Chapter 29

7 0 0
                                    

"Magkasama kayo ng ex mo kanina? Bakit?" Ang galing ko magkontrol ng emosyon kasi hindi man lang nabasag ang boses ko! Mamaya paparangalan ko ang sarili ko! Manghihingi ako kay Roxy ng Sash at korona tutal may mga kaibigan naman syang sumasali sa mga beauty pageant!

"It's just an accident. Ni hindi ko nga alam na nandun sya ehh. " paliwanag nya. Ha! As if maniniwala ako!

"Aksidente? Ano yun? Aksidenteng nagkabanggaan kayo? Aksidenteng kumain kayong dalawa? Aksidente rin yung pagbibitbit mo ng mga binili nya? Ano? Aksidente pa rin ba? " sunod sunod kong tanong.

"Hindi naman sa ganon... " mababa ang boses na sabi nito. Lumapit sya sa akin at hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang umatras. Ngayon ay hawak na nya ako sa magkabilang braso ko habang ako naman ay nakayuko at nagbabadya ng tumulo ang mga luha.
"You just have to trust me. Janella was my ex. My past. Nakaraan na lang sya. Lahat ng memories, pinagsamahan ay isa na lamang alaala. You're now my present and my future. " ramdam ko ang nanginginig nyang boses.

Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. Yung gripo yata sa banyo sa mga mata ko napunta. Naramdaman ko na lamang na niyakap nya ako. Hindi ako gumanti ng yakap basta nakahilig lang ako sa kanyang dibdib at laglag ang mga braso.

I cleared my throat at kumalas sa yakap nya. Tumalikod ako at uminom ng tubig. Just to relax my self. Pakiramdam ko kasi nanginginig ang mga kalamnan ko.

"Pero may possibility na madevelope ulit kayo. She's your first love. " nung minsan na nagheart to heart talk kami nasabi nya sa akin na si Janella ang first love nya at first girlfriend. Pero hanggang dun lang ang nasabi nya sa akin tungkol sa babae.

"Babe naman. Alam mo naman na mahal na mahal kita ehh. Hindi pa ba sapat yung mga pinaparamdam ko?" Alam ko. Alam ko mahal nya ako pero hindi pa rin mawawala sa isip ko yung takot na yun.

"Mahal na mahal mo rin sya noon. You even tried to take your own----

"That's bullshit Bhianca! Who the hell told you that thing?!" Sigaw nito. Napapitlag ako. Damm jeez! Me and my big mouth. Bigla akong inatake ng kaba. Bakit nga ba nasabi ko yun! Thay supposed to be a secret cause according to Justin ayaw na ayaw daw ni Sean mababanggit ang bagay na yun. Wrong move! Stupid Bhianca!

"That... doesn't matter... " nauutal kong sagot. Bigla na lamang nya akong hinaklit at iniharap sa kanya.

"Answer the god damm question! Si Justin ba?! " nanunuri ang tingin nya sa akin.

"Oo! " sagot ko. At isa pa yun! Mahal daw nya ako pero hindi ko alam ang tungkol sa bagay na yun! Hindi nya sinabi! Madami syang inililihim sa akin! Is that fair?

"Damm! Fuck! Shit! Damm! " malulutong ba mura ang lumabas aa bibig nito bago ako binitawan at nagulat ako nang suntukin nito ang lagayan ng pinggan na bubog ang pintuan. Nakita kong dumugo ang kamao nya. Dun na ako napasugod sa tabi nya.

"Your fist is bleeding! Gamutin natin yan! " akma kong kukuhanin ang palad nya nang iiwan nya yun sa akin. "Sean ano ba! " nakakainis ang arte! Hindi sya natinag at salubong lang ang kilay na nakatingin sa akin.

"Janella had Leukemia. She's suffering for a year now. It's true. Aksidente lang ang pagkikita namin sa mall. At kung itatanong mo kung bakit dala ko ang mga pinamili nya, yun ay dahil wala syang kasama. Masama sa kanya magbuhat ng mabibigat at hindi na rin ako nakatanggi sa alok nyang magdinner kami dahil nagaalala akong baka pag iniwan ko sya may mangyaring masama sa kanya. Di yun kaya ng konsensya ko. And last, kaya nasa mall ako... Just check it on your sala. I told you just trust me pero mukhang wala kang tiwala. I'm sorry. Tsaka na lang tayo magusap pag okag ka na"

Stunned. Natuod. Napako. Sa kinatatayuan. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko kahit pa ba tuluyan na syang umalis sa harapan ko.

DAMM BHIANCA! WHAT HAVE I DONE...

Ilang minuto din akong nakatayo at bigla na lang akong napaupo sa sahig. Nanlalambot na ang mga tuhod ko at sumasakit na din ang ulo ko. Hindi pa rin matigil ang paglandas ng aking mga luha. Kasalanan ko!

Dinig ko ang pag alis ng kanyang sasakyan ngunit hindi ko sya magawang habulin. Una,shocked pa rin ako sa nalaman ko at huli, nahihiya ako.

Tumingin ako sa basag na lagayan ng pinggan. May bahid pa ng dugo doon mula sa kamao nya. I was so stupid!
Sana pala tinanong ko na lang sya nung una pa... Sana hindi umabot sa ganito.

Nilinis ko muna ang mga basag na bubog at pagkatapos ay inilagay ko sa fridge ang mga natirang pagkain. Hindi na rin ako kakain kasi nawalan na ako ng gana.

Aakyat na sana ako nang mapansin ko ang mga dala nya kanina. Iniwan pala nya. Ayan na naman yung mga luha ko. Bakit ba kasi...

'And last... Kaya nasa mall ako.. Just check it on your sala. '

Naalala ko pang sinabi nya kanina. Tuluyan na talaga akong napaiyak nang amuyin ko ang mga rosas.

"I'm so stupid for hurting you... I even slapped you... " nasabi ko na lang. Talagang nagsisisi ako sa actions ko. Pero sino ba ang hindi matatakot? Ex nga yun. Ilang taon din naging sila at nagpropose pa sya. Yung sinabi ko kanina... Muntikan na nyang kunin ang sariling buhay dahil sa pakikipaghiwalay ni Janella sa kanya noon. Si Justin ang nagkwento sa akin noon. Mahal na mahal nya si Janella nung sila pa kaya hindi malabo na maibalik ang feelings para sa ex nya. Oo nega ako. Wala naman kasi akong maipagmamalaki. Di tulad ni Janella na mayaman, maganda, sexy... Eh ako? Isang hamak na rakitera lang. Baka nga kaya hindi pa ako pinapakilala ni Sean sa mga magulang nya kasi baka hindi ako tanggapin. Hahaha! Funny.. Dinadown ko na naman ang sarili ko.

Binuklat ko ang card na nasa paper bag na may print ng paborito kong cartoon character na si baymax.

Mahal,

         I love you always. I know that this present is just a small thing but i hope you'll like it. Someone told me communication and connection is must for the relationship to last. So tadaaaaa! Couple phone. Corny pero sayo lang. Mahal na mahal kita.

-S

Hindi ko alam kung maiiyak o matatawa ako. Binuksan ko ang cellphone at nakawallpaper agad dun ang picture namin dalawa. May sim na din agad at number nya...

Nanginginig ang mga kamay na pinindot ko ang call button.

Magsosorry ako hanggang sa magsawa sya at mapatawad ako.

Hindi naman ako nabigo nang sa pangatlong ring ay sinagot ni Sean ang tawag ko.

"Hello.. " malumanay kong sabi. Walang nagsalita at buntong hininga lang ang narinig ko.  Maingay at magulo sa kabilang linya. May sumisigaw, may kumakanta, may tugtog at...

*tot tot tot*

Pinatayan nya ako. Sinubukan ko ulit syang tawagan ngunit unattended na...

Nakailang ulit pa ako hanggang sa umabot ng ilang oras na ganon pa din ang ginagawa ko sa pag asang buksan nya ang kanyang phone pero wala na talaga...

Lalo akong napahagulhol ng iyak. Galit sya sa akin at kasalanan ko yun.
Pumikit ako at pinayapa ko ang aking sarili hanggang sa tuluyan na akong igupo ng pagod at antok.

My workaholic girl (COMPLETED) Where stories live. Discover now