Chapter 2

35 3 0
                                    

-Bhlue's POV

Gabi na nang makauwi ako sa apartment galing sa huling raket ko ngayong araw.

Nakakapagod pero push pa rin para sa ekonomiya!

Pasalampak akong umupo sa sofa na binigay sa akin ni Roxy.

Nagpalit kasi ito ng sofa last year at dahil wala akong ganoong bagay sa inuupahan ko, binigay na lang nya yun sa akin.

Diba? Pangcharity worker-depender ang drama naming magkaibigan.

Nag-open ako ng facebook.

Oww! Wrong move! Nakikita ko kasi yung post nung mga batchmates ko. Halos lahat sila mga nakagraduate na at may mga magaganda ng trabaho ngayon.

Yung iba nakapost yung kotse nila, nag-a-out of the country, kain sa mga sosyal na resto, outing doon, outing dito. Samantalang ako? Grabe mas matangkad na sakin yung insecurities ko sa katawan.

6 footer beshy!

Naiimagine ko tuloy kung mayaman ako ano kayang mga gagawin ko?

Naputol ang pagiisip ko nang biglang magring ang cellphone ko. Si Roxy yung tumatawag.

"Hello bakla!!!" halos mabingi ako sa sigaw ng mahaderang bakla sa kabilang linya.

"Bakla ka! May balak ka atang basagin ang eardrums ko eh! Nakakaloka!"

"Bakla ka rin! Edi bahala ka kung ayaw mong malaman ang good news! Hmp!"

Pagod talaga ako ngayon at wala ako sa mood makipagbiruan.

"Ano ba kasi yun? Bakss pagod ako ehh." I closed my eyes. Pagod na pagod talaga ako at gusto ko nang matulog.

"Okay fine." Narinig kong may sinasabi sa akin si Roxy pero hindi ko maintindihan dahil hinihila na ako ng antok. "Uy baks! Nakikinig ka ba?" Maya maya ay tanong nito.

"O...o-o baks. A-no nga .. ulit yun?"
Konti na lang at talagang babagsak na ako.

"Ang sabi ko, magkakatrabaho ka na dahil nangangailangan ng P.A. yung boss ng pinsan ng katrabaho ko na nagtatrabaho sa Miller Corporation."

Trabaho. P.A. Miller Corporation. Isa isang inianalyze ng isip ko ang aking mga marinig.

Para naman akong nabuhusan ng isang toneladang yelo at nawala ang antok ko.

Wait! Did he just say Miller Corporation? My God! Sikat na company yun sa bansa!

"Hello? Ano? Are you still there? Baks naman eh!"

Yes! Trabaho! Yes! Gising pa ako!
As in gising na gising pa ako dahil sa wakas magkakatrabaho na ako ng matino!

"Wait baks... Bago pa lang kasi nagsisink in sa utak ko ehh. Pero yes baks! As in yes! Kahit bukas magsisimula na ako! Thank you baks! Thank you! I love you sagad!" exagg na sabi ko.

"Heh! Matulog ka na at ihahatid kita doon bukas. Goodnight baks."

Ngumiti lang ako at nagpaalam na din.

Humiga na ako at tuluyan nang nakatulog ng may ngiti sa aking labi.

-----------------------------------------------------------

-Sean's POV

Busy ako sa pakikipagusap sa telepono sa isang prospect client nang pumasok ang sekretarya kong si Emily.

My workaholic girl (COMPLETED) Where stories live. Discover now