"Baby... " napalunok ako nang marinig ko ang boses nya. Nakangiting lumapit sya sa akin at hinagkan ako sa noo. Hindi ako makagalaw. Ano bang dapat kong sabihin? Hindi ako sanay sa ganitong bagay. Mahina ang loob ko. Hindi ko sya kayang komprontahin.
"Hey... Something wrong?" Nakangiti pa rin sya. Bakit ba ngiti sya ng ngiti!Umiling ako at ngumiti ng pilit. "Lika sa loob. Malamig na dito." Tumalikod na ako at hahakbang na sana nang hawakan nya ang braso ko. Lumingo akong muli sa kanya at nakita ko ang pagaalala sa gwapo nyang mukha.
"May problema ba mahal?" Tanong nya.
Oo meron! Kaso hindi ko alam kung paano sisimulan! Paano ko nga ba itatanong sayo kung sinong kasama mo kanina? Hindi ko alam.
Nais ko sanang isatinig ngunit hanggang sa isip ko na lang yata yun.
I cleared my throat. Alam kong any minute tutulo yung mga luhang kanina ko pa pinipigilang huwag lumaglag.
Ngumiti ulit ako. This time it's a wild smile para hindi na nya mahalatang pinepeke ko lang. "Wala mahal. Tara na. Kumain ka na ba? " tanong ko kahit alam ko sa sarili kong kumain na sya.
"Hindi pa ehh. Nagluto ka ba?" Shoot! Sean bakit?!
Tumalikod akong muli at patakbong tinungo ang loob ng bahay.
"Mahal! Anong nangyayari? Okay ka lang ba?! " patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang banyo.
Binuksan ko muna ang gripo upang hindi nya marinig ang pag iyak ko. Pagkatapos ay malaya kong pinakawalan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Umasa ako na... Sasabihin nya sa akin... Na aaminin nya sa akin... Na kumain na sya... Na may kasama syang babae... Na kapatid nya o kaibigan o kabusiness meeting.... Di kaya niloloko nya lang talaga ako? Di kaya... Tama si Roxy?
Masakit. Ang sakit naman! Bakit ganoon parang sasabog ang dibdib ko. Patuloy ako sa pagiyak ng marinig kong kumakatok sya.
"Mahal okay ka lang ba? Buksan mo naman tong pinto ohh... Ano bang nangyayari? May masakit ba sayo? Bakit ka umiiyak? Mahal naman... "
Lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko. Lalo akong nasasaktan.
Bakit Sean? Napayuko ako... Muli kong narinig ang boses nya.
Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Wait lang mahal... Hintayin mo na lang ako.. Masakit kasi tyan ko..." Pagsisinungaling ko."Sure ka mahal okay ka lang? " tanong nya ulit.
"Oo mahal. Saglit na lang to. " sabi ko. Hindi ko na narinig ang sinabi nya dahil nilublob ko ang mukha ko sa drum na puno ng tubig.
Hindi ako magpapakalunod ha! Gusto ko lang marefresh. Arayyyt!
Ilang sandali pa ay lumabas na rin ako sa banyo at una kong hinagilap ang pinagsampayan ko ng mga towel.
Alam kong nakamata sya sa bawat kilos ko pero hindi ko na inintindi yun. Hindi ko na sya tatanungin. Hindi ko na rin kokomprontahin. For the last time, magtitiwala pa rin ako sa kanya. Hihintayin kong aminin nya yun sa akin. Kahit pa abutin ako ng ilang dekada! (Sanay na ko maghintay^__^)
Nagpupunas ako ng aking mukha nang marinig ko syang nagsalita.
"Lumabas ka ba? " walang expression na tanong nya sa akin.
"Hindi. Bakit? " tanong ko.
"Saan galing yung mga pagkain sa mesa? Nagpadeliver ka? " umaliwalas na ang mukha nya. Siguro inakala nya na lumabas ako kaya kanina parang inis.
"Pumunta dito si Chase kanina. Dala nya yung mga pagkain. " sagot ko. Pumunta ako sa kusina upang kumuha ng maiinom.
"Bakit sya nagpunta?" Bahagya pa akong nagulat ng bigla syang magsalita sa likuran ko.
I just shrugged my shoulders. Siguro dahil dumalaw lang? I don't feel like talking to him now. Mas gusto ko na lang magpahinga.
"Anong ginawa nyong dalawa habang wala ako?" Ewan ko kung bakit pero bigla na lang nagpanting ang tenga ko at ang sumunod na nangyari...
Umigkas ang palad ko at lumanding ito sa makinis at gwapo nyang mukha. Kahit ako hindi ko naisip na magagawa ko yun at sa taong mahal ko pa. It's just that... Iba ang naging dating sa akin ng tanong nya. Para bang may halong pagdududa. At ako pa talaga ha!
"what did you do that for?" tanong nya sa akin nang hindi lumilingon.. Napalakas yata ang sampal ko dahil nakapaling ang mukha nito.
Ramdam na ramdam ko ang galit sa puso ko!
"Dahil trip ko lang?" I said in sarcasm.
"What's your God dam problem Bhianca?!" Inis syang bumaling sa akin at marahas na napahilamos sa kanyang mukha .
Naikuyom ko ang aking mga palad . Malalim ang paghinga ko kaya naman hinahabol ko pa ito.
Nagsukatan kami ng tingin. Hindi ako natinag at wala akong balak na magbawi ng tingin . Di ko man masabi sa kanya, at least mararamdaman nyang galit ako.
Sa huli ay nagbawi sya ng paningin. Lumambot ang ekspresyon nya at akmang hahawakan ako kaya umatras ako ng bahagya. Narinig ko ang buntong hininga nya.
"look mahal... I'm sorry... Sorry kung iba ang dating sayo ng tanong ko... Hindi sa nagseselos ako. Oo . Sabihin na nga natin na ganon. Natatakot lang ako na mawala ka... makuha ka ng iba... " he said.
Eh ako.? Wala ba akong karapatan magselos? Wala ba akong karapatan matakot ? Na mawala ka?
Nais ko sanang isatinig ngunit tila naumid ang dila ko kaya nanatili pa rin akong tahimik.
Muli ay nagtangka syang lumapit at muli din ay umatras ako. Sa pangalawang pagkakaton. Ngayon. Narinig Kong hmugot sya muli ng malalim na hīninga. "Ano man ang nagawa ko o nasabi ko, please forgive me..." nagpapaawa ang mukha nitong itinaas ang mga kamay nitong magkadaop(parang page nagdadasal) .
Walang epekto. Galit pa rin ako sayo! Pero bakit sobrang sakit Lang. Wala akong ibang gustong gawin nya kundi ang umamin sya sa akin.
"Kumain ka na ba?" muli ay tanong ko. Tila naguguluhan itong umiling. Marahil ay nagtataka ito kung bakit bigla na lang ay yun ang naitanong ko.
"Hindi pa nga mahal kaya nga lika na.., Kumain na ----
"SINUNGALING!" sigaw ko. Hanggang sa huli itinanggi nya pa rin. Bakit?! Totoo Ba?! Totoo bang niloloko mo lang ako?! Nakita Kong nagsalubong ang mga kilay nya at bago pa man sya magsalita ulit , inunahan ko na. "Kumain ka na! May nakakita sayo sa mall! May kasama kang babae! Nagsisinungaling ka! " bahagyang sigaw ko. Shocked. Yun ang nakita Kong reaksyon Sa mukha nya.
"what?! Sino naman nagsabi sayo?!" galit Na rin ang boses nya aba !
"Di na mahalaga kung sino basta sabihin Mo sa akin lahat" Kinakabahan man ako sa magiging sagot nya, pinili ko pa rin magpakatatag.. Para bang Sa sagot nya nakasalalay ang relasyon namin.
Tumingin sya sa akin at ngumit ng mapakla. "I'm with Janelle earlier. We had a dinner."
Janella! His ex!
YOU ARE READING
My workaholic girl (COMPLETED)
Romance"I'll do everything for my family even if it means putting aside my own feelings." -BHLUE