*Five years ago...*
Ginamit lang pala nya ako! Ginawang panakip butas! Si Janella naman pala ang mahal nya hindi ako! Ngayong bumalik na sa kanya si Janella basta na lang nya akong ibinasura! Inalok pa nya ako ng kasal! Hinding hindi ko sya mapapatawad!
Naikuyom ko ang mga palad ko habang naghihintay sa ob-gyne. Kanina paggising ko ay nakaramdam ako ng pagka-crumps sa puson ko at nang maalala kong may dinadala nga pala ako sa sinapupunan ko, bigla akong natakot! Tila ba nagising ako sa katotohanang ina na nga pala ako at bilang isang ina, tungkulin kong pangalagaan ang anak ko.
Dali dali akong naghanap ng malapit na ospital at heto nga...
Tinawag na ako ng ob ko. Nakahinga ako ng maluwag ng ibalita nya sa akin na healthy naman ang pagbubuntis ko at mas lalo pang magiging healthy kung susundin ko ang payo nya. Niresetahan nya ako ng sandamakmak na vitamins para sa akin at sa baby ko.
Pagkatapos ko magpa check up ay naisipan kong magshopping para sa damit ng baby ko. Bagamat hindi ko pa alam ang kasarian ng magiging baby ko, excited akong pumili ng mga damit. Mga pambabae ang pinili ko since gusto ko sanang babae ang maging baby ko. Paano kung lalaki? Syempre masaya pa din ako.
Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Hindi man ako masaya, still ikinaginhawa ko na din ang pagtanggap sa masalimuot na nangyari sa akin. I have to move on since it's my last resort! Wala na akong magagawa dun.
Pagkatapos kong magshopping ay kumain muna ako sa isang fast food chain sa mall. Marahil ay nagaalala na sa akin yung dalawa pero uuwi din naman ako.
Having them in my life is the best thing that God ever made. Lagi silang nasa tabi ko at inaalagaan ako. Mamaya ay hihingi ako ng tawad sa kanila at magpapasalamat na din.
From now on aayusin ko na ang buhay ko para sa baby ko.
Bigla ko naman naisip si Kuya Chase. I think it's time to ask some help.
Ilang ring lang at sinagot naman nya agad ang tawag ko. Ikinuwento ko ng bahagya sa kanya ang nangyari at galit na galit sya kahit hindi ko pa man sinasabi ang ginawa ni Sean. Basta sinabi ko na lang na hindi na matutuloy ang kasal ko. Tinanggap ko na rin ang alok nya sa akin noon na sa Korea na manirahan. Dun ko palalakihin ang anak ko. Bibigyan ko sya ng magandang kinabukasan at mamumuhay sya ng punong puno ng pag ibig. I'll become my baby's mother and father at the same time. Ibibigay ko sa kanya ang lahat ng mga bagay na hindi ko natamasa noon.
YOU ARE READING
My workaholic girl (COMPLETED)
Romansa"I'll do everything for my family even if it means putting aside my own feelings." -BHLUE