"Manong wala na po bang ibibilis yan???" tanong ko sa driver ng taxi na sinasakyan namin.
"Ma'am pasensya na po. Talagang ganito po dito. Naipit po tayo sa traffic ehh." Kamot ang batok na sagot ng driver sa akin.
Talagang naipit na kami sa traffic. Bumper to bumper my God!
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Katabi ko si Rain, Winter at Summer samantalang si Sunny ay sa tabi ng driver nakapwesto.
"Mom relax..." Summer told me and held my hand.
"Everything's gonna be alright Mom." Sabi naman ni Winter na hinahaplos ang likod ko at nang tumingin ako kay Rain ay ngumiti sya sa akin.
"He'll be fine." Nagulat pa ako ng magsalita si Sunny sa unahan.
May babies! Paano na lang ako kung wala kayo???
Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. In this kind of situation, I need to be strong. Ayokong makita ng mga anak ko na mahina ako!
"I'm sorry babies... Nagaalala lang talaga si Mommy." sabi ko sa kanilang apat.
Ilang sandali pa ay umusad na ang traffic. Nakahinga ako ng maluwag sa kaisipang malapit na kami sa ospital na sinabi ni Janella na pinagdalhan kay Sean.
Kung bakit kasi napakatigas ng ulo nya. Ano bang tumatakbo sa isip nya at itinigil nya ang pagpapagamot. Dapat wala na akong pakialam eh! Dapat wala ako ngayon dito! Kami ng mga anak ko!
"Ma'am nandito na po tayo." Untag sa akin ng driver. Kumuha ako ng 1 thousand bill at ibinigay iyon sa kanya. Dali dali kong inalalayan bumaba ang mga anak ko. "Ma'am sukli nyo po." Sigaw ni manong sa akin matapos kaming makalayo ng bahagya sa taxi nya.
"Keep the change manong." Ngumiti ako at nagpasalamat naman sya.
Di rin biro ang magbitbit ng apat na maliliit na chikiting lalo na't ang dami ng tao. Kaya inutusan ko silang mahigpit na maghawak hawak at walang bibitaw.
New environment. Prone to dangers. Hindi ko naman kasi alam kung anong kalakaran ngayon dito sa Pilipinas.
Bigla kong naisip ang mga mahal ko sa buhay na nandito. Ang pamilyang kumupkop sa akin at ang mga kaibigan ko. Ni hindi nga nila alam na nandito ako dahil wala pa akong pinagsabihan kahit isa sa kanila. Siguro kokontakin ko na lang sila pagkatapos ng problemang to.
Dire-diretso ang lakad namin papasok sa hospital since nasabi na sa akin ni Janella ang room ni Sean, hindi ko na siguro kailangan pang magtanong.
Habang papalapit ay sya namang pagbilis ng kabog ng puso ko. Ano na lang kayang magiging reaksyon nila pag nakita nila ang mga anak ko? Alam ko naman na nandito ang mga magulang ni Sean. Sigurado akong sila ang unang makakakita sa mga bata.
Tumingin ako sa mga anak ko. Ano kayang tumatakbo sa mga isip nila? Can they absorb all the things that bound to happen today? Can they really accept the truth? Sana hindi na lang sa ganitong paraan. Five years is too much to hide all the things that are meant to happen. Sana man lang nabigyan kami ng pagkakataon na magkaliwanagan. Hindi sa ganitong sitwasyon.
Napabuntong hininga ako. Handa na nga ba talaga ako??? Mapapatawad ko ba agad sya kung humingi sya ng tawad sa akin at ipaliwanag ang lahat??? Hindi pa ba sapat ang limang taon kong paghihirap para lang makalimutan ang namagitan sa aming dalawa?
Sean bakit nagawa mo yun sa akin?! Bakit hanggang ngayon ginagawa mo pa rin?! You hurt me at hanggang ngayon ba naman?
Suddenly my eyes gone wet. Hindi ko mapigilan kasi masakit! Ang sakit ng damdamin ko. Nasaktan ako ng sobra. Ngunit lahat pala ng mga pasakit, luha at paghihirap na dinanas ko, hindi nagawang patigasin ang puso ko.
YOU ARE READING
My workaholic girl (COMPLETED)
Romance"I'll do everything for my family even if it means putting aside my own feelings." -BHLUE