*Five years later... *
"Mommy!!! " I got frightened when I heard my baby girl screamed!
Nasa study room ako. Si Mommy at si Kuya Chase.
"Baby?! " tumayo ako at humarap sa kanila. "Mom, Kuya, excuse me." May pagaalala sa kanilang mukha na tumango at bumalik sa binabasa. Kung hindi nga lang importante yun malamang silang dalawa na ang sumugod. Mahal na mahal nila ang mga anak ko.
"Baby??? What happened???" Napamulagat ako sa itsura ng anak ko. Summer Solace ang aking unica hija. Bunso sa apat na magkakapatid or let's just say sa aking quadruplets!
Who would have imagined that I carried these four little angels... Who would have imagined that after that disastrous thing happened in my life, I could stand up, get up and live this happy life. Yes. Sobrang masaya ako na dumating sila sa buhay ko.
My baby boys Sunny Leigh, Winter Carl, Rain Piolo and my baby girl Summer Solace. I love my little angels so much and they are my life.
"Mommy, big brother Winter throw this thing on me!!!" Sumbong nya sa akin sabay turo sa jar na may lamang chocolates.
Tinignan ko ang tahimik na si Winter Carl sa isang sulok. "Winter Carl Park." tawag ko sa kanya. Agad naman syang lumapit sa akin at nagsimula na syang humikbi.
"I'm sorry Mommy... " sabi nya sa akin at yumakap.
"I don't think you owe me a sorry. I think it's your little sister Summer who needs it." Malumanay kong sabi sa kanya habang hinahaplos ang maitim at bagsak nyang buhok.
Isa sa katangian na meron ang mga anak ko ay ang pagkakaiba nila ng mga paguugali. Apat na taon pa lamang silang lahat at masasabi kong may angking katalinuhan at talento ang mga anak ko.
Sunny Leigh, "The Geek" ang panganay ko. Sya ang pinakatahimik at pinakaseryoso sa lahat. Sa katanuyan ay nasa kwarto nya sya ngayon at nagbabasa. "Being on the top is a hard fight" he always say that to me whenever his siblings want to play with him. He always say 'NO'.
Winter Carl. "The naughty one". Ang pinakapilyo sa mga lalaki. He always make fun of everyone. Laging nangunguna sa kalokohan pero matalino bagama't hindi sya top 1 sa klase katulad ng Kuya Sunny nya, mahilig at magaling syang sumayaw. In fact, lumalabas na sya sa TV. Courtesy of his Tito Daddy Chase! Minsan nga pinagaawayan pa namin yun kasi naman mas priority ko ang pagaaral nya.
Rain Piolo."The Vegan" Tahimik din pero hindi katulad ng Kuya Sunny nya na seryoso. Hindi sya kumakain ng meat at puro veggies lang sya. He's an animal lover. Tutu a Maltese dog is one of his favorite out of his 4 dogs Levi a golden retriever, Selum a Bichon Frise and Krava a chow chow. A dog lover indeed! And he can play saxophone, violin, piano and even bass.
And last my baby girl Summer Solace.
Bagama't sya ang bunso ay palaging sya ang nangunguna sa kanilang apat. Hindi porket bunso at babae ay spoiled na. It's a big NO. In fact, she loves doing household chores. Sya ang palaging kasama ni Mommy, her Mommy Lola sa pagluluto. She loves cooking and baking. Nakitahan ko din sya ng galing sa sining. She paints. She do stuffs like editing, layouts, cutting and even designing clothes. She can sing too. And she's the most clingy of them all. Kaya halos lahat ng tao natutuwa sa kanya dahil palabati at palangiti sya.When it comes to looks, it's not the typical quadruplets they are. Hindi iisa ang itsura nila. They have their own appearance that makes each one of them stand out.
Pero ang mas ikinatutuwa ko sa kanilang apat ay ang pagmamahal nila para sa isa't isa, sa akin, sa Lola at sa Tito nila. Napalaki ko rin na may takot sa Diyos, disiplina sa sarili at sa kapwa. Alam nilang lahat kung kailan at paano humingi ng tawad kung may nagawa man silang kasalanan. Matatas din silang lahat sa wikang Tagalog. Yun ang hindi ko hinayaang mawala sa kanila. Ang pagmamahal nila sa bayang pinagmulan nila.
"Sorry Summer... " lumapit sya sa kanyang kapatid at yinakap ito. Gumanti naman ng yakap ang huli.
"You're forgiven." Summer said. Parang matatanda na sila. Tumingin naman ako sa isa ko pang anak na nakamasid lang sa kanilang dalawa.
"Rain come here..." lumapit naman agad sya sa akin at nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin.
"Bakit po?" tanong nya...
Lumapit naman kami sa dalawa at yumakap na din. "Let's group hug!!!" Masayang sigaw ko at nagtawanan na silang tatlo... Sobrang sarap sa pakiramdam para sa mga inang katulad ko na napalaki ng ayos ang kanilang mga anak.
"Group hug without me?" Natigil kaming lahat sa nagsalita sa aming likuran. My eldest!
"Sunny! Come here baby!" Tawag ko sa kanya at agad naman syang lumapit pero nakasimangot.
"Mom how many times do I have to tell you that i'm not a-----
"Whatever baby boy!" Hinila ko na sya at wala na syang nagawa ng yakapin sya ng mga kapatid nya. Ang ending pare pareho kaming madudungis dahil sa chocolates pero masaya!
Para akong idinuduyan sa alapaap kapag naririnig ko ang mga halakhak nila.
-----
Living here in Korea for five years is a real change. And being the CEO of your own company is a real challenge. Plus the fact that you're a mother for four little angels. Uhhh REAL TOUGH CHALLENGE!
Five years ago I was nothing but now, I have a company that is the most leading in the country. Not to mention that I'm also a writer of novel books in a famous publishing house here in Korea which one of Kuya Chase's friend owned.
Malaki na talaga ang pinagbago ng buhay ko. Hindi naman ako nakakalimot na magpasalamat sa Poong Maykapal para sa lahat ng mga biyayang ibinigay, ang mga anak ko at mga biyayang binibigay, ang kalusugan nila. At mga ibibigay pa lamang.
Also about my family who adopted me for years, ngayon ay maayos na rin ang kanilang buhay. Ibinili ko sila ng bahay, mga properties at ipinagpatayo ko ng business para na rin makatulong sa pagpapaaral sa iba ko pang mga kapatid. Miss na miss ko na sila.
"Ney, do you have a second?" Untag sa akin ni Kuya Chase isang araw na nasa balkonahe ako at nagsusulat. Ney ang tawag nila sa akin ni Mommy.
"Wae kuya?" Tanong ko. Seryoso ang mukha nyang umupo sa harap ko. Isinarado ko muna ang laptop ko at tumingin sa kanya.
"Lately napapansin ko si Sunny na hindi nakikihalubilo sa mga kapatid nya." sabi nya na ikinatawa ko.
"Talaga namang hindi kuya ehh... You know, he's our Mr. No. " sabi ko.
Umiling sya.
"Hindi. Para kasing may kakaiba sa kanya at narinig ko minsan may pinagtatalunan sila ni Rain about sa akin." sabi nya.
Napataas ang kilay ko. "Bakit daw?"
"Sunny asked Rain about their father then the former told Sunny how about 'Tito Daddy? He's our father right?' Rain said it's me then Sunny disagreed and told Rain that I'm not their true father. He even explained our relationship to Rain. That kid is a real genius." Napangiti naman sya samantalang ako ay natigilan. "What I'm saying is when would you tell them about their father?" Nagaalangang tanong nya.
Their father! "Their father is dead!" Napatayo ako at tumalikod.
"You can't hide them Ney... Sooner or later they ----
"No kuya! I'll do everything to protect them! Hindi ko hahayaang makuha sila ng demonyo nilang ama! My life is in good terms now! Hindi ko na ulit hahayaang mangyari sa akin ang nangyari noon Kuya! Ang mga anak ko ang buhay ko! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko pag sila ang nawala sa akin!" Napaiyak na ako. Agad naman nya akong yinakap at hinaplos ang buhok ko.
"Sshhhh.... As long as I'm here, walang makakagalaw sa inyong magiina." pagpapayapa nya sa loob ko. Utang ko sa kanilang dalawa ng Mommy nya ang lahat ng ito. Sinamahan nila ako nung mga panahong kailangan ko ng karamay. They became my foundation at hanggang ngayon nandyan pa rin sila para sa akin. Para sa amin ng mga anak ko.
Hindi ko maisip. Hindi ko kakayanin pag nawala ang mga anak ko sa akin! Sila ang buhay ko at ikamamatay ko pag nawala sila!
YOU ARE READING
My workaholic girl (COMPLETED)
Romance"I'll do everything for my family even if it means putting aside my own feelings." -BHLUE