Chapter 50

7 0 0
                                    

Roxy's POV

Isa sa pinakamasakit na katotohanan sa buhay ay yung makita mo yung mahal mo sa buhay na nagdurusa. Masakit isipin na sa dinami dami ng pwedeng saktan, bakit sya pa! Sya na tunay magmahal! Napakawalanghiya ng Sean na yun! Dapat lang sa kanya yung ginawa ko kahapon!

*Flashback*

Sinundan namin ang bridal car na sinakyan ni Bhianca papunta sa kung saan. Kasama ko ngayon si Bella at tulad ko ay nagaalala kay Bhianca.

"Slow down Ren!" Bella said. Sya lang ang tumatawag sa akin sa tunay kong pangalan. By the way, my name is Rein Rendeill Madrigal at may bubugbugin akong isang lalaki na nagngangalang Sean Clark Williams! Walanghiyang lalaki yun!

Malayo na ang agwat sa amin ng bridal car at naipit na kami sa traffic! Damm! Bakit ngayon pa! Napapukpok ako sa manibela ng kotse at malutong na napamura! Walanghiya! Damm! Shit! Bwisit! Humanda talaga sa akin ang lalaking yun!

Nang sa wakas ay umusad na ang traffic, dali dali kong sinipat ang bridal car. Napakalayo na!

"Calm down please... " pakiusap ni Bella sa akin at humingin naman ako ng paumanhin.

Nawala na nang tuluyan sa paningin ko yun! Fuck! Tumigil kami sandali sa isang convenience store ayon na rin sa pakiusap ni Bella na magpalamig muna ako.

Ilang minuto din ang nakalipas at umalis na din kami. Palinga linga ako sa paligid at nahagip ng aking mga mata ang isang mataas at malaking building. 'KANESS SITTI HOTEL,  Williams co.'

"Dun! Dun tayo!" Dali dali kong minaobra ang sasakyan papunta sa basement parking ng hotel. Napasinghap naman si Bella nang mamatahan namin ang bridal car na sinakyan ni Bhianca! She's here!

Dali dali kaming pumasok sa hotel at dumiretso sa reception area. Doon ay nadatnan namin na nakaupo yung driver ng mga Williams. Si Mang Neil.

"Mang Neil." Mahinahon kong tawag. Tila naintindihan naman nya ang mga titig ko kaya naman sinenyasan nya kaming sumunod sa kanya.

Ilang sandali pa lamang ay nakita na namin ang kwarto ni Sean at nagulat pa ako nang makita ko ang sapatos, belo at ang lace ng gown ni Bhianca na nakakalat sa may hagdan.

My workaholic girl (COMPLETED) Where stories live. Discover now