Sean's POV
Madilim ang paligid. Siguro ito na nga yung ibinigay ni Justin na address sa akin. Creepy but to hell I care! I need to see Bhianca!
Tahimik kong ipinarada ang kotse ko sa isang tagong lugar. Kailangan kong maging maingat! Hindi ako dapat mahuli!
This is suicide! I know my life is in danger but there's Bhianca who needs me. Kung hindi sya ililigtas ng walang kwenta nyang fiancé, ako ang gagawin nun! I pity her for having a boyfriend like him! Kung ako na lang sana! Shit! Why this world is so cruel for us who knows what true love is!
Si Janella...
Mahal na mahal ko sya pero sinaktan nya ako nun dahil nagmahal sya ng iba. Pero sinaktan lang din sya nito dahil nagmahal din ng iba! Funny! Tapos ngayon nagmamahal na naman ako ng babaeng may mahal ng iba! What the eff!
Just like those ninjas I saw in the movies, I walk without a single noise. I carefully gasp an air when I opened the door of the stadium.
Ugh! Safe!
Patakbong tinungo ko ang isa pang pintuan. Strange. Wala man lang akong naririnig na ingay. Parang walang tao. Tama ba tong pinasukan ko?
Muli sana akong hahakbang ng biglang may dalawang pares ng mga kamay na pumulupot sa aking braso.
"Gotcha! " Sabi nito at pinalo ako ng isang mabigat at malamig na bagay sa
aking likod at nagdilim na ang lahat sa akin.-------
Bhianca's POV
"Sean... Sean... Sean please wake up! Sean! " Hindi maampat ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko.
Kanina lang ay medyo naiidlip na ako nang marinig kong nagkakaingayan sa paligid. Napabalik ako sa diwa nang marealize kong may isang lalaking walang malay ang itinabi nila sa akin. Nakatagilid ito patalikod sa akin at nakatali ang mga braso nito sa
likod.Bigla akong kinabahan dahil familiar sa akin ang likurang iyon. Paanong hindi? Namemorize ko na nga yata ang hubog ng likod nito dahil sa sitwasyong kinakaharap ko hanggang sa likod ko na lang ito natitignan. Hanggang doon lang ako dahil hindi ko kayang harapin ito. Baka ipagkalulo ako ng nararamdaman ko at aminin dito ang lahat.
Napaiyak ako. Bakit kailangan nyang gawin ito? Where's Justin? Bakit si Sean ang pumunta? Somebody please tell me i'm just dreaming!
"Sean please wake up! "
Sigaw ko sa paraang halos mabingi ako sa sarili kong boses.
"Hmmmm... " narinig kong umungol ito at napausal ako ng pasasalamat.
"Sean! " tawag kong muli dito. Napabalikwas ito ng bangon at nagtatakang nagpalinga linga sa paligid hanggang sa dumako ang mga mata nito sa direksyon ko.
"Bhianca! " Nagpupumilit itong makawala sa pagkakatali at paluhod na lumapit sa akin. "What's with God damm twines! " pilit pa rin nitong kumakawala sa pagkakatali.
"Please don't waste your energy. Kailangan natin kumalma at mag isip ng paraan para----
"Anong ginawa nila sayo?! "
Bakas ang galit sa mga mata nito. Marahil ay nakita nitong dumurugo ang gilid ng labi ko. Dahil yun sa pagkakasampal ng ama ni Vida sa akin nang hindi ko sagutin ang tanong nyo kung bakit alam ko ang pangalan nito.
"I swear I'll kill them! Fuck! Pakawalan nyo ako at magtuos tayo!!! " malakas nitong sigaw at umecho sa buong stadium. Malaki ang abandonadong stadium na to kung saan nasa pinakagitna pa kami.
YOU ARE READING
My workaholic girl (COMPLETED)
Romance"I'll do everything for my family even if it means putting aside my own feelings." -BHLUE