Chapter 31

7 0 0
                                    

(A/N: THIS CHAPTER IS FOR ROXY. YEAH OF COURSE! HINDI PWEDENG SI BHIANCA LANG ANG MAY LOVELIFE AHHAHA. DAPAT SI BESHY DIN! AFTER NG STORY NI JUSTIN AT VIDA AY GAGAWAN KO DIN NG STORY SI ROXY AT ANG MYSTERIOUS GIRL NA MAKAKAPAGPASTRAIGHT SA BABAENG PUSO NI ROXY! CHAREEENGGGG)


Hindi biro ang magpasaya ng isang broken hearted na tao kaya naman gagawin ko ang lahat para lang mapasaya si Bhianca. Yeah! Super close kami to the extent na nararamdaman ko din yung sakit na nararamdaman nya at ayaw ko naman na wala akong magawa para kahit paano mabawasan yun. So heto kami... Binabaybay ang bangketa papuntang GIL mart.

"Ayyyyyy! " sobrang engrossed yata ako sa pagiisip kaya hindi ko napansin yung lubak napatid tuloy ako! Muntikan nang masira ang byuti ko buti na lang nasalo ako ng beshy ko! Hayssss... Buti pa sya sinalo ako ehh si Miguel inetsapwera na ang byuti ko nakilala nya lang yung kapitbahay nyang bagong lipat na hipon! Hmp!

"Careful Rox. " she said then smile. Who would have been ignore this girl beside me. Kung naging lalaki nga lang ako edi sana ako na lang ang sumalo sa kanya. Simple but beautiful. Ilan sa mga traits na tipo ko sa isang babae kung naging lalaki lang talaga ako. Pero beshy ilublob mo man ako sa drum na punong puno ng tubig, palanguyin sa buong Pacific ocean, pakainin ng isang milyong kilo ng sili at paputukan ng kanyon. Babae pa rin ako!

Napakamot na lang ako sa ulo ko nang samaan nya ako ng tingin.

Nasa loob na kami ng mall at hindi maiwasan nitong kasama ko na mapasinghap nang makita nya ang life size stuff toy ng paborito nyang cartoon character na baymax nga ba yun? Hahaha! Oo! Isip bata!

"Dun! Dun tayo Rox! " parang batang na yaya nito. Hinihila pa ako habang papalapit at napa-'wow' talaga sya nung tumabi sya dun. Hahaha mas matangkad pa sa kanya yun!

Napasinghap naman sya nang tignan ang presyo nun.
"Grabe... Ang mahal! Tara na... Kumain na tayo. Nagugutom na kasi ako ehh... " sabi nito pagkaraan.

Buong hapon lang kaming namasyal. Ramdam ko naman na tuwang tuwa sya sa lahat ng pinupuntahan namin. Hinahayaan ko lang din sya kung saan nya gustong pumunta o kung anong mga gusto nyang kainin. Ngayon lang ulit kami nakapagbonding ng ganito at masasabi kong napakasaya din ng puso ko. Masaya ako sa tuwing ngingiti sya. Masaya ako sa tuwing maririnig ko ang halakhak nya. Ang mga expression nya at mga reaction kapag nakakakita ng mga paborito nyang bagay o pagkain. We even went to an amusement park. Masayang masaya sya habang sakay ng carousel. Tignan nyo? Isip bata talaga! Hahaha...

Gabi na nang magpasya kaming umuwi na. Napagod siguro ang bruha!

"Thanks for this day Rox... " sabi nya pagkaraang makarating na kami sa harap ng bahay nya. Napansin kong may kakaiba na naman sa boses nya at ayaw ko nun!

"Hey... Cheer up! Psh! Bale wala tong araw na to kung ganyan ka na naman." Paano ba kasi... Parang maiiyak na naman! Hayysss

Ngumiti sya. Alam kong pilit lang yun kaya napabuntong hininga ako. Alam kong hindi ako ang taong makakalunas ng nararamdaman nya ngayon.

"Okay. Pumasok ka na.. Go to sleep now at bukas after ng work ko may pupuntahan ulit tayo. " nakangiti kong sabi. "Good night. " I hugged her. Ramdam ko naman na napapaiyak na sya kaya itinulak ko na sya papasok sa loob ng bahay. Psh! Cry baby! Nagwave sya at nagflying kiss pa sa akin bago pumasok. Haha! Such childish girl!

Kinabukasan, pagkadating ko galing sa trabaho, agad ko syang pinuntahan. At tulad ng sinabi ko, ipinasyal ko ulit sya. May mga pagkakataon na nakikita kong malungkot sya kaya naman todo effort ako sa pagpapasaya sa kanya. Tungkol sa kanila ni Sean? Wala naman syang binabanggit. Hinahayaan ko lang syang minsan ay umiyak sa balikat o sa dibdib ko.


Sunday. Nagsimba kami. Pagkatapos ay nagpasya kaming kumain. Saglit na nagpaalam si Bhianca na may dadaanan kaya naman naupo ako sa isang bench malapit sa gate ng simbahan.

Busy ako sa pagcecellphone ng biglang may nadapa sa harapan ko. Nagulat pa ako nang pumalahaw ng iyak ang babae. Seriously?! Ang laki laki na nya ah! Bakit kumakalat ang katulad ni Bhianca na isip bata ngayon? Ayt! Nakakarinding babae! Eskandalosa!

Hinayaan ko lang syang magdrama dyan. Baka kasi nagpapractice ng acting para makapasok sa star magic!

"Di mo man lang ba ako tutulungan?!" Pasigaw na sabi ng babae. Luminga ako sa paligid upang tignan kung ako ang kausap nito kaya nang wala akong ibang makitang tao ay medyo... Medyo ha... NABWISIT AKO! I HATE MAARTE GIRLS! DAHIL AKO LANG ANG DAPAT MAGINARTE!

"Excuse me... Ako ba yung kausap mo?" Mataray kong balik tanong sa kanya.

"Ay hindi! Siguro dun sa mga bulaklak sa likod mo?! Baklang sukluban ng kapangitan! " nagpanting ang mga tenga ko sa huling sinabi nito. Kahit pabulong yun ay narinig ko pa rin! Hello??? Di naman bulong yun ehh! Parang na-out of breath lang yung pagkakasabi!

Napatayo ako at susugudin ko na sana sya nang may dumampot bigla sa babae.

"Young mistress okay lang ba kayo?!" Isang nakaunipormeng lalaki at dalawang mala-bouncer ang pangangatawan ang nakita kong dumalo sa babae.. Ahahayysss masama ang mga tingin nila sa akin!
Lalo na si ateng na napahalik sa lupa!



Gaddddd help! BHIANCAAAAAAA!!!

My workaholic girl (COMPLETED) Where stories live. Discover now