Chapter 49

6 0 0
                                    


Ilang sandali pa ay nahanap ko na rin ang room nya. Dali dali ko iyong binuksan at pumasok. Tahimik ang paligid at tila walang bakas ng sinuman. Malawak iyon at may second floor kaya hindi ko pa nakikita ang kwarto nya.

Kahit malamig ay pinagpapawisan ako. Ramdam na ramdam ko ang kaba sa puso ko. Linibot ko ang paningin ko at nahagip ng mga mata ko ang frame na nasa sahig. Pinulot ko yun at naiyak ako nang makita kong basag yun. It was me and Sean in the picture when we went to Tagaytay. The same picture which i have in my sala.

Sa tabi nun ay may mga bote at lata ng alak na nakakalat. Meron din upos ng mga sigarilyo.

Napapitlag ako nang marinig kong may nagbukas ng pinto! Baka sya yun!

Hinanap ko ang pinagmulan ng ingay. Nasa second floor siguro kaya dali dali akong umakyat. Inalis ko muna ang sapatos ko at ang belo dahil sagabal lang yun. Pati na rin ang lace na nagbibigay ng haba sa aking gown. Nakazip lang yun sa bewang ko kaya naman madali ko yung natanggal. Pinasadya ko iyon ayon na din sa payo ni Rox para hindi sagabal sa reception. Ngayon ay  mukhang dress na lamang ito na hapit sa aking katawan.

Pagkaakyat ko ay agad na bumungad sa akin ang kwartong nakabukas ng bahagya. Hindi ko makita kung sinong nandun kaya naman lumapit pa ako at bahagyang binuksan ang pintuan.

Halos takasan ako ng dugo sa aking nasaksihan!

Si Sean na nakadapa sa kama at wala man lang kahit anong saplot sa katawan. Lalo akong pinanigasan ng katawan nang makita ko ang isang babaeng lumabas mula sa banyo na halatang bagong paligo.

"Oh... Look who's here... " mataray na sabi ng babae at lumapit sa kama. Samantalang ako ay tila natulos sa aking kinatatayuan. "Honey... We have a visitor. Wake up..." Masuyong hinahaplos ng babae ang likod ni Sean at hinahalikan pa nya ito sa balikat!
Nagising naman ang huli at tumayo tsaka tumingin sa akin. Hindi man lang nya naisipang takluban yung pagkalalaki nya! Pakiramdam ko nabastos ako!

Hindi ko na kinaya ang eksena kaya naman tumalikod na ako. Bigla naman pakiramdam ko ay nahilo ako kaya nawalan ng balanse at natumba ako sa sahig.

Isang malamig na palad ang humiklat sa akin pataas. It was Sean's cold arms and when I look at his eyes, it's so cold too. Wala man lang rumehistrong awa o di kaya'y kahiyaan sa ginawa nya sa akin!

"Bitiwan mo ako!" Nagpumiglas ako dahil hindi pa rin nya binibitiwan ang braso kong nananakit na dahil sa higpit ng pagkakahawak nya. Tila galit na galit at may balak yata syang putulin yun! Marahas ko iyong binabawi sa kanya at hindi man lang sya natitinag! "Sabing bitiwan mo ako!"

"Anong ginagawa mo dito?!" Imbes na bitiwan ako ay sya namang tanong nya. Hindi ko alam kung bakit pero parang nabaliktad yata ang sitwasyon! Ako dapat yung galit! Ako dapat yung malamig ang mga titig! Ako dapat yung nananakit! Pero bakit?! Bakit ako yung nagmumukhang may kasalanan?!

"Tinanong mo pa ako ng ganyan?! Hello??? Kung hindi mo po nakikita Mr. Williams! Nakabridal gown ako! May hawak akong bulaklak at nasa simbahan ako kanina!  Kung hindi mo po ulit alam, ikakasal ako! IKAKASAL AKO SAYO! At nandito ako dahil yung groom ko hindi ako sinipot sa kasal namin! Nagtext lang sya na umuwi na ako at hindi na sya magpapakasal sa akin! Kaya nandito po ako dahil kailangan mong ipaliwanag at ipaintindi sa akin kung bakit! KUNG BAKIT HINDI MO NA AKO PAKAKASALAN, KUNG BAKIT MAY MGA LETCHENG HUBAD MONG LARAWAN AT KUNG SINO YANG BABAENG KASAMA MO!" Dinuro ko ang babaeng nakaupo sa kama nya ngayon!

Tumingin ako kay Sean at sinalubong ko ang malamig nyang tingin. He clenched his jaw and pulled me closer to him.

"Umalis ka na! Ayaw na kitang makita kahit kailan! Kalimutan mo na ako at wag na wag mo na akong hahanapin ulit dahil kahit anong gawin mo hindi na kita pakakasalan!" He shouted.

I can feel how my heart tear itself into pieces. I can feel i started to lose my breath. I feel numb all over. My body wants to move and just walk away but I can't. I cleared my throat when my tears started to strain down. Then I look at him with pain.
"Ba... Bakit..???" I managed to ask.

"Janella. " sabi nya.

"Yes baby?" The woman who's name is Janella walk towards us.

Janella! Janella! His ex... girlfriend???

Binitawan ako ni Sean at yinakap ang babae. Napapikit ako sa sakit na naramdaman ko! Gusto ko silang sugurin! Gusto ko silang saktan pero hindi ko kaya! Hindi ako makagalaw at hindi ako nananakit ng kapwa! Diyos ko anong kasalanan ko?! Bakit ganito??!!

"I realized that I still love Janella." Narinig kong nagsalita sya. Hindi ako tumitingin sa kanila dahil baka pati kaluluwa ko, takasan ako!

Pakiramdam ko nanginginig ako at babagsak ang katawan ko. Then sunddenly I feel the cold floor on my knees. Napaluhod na pala ako at sapo ang mukha ko. Walang tigil ang pagagos ng mga luha at hikbi na kumakawala sa bibig ko. I'm in so much pain! God! Fuck! I'm badly hurt!

"Get out of here! Iniistorbo mo kami!" Sigaw sa akin ni Sean. Hindi ko sya pinakinggan at patuloy lang ako sa pag iyak.

Walang pagsidlan ang sakit na nararamdaman ko! Gusto ko nang mamatay! Sana kunin na ako ngayon! Instant!

Naramdaman ko na naman ang mga kamay nya sa braso ko. This time ay marahan nya akong iniangat.
"Live your life without me. Kalimutan mo na ako at mabuhay ka pa." Hindi ako tumitingin sa kanya at patuloy lang ako sa pagiyak. Hindi ko alam kung anong expression nya habang sinasabi ang mga salitang iyon pero nahihimigan ko ang lungkot sa boses nya. Tumingin ako sa kanya ngunit malamig naman ang mga titig nya. "Hindi ako ang lalaking para sayo. Find the perfect man and live happily. Goodbye Bhianca. I hope this is the last time I see you." Binitiwan nya ako at tumalikod na. No! Hindi ko kaya!

"Please Sean!" Inilang hakbang ko lang ang distansya namin at yinakap ko sya ng mahigpit sa likod. Sumubsob ako doon! Wala na akong pakialam! Mahal na mahal ko sya! Sabihin mo nang tanga ako pero mahal na mahal ko talaga sya! "Hindi ko kaya please! Wag mong gawin sakin to Sean. Mahal na mahal kita! Please sabihin mo sa akin panaginip lang to! Please sumama ka sa akin at magpapakasal pa tayo! Kahit tayo na lang dalawa! Kahit wala na yung mga tao! Kahit wala na yung mga bisita! Sumama ka sa akin! Please hindi ko kayang mawala ka Sean! Parang awa mo na!" pagmamakaawa ko habang liham ng mga luha ang mukha ko.

Pilit nyang binabaklas ang mga braso kong nakapulupot sa kanya.

"Bhianca ano ba! Bitiwan mo----

"No! I won't let you go! Ipaglalaban kita! It's not Janella! Please! Tell me ako na! Ako na yung mahal mo! Parang awa mo na!" Patuloy pa rin ako sa aking ginagawa. Alam kong desperada na ako sa mga oras na to pero kailangan!

"Tigilan mo na! Hindi na kita mahal!" sigaw nya at tuluyan na nyang nabaklas ang mga braso ko. Nanlilisik ang mga matang humarap sya sa akin at kinaladkad ako palabas ng pintuan! Diyos ko ang sakit sakit!

"Tigilan mo na ako at ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo kahit kelan!" sigaw nya sa akin at pinagsaraduhan ako.

"No! Sean! Buksan mo to please! Buksan mo tong pinto! Please Sean magusap pa tayo! Please! Mahal na mahal kita!" Kinakalampag ko na ang pinto ng kwarto nya. Nanghihina ako ngunit patuloy pa rin ako sa ginagawa ko. Sinisigaw ang pangalan nya. Nagmamakaawa sa kanya. Kinakalampag ang pintuan nya ngunit nanatiling sarado iyon. Napasandal ako sa pintuan nang maramdaman kong nahihilo na ako. "Mahal na mahal kita.... Bakit? Bakit mo ito ginawa sa akin? " napahikbi ako at napasapo sa aking mukha.

Umiyak lang ako nang umiyak sa aking palad. Samantala, rinig kong may tumatawag sa pangalan ko. Nabosesan ko agad sila ngunit bigla ko na lang naramdaman ang pandidilim ng paningin ko. Hanggang sa unti unti nang dumadausdos ang katawan ko sa pintuan.

Nakita ko pa ang nagaalala nyang mukha bago ako tuluyang panawan ng ulirat.

"Bhianca!!!"

My workaholic girl (COMPLETED) Where stories live. Discover now