A week had passed.
Still no word from him.
Hindi ko naman magawang puntahan sya sa kanyang opisina dahil baka makaabala lang ako. O baka galit pa sya sa akin. Duwag ako oo! I'm afraid he would reject me. So afraid of REJECTION. Miss na miss ko na sya. Although nitong mga nakaraang araw hindi tumigil si Rox sa pagpapasaya sa akin, iba pa rin yung sana man lang nagpaparamdam sa akin yung taong mahal ko.
Hindi ko ikinakaila na kapag mag isa na ako tulad ngayon, nakatitig lang ako sa cellphone ko. Umaasang may darating na tawag o kahit man lang sana text galing sa kanya.
Hindi man lang ba nya ako naiisip? Namimiss? I just wonder. Baka nakalimutan na nya ako.
Ganon na lang ba talaga kadali yun? Ganon na lang ba ako kadaling kalimutan?
At muli sa halos araw araw na ganito hindi man lang nauubos... Yung mga luha... Kailan kaya sila matutuyo? Yung sakit. Yung pangungulila. Kailan kaya mapupunan? Kahit saang sulok ko ibaling ang paningin ko, mukha pa rin nya ang palagi kong nakikita. Sa bawat segundo, minuto, oras at araw na dumadaan, hindi sya maalis sa isip ko. Kung ganon lang sana kadali balewalain ang lahat...
Pinahid ko ang aking luha at nagtungo sa kusina upang kumuha sana ng maiinom. Hindi ko akalain na sa paglabas ko ng aking kwarto ay ang gwapo nyang mukha ang aking masisilayan. Yung mukhang halos isang linggo kong hindi nakita. Yung laging laman ng isip at panaginip ko.
Patakbo kong tinungo ang direksyon nya at wala akong inaksayang sandali. Niyakap ko sya ng mahigpit at doon ay malaya kong pinakawalan ang mga luhang nakalaan para lang sa kanya.
"Akala ko hindi na kita makikita!" *sob* "Akala ko ayaw mo na sakin." *sob* "Miss na miss kita alam mo ba yun?" *sob*. Halos mapugto ang aking hininga... Iyak ako ng iyak habang hinahaplos nya ang buhok at likod ko.
"Sshhhh... Tahan na... Andito na ako... I'm sorry... " lalo akong naiyak nang marinig ko ang boses nya. Wala na akong pakialam kong magmukha na akong tanga! Bakit ba! Miss na miss ko na talaga sya...
"I'm sorry kung hinusgahan agad kita... I'm sorry kung hindi kita tinanong kaagad... I'm sorry kung hindi kita nahabol that time.. I'm sorry kung hindi ko nagamot ang sugat mo! I'm sorry kung----
Natigil ako sa pagsasalita nang ikalas nya ako sa pagkakayakap ko at iniharap ako sa kanya. Nangungusap ang mga mata nya. Malaya kong napagmasdan ang kanyang mukha at dun ko lang napansin na mukhang hindi sya nagsheshave dahil may mga tumutubo nang munting balbas at bigote sa mukha nya. At mukhang hindi pa sya natutulog dahil sa laki ng eyebags nya... Kumunot ang noo ko nang makita ko ang guhit sa ibaba sa gilid ng kanyang mata na para bang nahiwa. Akmang hahawakan ko iyon nang pigilan nya at ikulong ang mga palad ko sa palad nya.
"Alam mo bang hindi kita matiis? Alam mo bang hinintay kitang puntahan ako sa opisina ko?" Malungkot ang mga mata nya at parang kumikislap iyon dahil sa mga butil na nagaambang pumatak. Napahikbi ako at napapikit. Alam ko... Duwag talaga ako! Ni hindi ko man lang sya naipaglaban sa takot ko. Sana pala sa loob ng halos isang linggong pagiinarte ko, pinuntahan ko na lang sya. Kinausap. Sinuyo. Hindi yung palagi na lang sya ang nageeffort tulad ngayon. Haysss... Ang sama sama ko! "Kahit tambak ang trabaho, ikaw pa rin ang naiisip ko. Hindi ako makakain ng ayos. Hindi ko magawang tumingin sa salamin. Ni hindi ako makatulog. Puro trabaho lang ako dahil gusto ko kahit sana konti makalimutan ko ang sakit. Pagod na ako Bhianca... "
"A-anong ibig mong sabihin?" nauutal kong tanong. Natatakot ako sa mga susunod nyang sasabihin. Hihiwalayan na ba nya ako? Shet wag naman sana! Tumalikod ako. Naglakad. Palakad lakad. Natutop ko ang aking bibig. Pinunasan ang aking luha at hinarap ko sya ulit. "Nakikipaghiwalay ka na ba? Ayaw mo na ba?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko magawang pigilan ang mga luhang umaagos sa aking mga mata. Nanlalabo ang mga ito. Sumisikip ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Hindi ko maikalma ang aking paghinga. Hinahabol ko ito. Sa sobrang sakit, pakiramdam ko tinutusok ang puso ko. Napapikit akong muli at napasandig sa dibdib nya. Umiyak ako ng umiyak. Nasa ganoon lang kaming posisyon. Ni hindi nya ako pinapatigil. Hinahayaan nya lang ako habang hinahaplos ang likod ko.
Makaraan ang ilang sandali ay iniangat nya ang ulo ko. Kitang kita ko ang mga luhang naglalandas sa mga mata nya. Pinunasan ko iyon gamit ang mga palad ko. Kumilos ang mga ito at parang may mga sariling isip na hinaplos ang bawat detalye ng mukha nya. Ang matangos nyang ilong. Ang mapupula nyang labi. Ang mga mata nyang tila nangeenganyong tignan lagi. I love him so much! Sana... Sana... Sana hindi pa huli ang lahat...
Pinagmasdan ko ang kanyang labi. Napako ang paningin ko doon. Naalala ko ang halik na iginawad nya sa akin noon. Napapikit ako at dinama yun. Ilang sandali pa ay kumilos ako upang damhin ulit yun.
Natagpuan ko na lang ang aking sarili na hinalikan si Sean. Banayad at dampi lamang.
Pagkatapos ay tumitig ako sa kanya sa pag asang makikita ko ang ekspresyon na kanina ko pa gustong makita. Nagdiwang naman ang puso ko nang makita ang kurba sa kanyang labi.
Napatitig akong muli doon. Unti unti namang bumababa ang kanyang mukha papunta sa akin. Pumikit ako at hinintay syang makarating.
"I love you... " narinig kong sinabi pa nya bago sakupin ang naghihintay kong labi.
Kusang gumalaw ang mga braso ko at ipinulupot sa kanyang leeg. Simple lamang iyon sa umpisa. For pete's sake! Hindi naman ako marunong humalik! You know... Sean is my first. Kaya hindi ako magkandatuto kung anong gagawin ko para naman maibalik sa kanya ang nais nya.
Ngayon ay hindi na lang yun simpleng dikit lamang. May ginagawa sya upang pasukin ang aking bibig. His tongue wandering around mine. Tila hinahanap ang kapares nito. Nanginginig ako. Pakiramdam ko nanghihina ako. Then he grabbed my waist closer to him. I feel the sudden struck when I feel that hard thing touch my tummy. Wala lang akong karanasan pero hindi naman na ako bata para maging ignorante sa ganon.
"Open your mouth baby.." anas nya. Maririnig mo sa boses nya na tila nahihirapan din sya at ganon din ako. Pakiramdam ko tinatambol ang puso ko sa sobrang bilis at lakas ng tibok nito. Sinunod ko ang utos nya. When I opened my mouth, finally his tongue found it's pair and I let him do that. I kissed him back. Nakipaglaban ako. Malalim. Mapusok. Gusto ko ang ganitong pakiramdam. Bago ngunit nakakabaliw.
Naramdaman ko ang isang kamay nya sa ilalim ng blouse ko. Umaakyat iyon patungo sa dibdib ko. I moaned. Habang busy sya sa paghaplos doon ay inabala ko naman ang sarili ko sa pagganti sa mga halik nya. Ngunit bago pa man nya marating iyon ay binitiwan na nya ako. Napapahiyang inayos ko ang aking sarili samantalang tumalikod sya sa akin at hinahabol ang kanyang hininga. Pagkaraan ay humarap sya sa akin at kinulong ako sa mga braso nya.
"I'm sorry... " then he chuckled. "We almost... Ugh... I'm really sorry babe." Hinging paumanhin nya habang hinahalikan ang buhok ko.
"It's okay mahal." sabi ko naman. Napangiti ako dahil sa ginawa nya. Alam kong nirerespeto nya ako kaya naman mas lalo ko syang hinangaan.
Kumalas sya sa akin at nakangiting nagsalita. "You're such a tease! Pinahihirapan mo talaga ako!" Napatawa ako sa reaksyon nya. Nakapout ang nguso nya! Sarap halikan!
Bhianca nagiging manyak ka na! Hahaha!
Bahagya kong pinisil ang kanyang ilong at nagkatawanan kami.
"Date tayo bukas. " sabi nya na ikinatigil ko. He's back!
"Sige! " masayang sabi ko.
YOU ARE READING
My workaholic girl (COMPLETED)
Roman d'amour"I'll do everything for my family even if it means putting aside my own feelings." -BHLUE