Bhlue's POV
Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko matapos tignan ang listahan ng utang ko sa tindahan ni Aleng Isang.
Megedness! Inutang ko ba lahat to?!
Sa katapusan pa lang ang sahod ko at di ko pa man nahahawakan ang datung, ubos na agad. Heaven, mother and earth naman oo!
Upa sa bahay.
Kuryente.
Tubig.
Pagkain.
Tuition.
Juiceko bessy! Feeling ko tumanda ako ng limang taon!
Kailan kaya ako aasenso? Oo nga pala at humihingi pa si mama ng dalawang libo pandagdag sa pagpapabinyag sa bunso nyang anak.
Kung bakit kasi hindi ako makahanap ng magandang trabaho. Deyrm!
Kung saan saan na lang ako napapadad para maghanap. (trabahong marangal bes!)
Ang malas lang kasi halos lahat ng trabahong napapasukan ko hindi ako maregular.
"Bhianca! Bhianca! Buksan mo itong pinto! Bhianca!" ayun at problema na naman. Shet pakbet!
"Anong petsa na?! Aba'y dalawang buwan ka nang di nagbabayad ng upa ah!" agad akong tinalakan ng bruha kong landlady pagkabukas ko ng pinto.
"Aleng Lisa, magbabayad naman ho ako sa katapusan. Pasensya na kayo at inabot ako ng dalawang buwan. Nagkaproblema lang kasi sa probinsya eh." paliwanag ko.
Hindi pa rin mawala sa mukha nito ang pagkabusangot. Ewan ko ba. Natural face na siguro yun ni ate.
"Aba dapat lang! Dahil kung hindi, simulan mo na ang pagiimpake ngayon at lumayas ka na sa pamamahay ko!" sigaw nito pagkatapos ay pabalibag na isinara ang pinto at tuluyan ng umalis.
Wala sa loob na nakalikot ko ang aking tenga. Juiceko, teako, coffeko!
Nakakarindi talaga ang mga gastusin. Minsan napapaisip ako kung bakit pinanganak kaming mahirap.
Minsan pa nga naidadalangin kong sana hindi ako tunay na anak ng mga magulang ko. Na sana ang tunay kong mga magulang ay mayaman para hindi na ako maghirap katulad ngayon.
Masama mang magisip ng mga ganitong bagay pero nahihirapan na talaga ako sa buhay ko.
As if naman magkatotoo yun! Tanggapin mo na kasi na isa kang dukha, indio, poor, isang kahig isang tuka! O baka nga tatlong kahig pa bago makatuka! ganun.
Tseh! Magtigil ka nga very supportive kong isipan!
....
"Bakla pasensya ka na... Yan lang talaga ang maipapahiram ko sayo ehh. Alam mo naman yung mga gastusin dito sa bahay." Oh.. Roxy... My dear gay bestfriend...
"No it's okay. Pasensya ka na talaga bakla. Nakakahiya na talaga." Totoong nahihiya na ako sa kaibigan ko.
Pinuntahan ko pa talaga ito sa bahay nya para utangan.
Kapal. Pang 4x4 eh!
Heh! Shatap!
Roxy is my childhood friend.
Palagi kami nitong magkasama at dahil doon palagi rin kaming napapagkamalang magjow. Hindi mo kasi aakalaing bakla ito.Pangbasketball ang tindig nitong may taas na 6'1. Maputi at gwapo. And bess super hottie! Pwedeng ilinya kay fafa Leonardo diCaprio nung kabataan!
YOU ARE READING
My workaholic girl (COMPLETED)
Romance"I'll do everything for my family even if it means putting aside my own feelings." -BHLUE