Chapter 9

20 2 0
                                    

Bhlue's POV

"You'll never suffer anymore cause I'm here little.... "

Ha!

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Masakit ang buong katawan ko at pakiramdam ko nagaapoy ako...

Ano yung panaginip ko? Ano yun? Sino yung....

"Baklaaaaaaaaa!!! " What the?!!

"Aray! Baks ano ba?! " Anong meron sa baklang to?! At kung makatili akala mo'y hinahabol ng dalawampu't tatlong demonyo? Ugh! May balak talaga tong bingihin ako eh!

"San ka galing kagabing bruha ka ha?!  Alam mo bang matyutyugi na ako sa pagaalala sayong bakla ka?! Kasalanan mo talaga to pag nagkawhite hair ako! My gosh! "

Talak ng bruha.

"Baks pag nagkaroon ka ng uban, ibig sabihin nun matanda ka na! " biro ko na ikinasimangot naman nito.

Teka... Saan nga ba ako galing kagabi? Anong nangyari? Bakit? Ang sakit ng katawan ko at....

"Inaapoy ka ng lagnat dahil basang basa ka kagabi! " Nakanguso pa rin ito at ang bruha! Mas mataas pa yung kilay sakin! Tch!

Pilit kong inalala yung mga nangyari kagabi.

Natatandaan ko... Pumunta ako sa opisina ni Sean at ibinigay ko yung invitation para sa kasal namin ni Justin.

At....

Yung dahilan ng lahat ng to...

"Baks alam mo ba di na kita mareach... " Maya maya ay narinig kong sabi ni Roxy...

Bakas sa mukha nito ang lungkot. At may kislap sa mga mata nito.

"Baks umiiyak ka ba? Anong pinagsasabi mo? " nagtatakang tanong ko.

Pilit ko itong ihinaharap sa akin at akala mo'y bata ito kong magpumiglas.

"C'mon Roxy! Ano ba yun?! " masakit ang ulo ko. At nilalagnat ako. Tch! Ano ba kasing problema nito...

"Yung Justin na yun ang lagi mo nang nakakasama. Wala ka nang panahon sa akin! Ni hindi mo na nga ako itinetext! Wala na bakla... Pakiramdam ko kinalimutan mo na ako! " maktol nito.

What? Nagseselos ba sya?! Hahaha! Ang cute!

Di ko tuloy maiwasang mapatawa... Tumawa ako nang tumawa samantalang sya ay seryoso pa rin na nakatingin sa akin. Kitang kita ko kung paano tumalim ang tingin nito sa akin! God! Nakakatakot!

"Uhmmm... Sabi ko nga... Seryoso na... Hehehe... " i fake a laugh. Awkward kasi... "Kasi ganito yun baks.... Syempre kasama ko sya palagi kasi fiancé ko sya... Inaasikaso namin yung mga kailangan para sa kasal namin----

"Oh c'mon Bhianca! Wag na nga tayong maglokohan! Alam nating pareho na----

"Enough! Just stop Rox! Masakit ang ulo ko please.... " putol ko sa anupamang sasabihin nito.

Napahilot ako sa sentido ko nang bigla itong kumirot. Agad naman akong dinaluhan ni Roxy at hinilot hilot nito ang sentido ko.

"I'm sorry baks.... Nabigla lang naman ako ehh... " Mangiyak ngiyak nitong hinging paumanhin.

"Sorry din baks... I admit, naging busy ako nitong mga nakaraang araw pero hindi ibig sabihin nun na kinalimutan ko na yung friendship natin kasi hinding hindi mangyayari yun... Ikaw ang unang taong sinamahan ako sa lahat ng laban ko sa buhay... Makakalimutan ko ang pangalan ko pero hindi ang kung anong meron tayo... We're sisters by heart... You'll always be here baks... " emosyonal kong pahayag sabay turo sa aking kaliwang dibdib.

My workaholic girl (COMPLETED) Where stories live. Discover now