Nagising ako sa masuyong hampas ng hangin sa aking pisngi. Pagmulat ko ng aking mga mata ay agad na bumungad sa akin ang malinis at kulay asul na kwarto. Inilibot ko ang aking paningin saka ko lang narealize na wala ako sa aking silid! Teka! Nasaan ako.??? Anong nangyari??? Pilit kong inalala ang nangyari at...Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon ang bagong paligo at may hawak na tray ng pagkain na si... Sean??? What the heck??? Am I in heaven???
Napaisod ako sa itaas ng kama habang sya ay palapit sa akin at may ngisi sa labi. Yung ngisi na may kapilyuhang naglalaro sa isipan. Parang kailan lang! Parang noong limang taon na ang nakakaraan... Buhay na buhay sya at nasa aking harapan.
Palapit sya ng palapit sa akin habang ako naman ay pilit na lumalayo hanggang sa naabot ko na ang pinakaulunan ng kama. I'm cornered! Lalo pa syang lumapit sa akin ng sobrang lapit hanggang sa ilang inches na lang ang aming pagitan. Sobrang lapit na halos naaamoy ko na ang kanyang hininga at gamit na pang-shave.
"Please leave me alone..." Mahinahon kong pakiusap sa kanya. "You're dead. Mahirap man tanggapin pero kailangan. Mahal na mahal kita Sean. Just rest in peace." Napayuko ako at umiyak. Masakit man ngunit kailangan kong tanggapin na wala na sya. Siguro dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, nakakalikha ako sa aking imahinasyon ng ganitong senaryo. Magigising ako sa umaga kasama syang kumain. "Breakfast in bed!" Naaalala ko pang ginawa nya ito noon.
Naramdaman ko ang mga kamay nyang hinawakan ang aking pisngi. Napapitlag ako sa aking naramdaman! Hindi sya malamig! At ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang palad!
"You still love me... Do you?" Nakangiti nyang tanong samantalang ako ay hindi malaman kung anong isasagot. Gusto kong hawakan ang mga kamay nyang nakahawak sa aking pisngi pero natatakot ako! Natatakot ako na baka pag hinawakan ko sya ay bigla naman syang maglaho! Kung panaginip man ito, natatakot akong magising! Magising na tapos na at wala na sya!
Hinawakan nya ang isa kong palad at hinila ako palapit sa kanya. Pagkatapos ay ipinatong iyon sa kaliwa nyang dibdib.
Damm! What's this?!
Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso nya! God! Pinaglalaruan ba ako???
"Are you.... Are you alive??? " gulat na gulat kong tanong. Ngumisi lang sya at kinurot ng bahagya ang tungki ng aking ilong. Nakaramdam ako ng inis! Pinaglalaruan ba nya ako?! "C'mon! This is not a joke! Buhay ka??? How??? Paano kita nahahawakan??? Aren't you a ghost? I'm just imagining right? Damm! Tell me! Stop making fun of me!" Pinagbabayo ko ang dibdib nya ngunit hindi naman sya umiiwas. Hinahayaan lang nya ako sa ginagawa ko hanggang sa tuluyan na akong mapagod at mapasubsob sa dibdib nyang kanina lang ay binabayo ko. "Mula noon, hanggang ngayon lagi mo tong ginagawa... Sinasaktan ako..." wika ko habang umiiyak. Nahihirapan na akong magsalita dahil sa sipon at katotohanang wala na akong ginawa kundi umiyak.
"Slap me, punch me, hurt me... I fucking deserved it. At alam kong kulang pa ito sa sakit na ibinigay ko sayo. I'm so stupid to hurt the woman I love so much. I'm a coward to set you free. That's what I realize each day passes. Knowing the truth that you raised them well and good on your own, I'm no good to you... Hindi ako nararapat para sayo but Bhianca..." He stopped, held my head and eyed me. "My heart says please give our love a second chance... This time I will make it better... Promise this time, no more hiding, secrets and breaking promises." I saw some tears started to strain down his face.
Napailing ako at kumalas sa pagkakahawak nya sa akin. Tumayo ako at akmang lalakad na palayo nang bigla nya akong hinila at yinakap. Nakatalikod ako sa kanya habang nakayakap sya sa likod ko.
"This is just a dream. You're dead... Please wag mo na akong pahirapan..." Pagmamakaawa ko sa kanya. Paano nga ba kung isa lang talaga itong panaginip? Ayoko nang umasa! Ayoko nang masaktan pa! Tama na ang isa o dalawang beses! Tama na! Baka hindi ko na kayanin!
YOU ARE READING
My workaholic girl (COMPLETED)
Romance"I'll do everything for my family even if it means putting aside my own feelings." -BHLUE