Nanginginig ang mga kalamnan na umibis ako ng sasakyan. Sa sobrang kaba na nararamdaman ko, hindi ko na nahintay na pagbuksan ako ni Sean ng pinto ng kanyang kotse.
Napahinto ako nang makita ko ang buong kabahayan. Hindi! Kastilyo yata ito at mga Royal bloods ang nakatira. Malawak at tila kastilyo ang itsura. Para akong napunta sa medieval season kung saan animo may mahika ang paligid. Sa structures, sa mga ilaw... Basta! Parang kaharian!
"Let's go?" Maya maya ay nagsalita sya. Napalingon ako sa kanya at kitang kita ko ang mapaglaro nyang ngiti. Shet kang damuho ka! Binigla mo ako! Di mo man lang ako ininform! Naka tshirt at maong pants lang ako! Tapos ganito yung pupuntahan ko! Kung alam ko lang di sana nagpamake up ako kay Rox at naggown ng bongga! Huhuhu. Sa isip ko! Papatayin ko talaga tong damuho na to pag hindi ako nagustuhan ng mga magulang nya! "Nervous?" Then again! Yung ngiti nyang.... ugh! Nevermind!
Hinampas ko sya sa kanyang braso. "Nangaasar ka pa! Di mo man lang ako sinabihan eh! Tignan mo tong suot ko!" Nakasimangot na maktol ko. Hays nakakainis talaga eh! Tapos amoy pawis na ako! Wala man lang akong dalang pulbos at----
Natigil ako nang bigla nya akong hilahin palapit sa kanya. Kinuha nya ang isang palad ko at ipinatong yun sa kaliwang dibdib nya. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso nya. Hala...
"Ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko sa buong buhay ko. Kahit ganyan lang ang suot mo, kahit mukha kang pulubi, para sa akin maganda ka pa rin." Sabi nya sabay kindat! Lalo lang akong nainis at hinampas yung dibdib nyang nahawakan ko. Sa totoo lang, kinikilig na ako ngayon pero talagang naiinis ako sa kanya! Binibigla nya ako! Huhuhu "Aray babe! Bakit mo ko hinampas?" Kunwari pa syang iiyak naku! Bigwasan ko sya ng pito eh!
"Paano pag di nila ako nagustuhan?" Tanong ko.
"Magugustuhan ka nila. Trust me." Cool na sagot nya.
"Paano nga kapag hindi? " ulit ko.
"Magugustuhan ka nga nila. " cool pa rin na sagot nya.
"Paano nga kung hindi???!!! " napataas na yung boses ko! Kulit kasi!
"Babe naman... Magtiwala ka sakin magugustuhan ka nila. " nakukulitan na siguro sya sa akin kaya medyo parang naiirita na yung boses nya. Hahaha! Kasalanan nya to!
"Ang tinatanong ko anong gagawin mo kapag di nila ako nagustuhan?!" Babe babe ka dyan!.
"Psh! Magugustuhan ka nga nila eh!" Ayan ayan... Tumataas na rin ang boses nya. Hindi na ko nagsalita pero binigyan ko sya ng isang nakakamatay na tingin. Oo! Nakakamatay! Dead on the spot! "Haysss... " he heaved a sigh. Sa loob ko ay nagdidiwang ako. Hahaha talo sya palagi! Diretso at seryoso ang tinging ipinukol nya sa akin. Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita. "Kung sakaling hindi ka nila magustuhan... Ipaglalaban kita. Willing akong mawala lahat sa akin. Wag ka lang. Mahal na mahal kita. Lagi mo yung tatandaan. Okay?" Ngumiti sya at hinaplos ang pisngi ko. "You'll always be my first and always." Ayieeeeee! Teka? Pwedeng kiligin?! Kyaaaaaahhhh!!! Napapikit ako nang unti unting bumababa ang mukha nya palapit sa akin. Ito na! Halik sa harapan ng isang malakastilyong tahanan!
"Ehem... " napamulagat ako nang marinig kong may tumikhim sa likuran namin. Literal na napatalon ako at napatago sa likod ni Sean ng makita ko ang isang ginang na may kasamang malaking aso! Isang husky! Yay parang sa La Luna Sangre! Huhuhu shokot ako dyan....
Tatawa tawang hinihila ako ni Sean upang ibalandra sa harapan ng Ginang at nung aso...
"Mommy!"
Huh?! Omegash!!! Nasa bahay nya nga pala kami at ang ginang na nasa harapan namin ngayon na may kasamang aso ay ang ina ni Sean at..... nakita pa nya kaming muntikan nang maghalikan kanina! NAKAKAHIYAAAAAAAA!!!!
"Ma anong oras na? Gabi na ahh... Bakit nasa labas pa kayo?" Tanong ni Sean. Ngumiti lang ang ginang at hinimas ang likod ng dala nitong aso.
"Alam mo naman hijo na gustong gusto ni Snowflakes na gumagala sa gabi diba? Kaya ayan... Ipinasyal ko muna sa hardin natin. Hindi ko naman akalain na may eksena palang nagaganap----
"Ma! " sigaw ni Sean. Napatungo ako at napatingin pagkatapos sa ginang.
Nakakahiya talaga! Patay talaga sakin tong lalaki na to! Bwisit!"Magandang gabi po! " hindi ko sinasadya pero napalakas ang boses ko. Ayt! Napatango ako at humingi ng paumanhin sa inakto namin kanina. Natatawa lang sa ginagawa ko ang damuhong ito sa aking tabi! Pota sya! Nagagawa pang tumawa samantalang ako ay mahihimatay na sa nerbyos!
"It's okay hija... Pumasok na kayo at sa loob nyo ituloy ang inyong naunsyaming----
"Ma! " putol ni Sean sa kung anong sasabihin ng ginang. Natawa lang ang huli at nauna nang pumasok sa gate.
Lalakad na din sana si Sean nang bigla ko syang hinila.
"Nakakahiya! Bakit di mo sinabi na lumalabas pala sila sa gabi! Psh!" Inis na sabi ko. Tinawanan lang nya ako at ginulo ang buhok ko. "Psh! Nakakainis ka talaga!" Hahampasin ko sana ang dibdib nya nang hulihin nya ang palad ko at ikulong iyon sa palad nya.
"Tara na! Masamang pinaghihintay sila! " hinila na nya ako papasok sa gate at wala na akong nagawa kundi ang sumunod.
Ilang sandali pa ay magkakaharap na kami sa sala. Maging sa loob ay napakaelegante at mukhang mamahalin ang marmol na sahig, mga figurines, mga nakadisplay at itong inuupuan namin. Hindi ko maiwasang manliit lalo pa nga nang mabistahan ko ang dalawang taong nasa harapan namin ni Sean. Sean's parents. Ngayon ay malinaw ko nang nakita ang itsura ng kanyang ina. Hindi ko kasi gaanong napagmasdan ang mukha nito kanina dahil na din sa hiya na nararamdaman ko. Pero ngayon, lumulutang ang kagandahang angkin nito kahit pa nga ba may edad na.. Mukha talaga silang Hari at Reyna. Ang ama ni Sean na kahit sa likod ng edad nito ay matikas pa rin ang tindig at pangangatawan. Kaparehong kapareho ng tikas nya.
"Ma, Pa, si Bhianca po. Ang fiancé ko." Masayang pakilala ni Sean sa akin sa mga magulang nya. Tumayo ako upang tumango sa kanila at bumati ng isang nakakamatay sa nerbyos na gabi! Charot!
"Magandang gabi po Mr. and Mrs. Williams... " pormal na bati ko. Eh ano pa nga bang itatawag ko? Tito at Tita? Psh! Nakakahiya! Baka isipin na FC ako...
Ngumiti lang sila pareho at umupo na ako sa tabi ni Sean. Hinuli nya ang palad ko at ikinulong yun sa palad nya. Alam kong nanlalamig ang mga yun. Kinakabahan pa rin kasi ako!
"Hija... " tawag sa akin ni Mrs. Williams.
"Po?" agad ko namang sagot.
"Hija tawagin mo na lang kaming Mommy at Daddy since ikakasal ka na sa unico hijo namin. " nakangiting sabi ni Mrs. --- este Mommy!
"Welcome to the family hija... " nakangiting sabi naman ni Mr. ---- este Daddy! Hayssss ang hirap naman...
Humigpit ang hawak ni Sean sa kamay ko at unti unti na rin gumagaan ang pakiramdam ko. Tinanggap na nila ako! Yes! Hindi naman pala ganoon kahirap... Keri lang! Akala ko kasi may interrogation pa hahaha... Buti na lang di tinanong kung nasaan at sino ang mga magulang ko. Kung tinanong, anong sasabihin ko? Anak lang ako sa labas at patay na yung mga magulang ko? Psh! Sasabihin ko naman ang totoo ehh... Di bale nang hindi nila matanggap ang pagkatao ko wag lang yung oo nga at tanggap nila ako pero nabubuhay naman sa kasinungalingan...
YOU ARE READING
My workaholic girl (COMPLETED)
Romance"I'll do everything for my family even if it means putting aside my own feelings." -BHLUE