Bhianca's POV
Masakit ang ulo ko.
Masakit ang katawan ko.
Nanghihina ako.
At ayaw ko pa sana gumising kundi lang nagkakaingayan sa paligid.Psh! Namiss ko din ang boses ng baklang yun! Sigurado akong pangfamas na naman ang drama nun.
"Baklaaaaaaaa!!! " Alam nyo? Kung may sariling kamay at paa lang yung tenga ko? Matagal nang nabugbog tong bakla na to. Grabe! Napakaingay!
"Bakla ano ba... Masakit ang mga muscles ko. " reklamo ko dahil pisang pisa ako sa pagkakayakap nito sa akin. May paiyak iyak pang nalalaman ayt! Mga epek!
"Pinagalala mo kasi ako bakla ka! Akala ko ba magdedate lang kayo ni Sean tapos nakidnap ka! Bakla ka kung ano anong pinapasok mo! " mahabang litanya nito.
By the way, ano nga palang nangyari? Nasaan si Justin at Vida? Si Mr. Bender? At si....
"Good evening Ms. Beautiful. " Ahh? Ehh?? Pwede bang kiligin? Hahaha!
Sean my loves why so pogi???
Kakarating lang nito at may hawak pa itong bouquet ng roses. How sweet!
Pakiramdam ko nagkukulay kamatis yung mga pisnge ko!
"Ehem... " It's Roxy. He faked a cough. Pinandilatan ko ito ng tingin. "Ahmm naalala ko nga pala may bihilhin pa ako. Ehh maiwan ko muna kayo ah.. Sean, ikaw na bahala kay Bhianca. Ingatan mo ahh?? Kundi.... "
"Kundi ano? " natatawa ako. Para kasing tanga si Rox. Nagmimic ito na parang lalaki.
"Kundi sa akin ka mapupunta... " Haha! LT talaga! Tawa din ng tawa si Sean. Babatuhin ko na sana ng unan si Rox pero sumibat na ito palabas. Ngayon ay solo na namin ang moment. Yay! My God!
Nagaalinlangan pa ako kung ako ba yung unang magsasalita. This is awkward.
"Kamust ka na? " Sean.
"kamusta ka na? " Bhianca.
Sabay pa kami ah! Nagkatawanan ulit kami. Mahirap pala yung ganito.
"Okay lang naman ako. Medyo masakit lang ang katawan ko pero kata ko naman. " he said and smile.
Mabuti naman at okay lang sya. Dun pa lang, okay na ako.
"Ikaw? Kamusta na pakiramdam mo? " tanong naman nito sa akin.
"I'm fine now. Medyo masakit nga lang din ang katawan ko pero okay lang. Kaya ko. " As long as nandito ka. Gusto ko sanang idugtong pero parang nakakahiya! Hahaha wag na lang.
"Well that's good. Basta sabihin mo lang kung ano pang masakit sayo ah? " bakas sa gwapo nitong mukha ang pagaalala.
Tumango ako at ngumiti na ulit ito.
Pagkaraan ay marami pa kaming napagkwentuhan including Justin and Vida.
Nabanggit ni Sean na nagtungo ang mga ito papuntang America kasama ang tatay ni Vida.
Nang malaman ni Mr. Bender ang puno't dulo ng lahat ay naunawaan naman nito si Justin kung bakit nito nagawa iyon. Bagkus ay hinangaan ni Mr. Bender ang katapangang ipinakita ni Justin para sa anak nito.
Yes. Katapangan. Hindi naman kasi lahat ng sumusuko, mahina. The things is, one is brave enough to face the reality. Na kahit anong gawin mong paglaban, masasaktan lang kayo. At para hindi sobrang mahirapan ang isa, magsasakripisyo ka para sa ikabubuti nito. That's what Justin did for Vida. Dahil ayaw nyang mapasama ang imahe ng babae, naglakas loob syang hiwalayan at iwan ito kahit gaano pa kasakit. Kahit pakiramdam nya buhay pa ang katawang tao nya pero patay na ang kanyang sistema.
Back to Mr. Bender, sinuportahan na nito ang anak at si Justin at tutulong din ito sa pagresolba ng gusot na nilikha ni Trina.
That girl! Sya naman talaga ang dahilan ng lahat.
Bahagya akong nagulat nang kunin ni Sean ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay kong ngayon ay hawak na nya.
"Bhianca... Ngayong malinaw na sa akin ang lahat at wala nang hadlang pa para pagbigyan natin ang nararamdaman para sa isa't isa, pwede ba kong humingi ng pabor sayo? "
Ha? Ahh ehh?
"A-ano yun? " God! Kinakabahan ako! Ano baaaaaaa...
"Can you be my girlfriend? "
OMG.
-----
Shocked.
Yan ang reaksyon ko. Bakit nga ba? Eh alam nyo first time ko kasi! Kahit pa ba umamin kaming mahal namin ang isa't isa as in hindi pa rin ako makapaniwala.
"Bhianca are you okay? " he asked. Lalo na akong nanigas sa kinauupuan ng hawakan nya ang noo ko. Mother! I'm going to die! "Hindi ka naman nilalagnat. May masakit ba sayo? " tanong nya ulit. Wala na naman akong maisagot. "Hey, you're making me worried. " Ang mga kamay nya ngayon ay nasa magkabilang balikat ko at bahagya nya akong yinugyog.
"Ahh... Ehh... O... Okay lang naman ako. Pasensya na may iniisip lang ako. Ano nga ulit yun? " pagkukunwari ko.
Napakamot naman ito sa ulo at umiiling na napatawa.
"Alin ba dun ang uulitin ko? " natatawang tanong nito.
I just shrugged my shoulder pero sa loob ko hiyang hiya ako. Ewan. Mixed emotions. Hahaha!
"You know Bhianca, if you're not ready, I understand. I will wait until you can answer me a Yes. "
"Yes! " I said. Sya naman ngayon ang nagulat at hindi makapagsalita.
Harhar. #RELATIONSHIPGOALS!-------
Sean's POV
"Yes! "
"Yes! "
"Yes! "
Snap out of it rascal! She said yes! Now make a move idiot!
Tila nahimasmasan naman ako.
"Really? You said yes? Tayo na?! As in girlfriend na kita?! " sunod sunod kong tanong. Tumatawa lang naman si Bhianca. Sobrang saya ko. Hindi ko akalain na sasagutin nya ako. Okay lang naman sa akin kung hindi nya ko agad sagutin. Edi liligawan ko muna sya! Pero ngayong sinagot na nya ako, wala ng patumpik tumpik pa.
"Oo nga. Ayaw mo ba? " nakangising tanong nito. How childish but i find it cute. If I am not mistaken 20 pa lang sya at 25 naman ako.
Naaalala ko pa, sa ganyang edad din nya nakapagpropose na ako sa isang babae. Isang babae na sinaktan lang ako at iniwan. I just hope hindi na mangyari ulit yun. Sa katauhan ni Bhianca. Baka hindi ko na kayanin. Ewan ko.
"Hey... Are you alright? I'm just kidding. Of course, totoo yung narinig mo. Sinagot na kita at girlfriend mo na ako. " Nakangiting sabi nito. Napalis naman ang mga agam agam sa isip ko. Sana nga. At gagawin ko ang lahat para lamang hindi gawin ni Bhianca yun sa akin. I will love her with all my heart. Ibibigay ko sa kanya ang pagmamahal na deserve nya. I promise I will make it right this time.
"Thank you. You don't know how much I wanted this day to come. I'm very happy. Thank you Bhianca. I love you. " sabi ko at hindi na ko naghintay pa ng sagot nya. Kinabig ko sya palapit sa akin at yinakap ko ng mahigpit. "I promise I won't hurt you. I know this is your first time that's why I'll do everything just to make you happy and safe. " naramdaman kong marahang yumuyugyog ang mga balikat nya at narinig ko rin ang mahina nyang hikbi. I just hope it's a tears of happiness. I caress her back. I just let her cry. Alam ko ang mga pinagdaanan nya sa buhay. Justin told me everything about her. Ngayon malinaw na sa akin kung bakit ganon na lamang kaluwag si Justin pagdating kay Bhianca. And about that money, yung makukuha ni Bhianca once na maikasal sila, I told Justin to forget about it. I can give everything to Bhianca kahit alam ko na hindi naman ito papayag dahil may sarili itong paninindigan.
I just hope, wala nang hadlang. At kung meron man, sisiguraduhin kong malalagpasan naming dalawa yun.
YOU ARE READING
My workaholic girl (COMPLETED)
Romance"I'll do everything for my family even if it means putting aside my own feelings." -BHLUE