Ilang beses ko din sinipat ang sarili ko sa salamin. Bumagay naman sa akin ang suot ko ngayon na napili namin ni Rox na isuot ko. Take note! Libre to kasi hiniram lang namin sa kaibigan nyang beki na sumasali sa mga beauty pageant... Since simple lang ito at paborito ko din na kulay. Black long gown. Hindi naman ganon kahaba. Sakto lang. Lumagpas lang ng konti sa may talampakan. Medyo bukas nga lang ang dibdib kaya naman nakoconcious ako.
"Baks para kang old maid! Alisin mo nga yang kamay mo dyan! Yan ang purpose nyang tabas na yan. Para ipakita ng pahapyaw sa audience!" Sita sa akin ni Rox dahil tinatakluban ko ng kamay ko ang aking dibdib kapag yumuyuko. Aba! Hindi ko naman gustong ipakita to eh! At isa pa, engagement party ang pupuntahan ko hindi club!
.. Yes! You read it right! Engagement party! Kanino? Syempre sakin! Hahahaha... Ipapakilala na ako ni Sean sa buong mundo bilang fiancé nya. Kinakabahan ako pero mas lamang ang excitement na nararamdaman ko. Kung ako lang din ang masusunod, kahit sana wala na nito ehh. Pero mapilit ang mga magulang nya kaya naman heto...
"Baks di nga ako sanay eh!" Padabog na naupo ako sa harapan ng salamin.
"Pwes masanay ka na! Being the wife of sought after billionaire Sean Clark Williams is a hard fight! May aaligid dyan. Merong makikisawsaw! Mas bongga! Mas sexy! Mas byutipul at higit sa lahat magaling sa----
"Baks yung bibig mo! " putol ko sa ano pang sasabihin nya. Tumawa lang naman sya. Psh! It's not helping. Alam ko na hindi ako ganon kaganda or kasexy pero alam ko mahal ako ni Sean. Yun lang ang pinanghahawakan ko kaya naman hindi pumapasok sa isip ko ang mga ganong bagay pero sa kabilang side, kung iisipin, hindi nga maiiwasan yun! Ah basta! Mahal ko sya, mahal nya ako, tama nang dahilan yun para hindi ako mangamba.
Sinimulan na ni Rox na ayusan ako. Light make up lang ang nirequest ko sa kanya since hindi naman talaga ako sanay. Ilang sandali pa ay natapos na at nagustuhan ko naman ang itsura ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero.... GRABE ANG GANDA KO!
"Ayan! Perfect!" Itinayo nya ako at inikot ikot na parang roleta. Same old habit huh? Tuwang tuwa sya na ginaganon ako! Psh! Balasyajan kung dyan sya masaya!
Samantala, habang hinihintay ang sundo ko, naalala kong meron nga pala akong itatanong kay Rox!
"Baks about nga pala dun sa babaeng naencounter natin sa simbahan, sabi ni Miguel, palagi ka daw nun pinupuntahan?" Tanong ko na ikinasimangot nya. Hahaha something something...
"Change topic. " anito at tumirik pa ang mata. Taray!
"Eh si Miguel pala may bagong jowa na ano?" Pabirong tanong ko. Wala man lang akong nakitang reaksyon sa mukha nya at nagpatuloy lang sya sa pagscroll sa cellphone nya.
I heaved a sigh.
"Oh? Problema?" he asked. Ngumiti lang ako at lumapit sa kanya. Mataman ko syang tinitigan at nang akmang lalapit na ako sa kanya ay agad nyang hinarang ng palad nya ang mukha ko. Ugh! "Bhianca what do you think you're doing?!" Gulat na gulat nyang tanong. Ako naman itong.... Hahaha! I smell something so creeeeeepyyy talaga...
"OA naman ng baklang to! Huy yayakapin lang kita no! Makareact ka naman dyan!" Napahalukipkip ako at lumayo nang bahagya sa kanya.
"Eh bakit mo ko yayakapin?! " yung expression pa rin ng mukha nya ehh hahayssss ewan ko!
"Aba bakit??? Masama ba ba ngayong yakapin ka?!" Ginaya ko yung mukha ng mga monster na napapabood ko sa tv at Lalapit sana ulit ako sa kanya pero mabilis syang nakalayo. ang sarap nyang paglaruan! Hahaha
"You're unbelievable! Creepy! And ugh! Nababaliw ka na!" sigaw nya habang hinahabol ko sya! Napuno ng halakhak ko at sigaw nya ang kwarto ko at hindi ako nangangambang baka masira ang ayos ko dahil masaya ako na nakasama ko sya ulit. Maybe this will be the last na ganito kami. Maybe tomorrow, we will have our separate ways. Our own path. My path with Sean and his path with that girl...
Oh Roxy! Nahanap mo na yata talaga ang babaeng makakapagpatigas ng malambot mong puso.... ^___^
--------
Nervous.
That's what I feel right now. Yung sinabi ko kanina na mas nakakaramdam ako ng excitement? Binabawi ko na! Kung sa tingin nyo eh maganda na ako ngayon, eh ano pa kaya sila? Yung mga bisita dito ngayon. Pakiramdam ko nanliliit ako psh! Tsaka wala man lang akong kakilala. Si Manong na family driver ng mga Williams ang sumundo sa akin imbes na yung damuhong yun!
Nasaan na nga ba sya? Hindi man lang sumasagot sa tawag o text! Mababali na ang leeg ko sa kakalinga sa paligid, still no signs of him! Kahit anino! Yun naman parents nya, busy sa pakikipagusap sa ibang mga bisita na kasosyo marahil sa negosyo.Haysss! Dapat kasi sumama na lang si Rox! Ang arte kasi! May maaga daw syang lakad bukas psh! If i know!
"Ay! " nagulat ako ng bigla na lamang may nakabunggo sa akin na isang matangkad na lalaki. Mabuti na lamang at maagap akong nakahawak sa isang upuan kaya naman hindi ako tuluyang natumba! Ang byuti ko po jusko! Walang magreretouch sa akin ano ba!
"Sorry miss! Sorry... My God! Hindi ko sinasadya. " hinging paumanhin nya sa akin. Inayos ko ang sarili ko at nginitian sya.
"It's okay. " sabi ko. Aalis na sana ako nang bigla nyang hawakan ang braso ko. Napapitlag ako at agad namang binawi ang braso ko.
"I'm sorry talaga miss. Are you with someone?" tanong nya.
"Oo... Hinahanap ko nga sya ehh." Sagot ko naman. Hindi naman ako bastos para ignorahin lang ang tanong nya at isa pa, mukha naman syang mabait.
Looks can be deceiving Bhianca! Psh!
"By the way, I'm Zachario Jin Cortez. Just call me Zach. " Pakilala nya at naglahad ng kamay sa akin. Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko yun pero sa huli nagshake hands na rin kami.
"Bhiaca Estanilla." Maiksing sagot ko. Hindi ko naman kailangang sabihin sa kanya ang buong pangalan ko...
Tumango sya at saglit na luminga sa paligid.
"Let's go there. " sabi nya sa akin sabay turo dun sa mesa sa unahan malapit sa stage. Really? Feeling naman nya sasama agad ako sa kanya. Psh!
"Okay na ako dito. Ikaw na lang. " sagot ko na lang.
"Ang isang magandang binibini, hindi dapat itinatago. Dapat ipinapakita sa lahat. Halika na. " alok nya ulit sa akin at inilahad ang kanyang kamay. Anong problema sa lalaking to? Buset! Anong akala nya sa akin? Easy? Madadala sa pambobola nya? Hay naku!
"Hindi. Okay na lang talaga ako dito."
Nakakainis na ah! Unang pagkikita pa lang namin pero feeling close na! Psh!"Sige na." Ayt! Pwede bang manapak? Shet kasi!
"Pre wag mong pilitin pag ayaw." Marahas akong napalingon sa nagsalita sa aking likuran. "Babe.." Sabi nya sa akin at ngumiti. Inakbayan din nya ako at hinarap si Zach. "Excuse me pare. Kung sino ka man, wag na wag mo na ulit lalapitan ang fiancé ko." diretso nyang sabi at nakita ko naman na ngumisi lang si Zach. Bigla akong kinabahan sa reaksyon nya. Para bang may kung ano syang pinaplano sa isip. Pinilig ko ang aking ulo at tumalikod na.
Strange!
YOU ARE READING
My workaholic girl (COMPLETED)
Romansa"I'll do everything for my family even if it means putting aside my own feelings." -BHLUE