sa iisang kwarto. I insisted that i will sleep in his guest room instead in his room. Pero ayaw niya. Sya nalang daw ang sa guest room.


Linggo na siguro ngayon. Kailangan ko palang umuwe sa condo. Naghanap ako ng orasan sa kwarto niya. I am right its already 2AM yet hindi ako masyadong inaantok. Binaluktot ko ang aking sarili at niyakap ang kanyang unan. Ang sarap dito. Ang sarap ng amoy ng mga gamit niya. Itong ito yun amoy niya. Pinaghalong mint at ang mamahaling pabango niya.


Ako palang daw ang babaeng nakapasok dito bukod sa mga maids nila. Kailangan kong maniwala sa kanya. I trust him.

Parang ang bilis lang ng pangyayari. We confessed and kissed.. then boom. Kami na ulit. Napanguso ako. Syempre were too old para magligawan pa tsaka doon din naman ang punta namin.


Mas ramdam kong babae ako tuwing hinahalikan niya ako. Naisip ko tuloy bigla kung ganon din ang nararamdaman ng babaeng nahahalikan niya. Syempre i can't blame him.. may karapatan din syang lumigaya noon.


Mas niyakap ko ang kanyang unan. Ang saya ko. Sobrang saya ko na kami na ulit. Sobrang maunawain talaga niya. Hindi na namin kinailangan pa ng mahabang palinawagan. Basta nakompirma niya lang ang nararamdaman ko kaya niyang balewalain ang mga nangyari samin noon.




Pinunasan ko ang munting luha sa aking mata. Kahit anong estado ko ngayon, tanggap niya ako. Ibig sabihin wala syang pakealam kung buo pa ba ako o hindi. Sobrang selfless talaga niya kahit sobrang selfish niyang tao.




Tumayo ako.. pupuntahan ko sya. Gusto kong maramdaman ang init ng katawan niya. Kinuha ko ang kanyang unan at binitbit ang isa. Kahit alam kong may mga unan naman sya.

Magkatabi lang naman ang kwarto namin. Dahan dahan kong pinihit ang kanyang door knob. Halos walang ingay iyon. Dim ang buong kwarto. Tulad din ng inaasahan ko maganda ang interior nito.



Nasa mata niya ang kanyang braso. Napangiti ako, natutulog na pala sya. Mabuti pa sya nakatulog ako hindi ko magawa. Masyado akong okupado ng mga naiisip saming dalawa.


Dahan dahan at halos hindi ako humihinga ng gumapang ako sa kanyang kama. Medyo umuga ito kaya napapikit ang isang mata ko habang nakatingin sa kanya. Nagbuntong hininga ako ng hindi naman sya kumibo.

Patay sa tulog. Napangiti ako.


Ang kumot na nakabalot hanggang baywang niya ay nilihis ko ng konti para makapasok din ako sa loob. At nang magawa ko ito humiga na ako ng malaya.


Tinabi ko ang unan sa aking gilid at hinarap ko sya. Kung hindi lang nakaharang ang kanyang kamay sa mata hahalikan ko sana sya ng mabilis.


Dahan dahan niyang tinanggal ang kanyang braso sa mata. Medyo namumula na ang kanyang mata at halatang pagod na ito.




Ngumiti ako. Hala nagising ko pa sya. "Hi.."



He smile tiredly and grab me closer. Umayos kami ng higa. "What are you doing here, huh?" Bulong niya sakin.


"I want to 'sleep' with you." I emphasized the word sleep. Medyo humalakhak sya. "You want to torture me more huh."


Tiningnan ko sya. Sobrang hustisya niya, kahit mapupungay na ang mga mata at pagod ito. Mas lalo lamang syang gumagwapo sa mata ko.



He's not my Gangster anymoreWhere stories live. Discover now