Chapter 37

6 0 0
                                    

"Anak... " tawag sakin ni Mama makaraan na papasukin ko silang dalawa ni Chase.  Yes. Confirmed. Kasama nga nya si Chase at hindi ko alam kung bakit. Well, there's my boyfriend who's glaring to the latter.
Nakakamatay na tingin!

Pinaglipat lipat ko ang paningin sa kanilang tatlo. Haysss... Paano ko ba to sisimulan?

"Uhmmm ma, si Sean po. Boyfriend ko. " pakilala ko sa kanya sa nanay ko. Agad naman syang lumapit dito.

"Mano po... " sabi nya.

Samantalang nakikita ko ang mapaglarong ngiti ni Chase sa kanilang dalawa.

"Kaawaan ka ng Diyos anak. " magiliw na sagot ni mama na ikinangiti nya.

"Kumain na po ba kayo? Sakto. Kumakain pa ho kami ehh. Tara kain tayo ma. Chase. " alok ko sa kanila. Hindi ko talaga alam kung bakit. At paanong naging magkasama sila.

"Kumain na kami Bhianca. " nakangiting sagot naman ni Chase. Hindi ko man tinitignan itong katabi ko, pero alam kong nakasimangot ito ngayon. Selos na selos kay Chase ehh magkaibigan lang naman kami nung tao! Hahaha.. 

"Oo anak. Kumain na kami nitong si Chase. " nakangiting sagot ni mama.

"Ah ganon po ba? Sige po.. Uhmm... Saglit lang po ah? Linisin ko lang yung pinagkainan namin ni Sean sa hapag." Tumango si Mama at hinila ko na papasok sa kusina si Sean.

"Bakit nandito yung kutong lupa na yun? Pangisi ngisi pa! Sarap sipain!" Nakangusong reklamo nya. Ang sarap nyang asarin! Hahaha parang bata!

"Bakit ka maninipa? Kabayo ka ba?" Nakangising tanong ko habang pinapatas ko ang mga maruruming pinggan at inilagay yun sa lababo. Sinimulan naman nyang hugasan ang mga iyon na nakanguso pa din. Cute talaga!

"Psh! Edi susuntukin ko na lang!" Maktol nya.

"Ay wag! Masama yun babe! Tsaka bakit ang init ng ulo mo dun sa tao ehh wala naman ginagawa sayong masama?" Nakigulo na din ako sa ginagawa nya matapos kong linisin ang mesa.

"Saken wala! Sayo meron! Obvious naman nagpapacute sayo yung kutong lupa na yun! Psh!" Puro sya kutong lupa kutong lupa eh ang gwapo gwapo nung tao! Hahaha mala-artista ang dating bagamat simple lang manamit, malakas pa din ang dating.

"Hay mahal. May pangalan yung tao. Hindi sya kutong lupa. Ang gwapo kaya nya. " kaswal na sabi ko na ikinatigil nya sa ginagawa.

"Anong sabi mo?" Pantay ang kilay na tingin nya sa akin.

"Huh?"patay malisya kong tanong. I told you ang sarap nyang asarin!

"Sabi mo gwapo? Nagagwapuhan ka sa kutong lupa na yun?! " medyo napalakas ang pagkakasabi nya nun kaya naman natigil na din ako sa ginagawa ko.

"Gwapo naman talaga sya ah? At isa pa mahal, magkaibigan lang kami! Yun lang ang pagtingin ko sa kanya. Hindi mo kailangang magpakagalit galit dyan dahil... " nagpunas ako ng kamay ko at pumulupot sa leeg nya saka nagpuppy eyes. "sayo lang ako.. " ngumuso pa ako at kunwaring akma syang hahalikan nang umiwas sya.

Natawa ako sa reaksyon nya.

"Psh! Wag na wag kong gagawin yan pag may kasama tayong ibang tao kasi baka hindi ko mapigilan at kunin ka ora mismo. DITO!" Napalunok ako. Ayan ayan! Pilya kasi hahaha. Ako naman ngayon itong hindi makapagsalita. Tumawa naman sya at bahagyang pinitik ang aking NAIA. Este noo. "Joke lang! " tawa pa rin sya ng tawa kaya naman nahawa na ako saka ipinagpatuloy ang ginagawa namin.

Nasa ganoong tagpo kami nang sumulpot si Chase sa aming likuran.

"Ehemmm... Excuse me. Bhianca, ipinapatanong ni mama kung matagal pa ba yan kasi daw inaantok na sya." Tila nahimasmasan naman ako nang marinig sya. Ayt! Nawala sa isip ko. Napatagal yata kami. At Mama? Haha! Mama na tawag nya sa nanay ko?

"Uhmm sige.. Patapos na kamo. " nakangiti kong sagot at ngumiti din sya bago lumabas.

"Mama? Galing talaga! Mama na tawag nya?! Kutong lupa talaga!" Sa loob ko ay natatawa ako dahil halos pabulong lang nyang sinasabi yun! Nagseselos ang gwapo kong boypren hahay!

"Tara na nga! Bilisan mo na dyan at mukhang pagod si mama... Tara... " nagpunas muna ako ng kamay at pinunasan ko din yung kamay nya. Yung gwapo nyang mukha. Yung yummy nyang braso na ang sarap papakin at.... Ayt tara na nga! Kakatapos mo lang kumain Bhianca! Mahiya ka! Hahahaha

At hinila ko na sya palabasa sa kusina.

Pagkaraan ang ilang sandali ay magkaharap na kami ni Mama. Yes. Kami lang dalawa. Pinakiusapan nyang lumabas muna yung dalawa kahit pa nga hindi ko maintindihan kung bakit. At ang kanina ko pang ipinagtataka, bakit parang balisa sya.

At bakit nga ba talaga sinasabi nyang kasama nya si Chase? Kinakabahan na agad ako ngayon pa lang.

"Mama... " tawag ko sa kanya nang mapansin kong saglit syang napatitig sa kawalan. "May problema po ba?" Yun lang naman ang nakikita kong mabigat na dahilan kung bakit ganoon ang ikinikilos nya at isa pa, talagang sinadya nya ako ditong puntahan.



"Anak.. Lika, lapit ka dito." itinuro nya ang space sa kanyang tabi.

"Po?" Natatawa ako kasi... ang... awkward! Hahaha. Aaminin ko. Hindi naman ako sweet sa kanila. Siguro kasi medyo bata pa ako nung malayo sa kanila. Lumapit na lang din ako nang marealize kong seryoso si Mama.

"Anak... " hinawakan ni mama ang kamay ko. Napapitlag ako ng maramdamang nanlalamig ang kanyang mga palad.

"Okay lang po kayo? Hindi po ba kayo nilalagnat? Magpahi-----

"Anak hindi ka namin tunay na anak ng tatay mo. "

Magpahinga na po kayo mama baka kasi pagod lang kayo. Nais ko sanang sabihin sa kanya ngunit pinutol nya yun at sinabing...

HINDI KA NAMIN TUNAY NA ANAK NG TATAY MO.

Teka!!! Joke yun???

"Ma... " nakangiti pa rin ako kahit sa loob ko parang.... parang hinahati yung puso ko! "Nagjojoke kayo? Di po magandang biro yun. " kunwari ay sumeryoso ako ng tingin.

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang makita ang luhaan nyang mukha. So...

"Hindi anak. Hindi ako nagbibiro. Kaibigan ko ang nanay mo. Isa syang OFW sa Korea noon at nagkarelasyon sya sa amo nya na may asawa. Ihinabilin ka sa akin ng tunay mong ina bago sya namatay ilang minuto pagkatapos mong maipanganak. "

Nganga. Literal yan. Ni hindi ako makagalaw! Ibubuka ko ang bibig ko ngunit walang lumalabas na salita. Nasaan ang boses ko? May kumuha yata!

"Wala na syang kamag anak. Ang mga magulang nya, yung lolo at lola mo, pumanaw na din. Nag iisang anak lang sya kaya mag isa lang sya at nung mga panahong yun, ako lang ang meron sya kaya naman nung nalaman nyang buntis sya sayo, kaagad syang umuwi ng Pilipinas at dito ka nga ipinanganak. "

Gusto ko sanang tumayo upang lumanghap ng maraming hangin ngunit tila yata mga tuhod ko ay nanghihina. Bigla ko na lang naramdaman ang pagpatak ng mainit na likido sa aking kandungan. Ang aking mga luha. Hindi ako makapagsalita ngunit rumaragasa ang mga luha ko. Nasasaktan ako. Hindi! Parang pinapatay ako!

21 years! Dalawang dekada at mahigit akong nabuhay sa mundong ito ngunit ngayon lang nya sinabi sa akin? Grabehan naman! Sabi ko noon palagi sa sarili ko, kahit ako na lang ang masaktan palagi pero ngayon parang gusto ko nang bawiin! Ang sakit pala! Sobra!

"Anak... Okay ka lang ba? Anak... " marahang niyugyog ni mama ang balikat ko. Ramdam ko yun oo!  Pero hindi ko sya matignan. Hikbi lang ang tanging maririnig sa akin at ang tunog ng hininga kong tila nahihirapan.

At naisip ko si Sean.

Nasaan ka? Kailangan kita ngayon.

Pabigat ng pabigat ang paghinga ko at nagsisimula na akong makakita ng mga bloke sa kawalan. Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko at bago pa man ako tuluyang mawalan ng ulirat ay isang pares ng mga braso ang maingat na sumalo sa akin.

(Mabuti pa si Bes sinalo sya! Eh ako... Hinayaan lang akong mahulog at masaktan! Hahahaha!)  TBC! Happy reading! :3

My workaholic girl (COMPLETED) Where stories live. Discover now