Ilang araw na matapos ang magical na gabing yun at walang pagsidlan ng saya ang puso ko.
Ilang araw na din na hindi ko nakikita ang bestfriend ko kaya naman pinuntahan ko na lang sya. Kailangan nyang malaman since officially engaged naman na kami ni Sean.
Hindi pa ako nakakarating mismo sa, tapat ng bahay nya nang bigla naman lumabas ang isang sopistikadang babae sa bahay nya na kasama sya.
"Rox! " sigaw ko pero mukhang hindi ako narinig.
Pinagmasdan ko silang mabuti. Hindi ko rin naman naririnig pero mukhang nagtatalo sila nung babae. Parang pamilyar sa akin yung babae. Teka! San ko nga ba sya nakita?
Natigil ako sa pagiisip nang biglang may kumalabit sa likod ko.
"Ay demonyo! Ay tae! Ay tao pala! " takteng Miguel na to! Sarap sapakin!
(Si Miguel yung hot fafa na traysikel drayber na pinagnanasaan ni Roxy dun sa unang chapter.)
"Demonyo? Tae? Grabe naman! Ang gwapo ko kaya!" mayabang talaga to kahit kailan! Buti na lang talagang gwapo sya nakuuuu..
"Bakit ka ba kasi nanggugulat?! " inirapan ko sya at tumingin muli sa dalawang ngayon ay nagpapatayan na! Hahahaha
"Ehh bakit ba kasi nandito ka? Pwede ka naman lumapit. Para ka tuloy naninilip dyan! " May point nga naman sya pero nakakahiya naman kung sisingit ako sa moment nila.
Mas nakakahiya kaya yung ginagawa mo! Psh! Akala ko patay na yung mga mahaderang isip ko ehh.
"Sino kaya yang babae? Bakit sila magkasama ni Rox. Tsaka parang may something sa kanila. " mahinang sabi ko.
"Halos araw araw kong nakikita yan dyan. Siguro last week pa. " sabi naman ni Miguel na nakatingin din sa dalawa.
Napaisip ako. Tama! Oo yun nga! Yung babae sa simbahan na may kasamang butler at body guards!
Naalala ko nung time na yun iniwan ko si Roxy at nagtirik ako ng kandila sa may gilid ng simbahan. Iniwan ko sya dun sa malapit sa gate tapos pagbalik ko, nakita kong naguusap sila nung babae. Hindi ko alam kung bakit pero parang nung mga oras na yun, may kung ano nang namumuo sa pagitan nilang dalawa. Ayaw kong mag-assume kasi mukhang imposible naman pero bakit may ganito? Anong ginagawa nung babaeng yun dito?
"Wow! Engaged ka na??? " natigil ako sa pagiisip nang magsalita ang kurimaw na to sa tabi ko. Nginitian ko lang sya. "Congrats! Sinong maswerteng lalaki ang nabingwit mo?"
"Ako. " sagot ng kung sinuman sa aming likuran.
Tila natuod ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses nya. Kita kong napalingon si Miguel samantalang hindi naman ako nakagalaw. Yung epekto nya talaga sakin eh! So anong ginagawa nya dito? Hahaha
"Ikaw? Wow Bhianca! Jackpot pala eh! Miguel nga pala pare. " di ko man nakikita, alam kong naglahad si Miguel ng kamay kay Sean. Dun na ako lumingon at shet! Ang gwapo nya talaga! Mabuti na lang masikip talaga garter ng panty ko! Kung hindi naku baka lumipad na!
"Sean Clark Williams pare. " tinanggap nya ang nakalahad na kamay ni Miguel at pagkatapos ay bumaling sa akin. "Mahal. " nakangiti nyang sabi.
Ayan! Ayan! Doctor! I need a doctor!
"Hi. " pilit ang ngiti kong iginawad sa kanya. Pilit kasi pinipigilan ko ang sarili kong yakapin sya at siilin ng halik. No! No way! No to PDA! Hindi sa harap nh kurimaw na si Miguel! Nakakahiyaaaaaaa!
"Sige pare. Nice meeting you. Bhianca invited ako sa kasal mo ah! Mauna na ako. Mamamasada pa. " nakangiting paalam ni Miguel. Tumango lang ako at ngumiti samantalang naghigh five naman sila ni Sean na akala mo matagal ng magkakilala.
"So mahal bakit ka nandito? " nakangiting tanong ko.
"Bawal bang bisitahin ang future misis ko?" Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Let's go? May ipapakita ako sayo. " anito tsaka ngumiti.
"Saan? Teka..." Dumating lang si Sean nawala na sa isip mo yung dalawa! Ayt! Lumingon ulit ako doon at nakita kong pasakay na ng sasakyan ang dalawa. Haysss... Sa ibang araw na nga lang! Nagpahila na ako at naglakad. Pauwi sa bahay ko ang direksyon na tinutumbok namin.
Hmm ano na naman kaya ngayon???
Nasa harapan na kami ng bahay ko. Nagulat pa ako nang bigla syang humarap sa akin at may kinuha sa bulsa nya na isang panyo. Tinupi nya yun.
"Turn around. " utos nya. Sumunod naman ako at ipiniring nya sa akin ang panyo. Hmmm... Smells so good! Grabe... Kinakabahan ako! Baka kasi babarilin ako eh! Hahaha
Inalalayan nya ako sa pagpasok sa bahay.
Sa wakas ay tinanggal na nya ang piring sakin at nagulat talaga ako pagkakita ko sa surprise nya.
"Happy monthsary! " nakangiting bati nya.
Oh Jesus! Monthsary nga pala namin! Nakakahiya nageffort pa sya samantalang ako nakalimutan ko! Huhuhu
I hugged him and showered kisses all over his face. Tapos tumakbo ako papunta dun sa human size stuff toy na baymax! Pinanggigilan ko yun kaya naman napahiga kaming dalawa... Ni baymax! Hahaha
Ito namang etshusero kong boypren, lumapit sa amin at nakigulo na din!
"Ang mahal nito! San mo to nabili?" Manghang tanong ko kasi parang pamilyar sa akin to ehh.. Parang katulad to nung nakita namin ni Rox nung nagmall kami.
Hindi nga ako nagkamali nang sabihin nito kung saan.
"Familiar ba?" nakangiti nyang tanong! Ayan na naman sya ehh! Otor wag mo nga tong pangitiin! Ilang beses na kong namamatay sa mga ngiti nya ehh! Hahaha
Tumango ako at ngumiti din.
"Tinanong ko kasi kay Rox kung anong regalo ang magugustuhan mo kaya ayan... " sabi nya.
"Ayan ang sinabi sayo ni Rox na bilhin mo? " tumango sya. "May galit pa yata sya sayo eh! " natatawang sabi ko.
"It's not about the amount. What's important is you're happy... Masaya ka nga ba mahal? " tanong nya na lalong ikinalapad ng ngiti ko.
Pinindot ko ang kanyang ilong. Natawa lang sya. "Hindi mahalaga kung may regalo ka o wala. What's important is... Mahal mo ako... Mahal kita... Mahal natin ang isa't isa. At walang makakapagpabago nun diba?" Hindi sya sumagot. Seryoso lang syang nakatingin sa akin.
Napalunok ako nang dahan dahang lumalapit ang mukha nya sa akin. Kahit na ilang beses na namin nagawa yun, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Pakiramdam ko may mga nagkakarerahan na naman puso ko.
Naglapat ang aming mga labi. Masuyo at marahang halik lang ang iginawad nya sa akin. Pagkaraan ay tumingin sya sa akin at ikinulong ang mukha ko sa kanyang mga palad. "I'll never let you go. No matter what happen, tayo pa rin hanggang sa dulo." Ngumiti sya at niyakap ako. Nakahiga kaming pareho at nakaunan ako sa kanyang braso. Pinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ko naman ang mabining haplos nya sa aking buhok at ang panaka nakang paghalik nya dito. This is Heaven! Ang saya... Masarap sa pakiramdam. I feel safe and also it feels so warming and comforting.
Narinig kong bumigat ang kanyang paghinga. Hindi ko naman nakikita, alam kong nakapikit din sya.
Umayos ako ng higa at hinayaan ang sarili kong tangayin at iduyan ang aking diwa.
Sana lang... Wala ng hadlang...
YOU ARE READING
My workaholic girl (COMPLETED)
Lãng mạn"I'll do everything for my family even if it means putting aside my own feelings." -BHLUE