We've been waiting for so long and weeks became days, days became hours and finally... It's our wedding day!
Ilang linggo din kaming pagod at puyat sa pagaasikaso ng lahat at ngayon, nasuklian na ang paghihirap namin. Masasabi kong medyo nakakalimutan ko na ang malagim na nangyari sa akin at sa likod nun ay ang pagkurot sa akin ng konsensya. Hindi ko pa rin nasasabi kay Sean ang nangyari.
Kasalukuyan akong inaayusan ng mga kaibigan ko.
"Now that you'll gonna be a Mrs. Williams soon, konting oras na lang o kaya hindi na talaga tayo magkakasama ulit." Bella said. Hindi ko maiwasang mapangiti. Parang mas close pa kami ngayon kesa kay Roxy. While sya, ayun. Tahimik lang na inaayusan ako. Ewan ko dyan. Naging tahimik na ehh simula nung....
Haysss ayaw ko munang isipin yun! Kasal ko ngayon at dapat masayang masaya ako.
"Pwede nyo naman akong dalawin eh... O kaya lumabas tayo kapag may oras. " sabi ko naman.
"Iba na ngayon pag may asawa ka na. Lalo na pag nagkababy kayo." sabat ni Rox.
"Oo nga. Sabi ni Mommy nung ipinanganak nila ako lagi na daw sa bahay si Daddy. Hindi na sya pumupunta sa company namin. Minsan na lang daw kapag talagang may malaking problema." segunda ni Bella. Napangiti ako.
"Your parents love you so much." Nagiisa lang kasi syang anak at babae pa. Sabi kasi nya maselan daw magbuntis noon ang Mommy nya at nakailang miscarriage na. Maswerte nga daw at talagang nabuhay sya dahil pagkatapos syang ipinanganak ay tuluyan nang idineklara ng doctor na wala nang kakayahan manganak ang Mommy nya. Ayun. That's the
story kaya spoiled brat sya(noon)."And I love them too." she said with a wide smile.
Napaisip ako. Ano kayang pakiramdam na inaalagaan ng tunay na mga magulang? Ano kayang mangyayari kung buhay pa sila pareho? Si Mama sabi nya mahal na mahal daw ako ng tunay kong nanay kahit pa weeks old pa lang daw ako sa sinapupunan nya. Si Papa naman sabi ni kuya Chase nagsisisi daw na hindi man lang ako kami hinanap ng tunay kong ina. Nakakalungkot. Sana nandito sila ngayon sa kasal ko. Kung buhay pa sana sila at buo kami, siguro hindi ako nakaranas ng hirap. Katulad ni Bella na laging nakaagapay ang mga magulang sa bawat desisyon at bagay na kanyang ginagawa. Siguro may tatay ako ngayon na maghahatid sa akin sa altar. Siguro may nanay ako na masayang pumapalakpak at lumuluha sa kaligayahan dahil sa wakas ay ikakasal na ang anak nila.
Sa naisip ay hindi ko naiwasang mapaluha.
"Ayt! Ang make up! Sayang ang make up!" reklamo ni Rox. Sinamaan lang naman sya ng tingin ni Bella. Tiklop ang bakla. Este lalaki. Hahaha!
"Pwede pa naman iretouch yan! Kaya mo yan Bee... Doesn't matter if that's a tears of joy or sadness. You're going to take the road to lifetime with him. Yun na lang ang isipin mo." Bella is the angel side in my life while Rox is the evil one. Hahaha... I'm so lucky to have them both. Just the two of them. Remember you don't need many. You just need one or two that's really trustworthy. Less attachments, less pains.
May mga ilang bagay pa din kaming napagkwentuhan hanggang sa dumating na ang oras. Oras para pumunta na sa simbahan. This is it!
May mga body guards na nagbabantay sa labas. Courtesy of Bella ulit.
Nag-text ako kay Sean at sinabi kong papunta na ako sa simbahan. Ilang minuto hanggang sa maging oras pero wala pa rin syang reply. Kagabi pa yung huli namin na paguusap. Strange. Pinalis ko na lang sa isipan ko ang negative thoughts na baka... Psh! Ikakasal na ako dapat happy happy lang...
Nasa simbahan na kami. Hindi muna ako bumaba sa limousin na sumundo sa akin sa hotel kung saan dun din gaganapin ang Reception.
"Ma'am wala pa po ang groom." balita sa akin ng organizer na kinuha namin ni Sean. Recommended ng kaibigan nya. "Pupuntahan ko na lang po kayo ulit dito pag dumating na sya. " Tumango lang ako at nagpasalamat. Umalis na din naman agad ang babae na mukhang busy sa pagaarrange ng entourage.
Nasaan ka na Sean???
Kinuha ko ang cellphone ko at chineck ko yun. Still no reply.
Tinawagan ko na sya ngunit out of coverage ang cellphone nya. Nagsisimula na akong kabahan. At nagiinit na din ang sulok ng aking mga mata.
"Ma'am baka natraffic lang si Sir o baka may dinaanan lang saglit." sabi sa akin ni Mang Neil. Family driver nila Sean. Ilang beses na din nya akong naihahatid sa bahay ko o kung saan ko gustong pumunta pag wala si Sean.
"Sana nga po Mang Neil." Sagot ko at pinahid ang luhang malapit ng pumatak.
Napabuntong hininga ako at napasandal sa headboard ng upuan.
Ilang minuto o sabihin na natin na oras ngunit hindi pa rin ako pinupuntahan ng organizer. Ibig sabihin wala pa si Sean! Naiiyak na talaga ako!
Tinawagan ko si Bella at agad naman nyang sinagot yun.
"Bee, wala pa sya anong nangyari? Nagkakagulo na dito sa loob bakit hindi pa raw nagsisimula. Dalawang oras nang late. " sabi nya sa akin.
"Yun nga ehh... Hindi sya nagrereply sa mga text ko at nakapatay pa cellphone nya." nagaalalang sabi ko.
"Baka kung ano nang nangyari sa kanya! " napaiyak na talaga ako."Sssshhh stop crying... Oh eto si Rox." sabi nya. "Hello.. Palabas na kami ni Bella pupuntahan ka namin dyan." Sabi nya pagkatapos ay agad na pinatay ang tawag.
Ilang sandali pa ay may kumatok sa bintana ng kotse. Si Rox. Agad ko naman binuksan ang pintuan at bumaba. Inalalayan nila ako hanggang sa makapasok sa simbahan. Mahaba kasi ang gown ko kaya naman nahihirapan ako maglakad.
Agad sumalubong sa akin ang mga humahangang tingin ng mga tao. May naririnig akong bulungan na bakit wala pa daw ang groom ko? Baka hindi na darating at kung ano ano pa. Pinilit kong ngumiti sa mga taong ngumingiti rin sa akin.
Nahagip naman ng paningin ko ang pwestong kinauupuan nila Mama at mga kapatid ko. Kompleto nga pala silang lahat. Lahat ng mahal ko sa buhay maliban kay kuya Chase. Nasa business meeting kasi sya ngayon sa Morocco. Nagpahatid na lang sya ng pagbati at regalo.
Nagaalalang tumingin sa akin si Mama. Nginitian ko na lang sya na nagsasabing wag akong alalahanin. Okay lang ako...
Dumiretso ako sa altar at doon ay naghihintay ang mga magulang ni Sean. Nagmano ako sa kanila at niyakap naman ako ng Mommy nya. Habang ang Daddy nya ay tinapik ang balikat ko.
"Konting hintay pa anak. Darating din sya. " pagpapalakas ng loob sa akin ni Mommy.
"Kukutusan ko ang batang yun pag nakarating sya dito!" Pabirong sabi ng Daddy nya na halatang nagtitimpi lang.
Napabuntong hininga ako at tumingin sa buong paligid. Napakaganda ng ayos. Mula sa mga kurtina at bulaklak hanggang sa kulay at suot ng mga bridal entourage na karamihan ay relatives nila Sean.
Ilang minuto at ilang oras na rin ang nagdaan at ang paghihintay ay paghihintay pa din.
WALA PA SYA! Nagaalala, kinakabahan at naiiyak na ako! Bakit ganon?! Nasaan na sya?! Baka kung ano nangyari sa kanya!
Unti unti nang nagaalisan ang ibang bisita. Karamihan kasi sa mga kanila ay mga negosyante. Mahalaga ang oras para sa kanila. Nakakahiya na...
Natigil ang lahat nang biglang magplay ang projector na nasa unahan. Ang alam ko dun ipapakita lahat ng mga pictures namin ni Sean. Lahat ng mga memories pero sa pinakhuli pa yun!
Lahat ay nakatuon ang paningin doon ng biglang....
LUMABAS ANG LARAWAN NI SEAN! HINDI! ANG HUBAD NA LARAWAN NI SEAN AT MAY KATABING BABAE! NO! HINDI MAAARI!
YOU ARE READING
My workaholic girl (COMPLETED)
Romance"I'll do everything for my family even if it means putting aside my own feelings." -BHLUE