Bhlue's POV
Napakamalas ko naman yata ngayon at malapit ng magtanghali ay wala pa rin akong nahahanap na trabaho. Kahit sana waitress wala! Jusko! Nakakapagod!
Nawala na sa isip kong buksan ang cellphone ko. Basta patuloy lang ako sa paglakad at paglinga linga sa palagid.
Hanggang sa abutin ako ng pagod at napaupo sa isang bench.
Dun ko naisip buksan ang cellphone ko ng bigla na lang may....
"Hoy!!! Ibalik mo sakin ang bag ko! Magnanakaw! Hoy!!!" isang batang lalaki ang tumangay ng bag ko! My God! Hindi pwede! Nandun ang wallet ko! Hindi ako makakauwi andun ang pamasahe ko! Ughh!!!
Patuloy ako sa paghabol sa batang lalaki hanggang sa matalisod ako at bumagsak sa lupa! Deym! Nasprain yata ako!
"Pag minamalas ka nga naman oo! " malayo na ang narating nung batang lalaki hanggang sa tuluyan na itong mawala sa aking paningin.
Nagkataon pa na hindi matao sa lugar kaya wala man lang mahingan ng tulong. Nagpumilit akong tumayo ngunit sa pagtatangka ko ay lagi naman akong nabibigo. Lalo lang sumasakit ang paa ko. God! I'm so helpless!
"Miss are you okay? " narinig kong sabi ng isang lalaki sa likuran ko. Ugh! Mukha ba akong okay? Hindi naman siguro masama maging rude lalo na kong obvious naman yung sitwasyon diba? Ayt!
"Muka ba akong okay? " balik tanong ko nang hindi lumilingon sa kanyang direksyon. Chusero! Kung okay ako di sana nakatayo na ako!
Bhianca... Relax...
My mind said! Paano ba?! Wala akong nahanap na trabaho! Nanakawan ako! Tapos mukhang nabalian pa yung paa ko! Okay ba yun?! Gusto ko sanang idugtong kaya lang mukhang kalabisan na yun...
"Ahhh... So you don't need my help?" Aba't! Ugh! Ang sarap nya kalbuhin! Syete sya!
"Wag na! Umalis ka na! Bwisit!" Di ko na maiwasang magalit! Paano ba naman kasi?! Edi wag nya akong tulungan!
"Bwisit? What's that?" 1... 2... 3...
"UMALIS KA NAAAAAAAAA!!! " ayan na! Nagsuper saiyan na!
"Hey lady... Don't shout... Look i'm just trying to----
"Look look mo yang mukha mo! Umalis ka na! " putol ko sa sasabihin nito. Marahas akong napalingon sa kanyang direksyon at saglit akong natigilan ng makita ko ang lalaki.
"Hi... " ehh? Niloloko ba talaga ako nito? Pero teka nga... Parang familiar sya sa akin ehh. Pero imposible naman yun kasi sa tanang buhay ko, amerikano pa lang ang nakikita kong ibang lahi. Ngayon lang ako nakakita ng koreano.
"Hi mo yang mukha mo... " sabi ko sa paraang kalmado na yung boses ko. Ewan ko ba kung bakit bigla na lang nawala yung galit ko. Siguro dahil narealize kong ang rude ko pala! Nakakahiya. Ano na lang sasabihin ng mga tagaKorea sa mga Pilipino? Ayt! Parang ako pa yung sumisira sa imahe ng mga Pilipino na magalang at maayos tumanggap ng mga panauhin o dayuhan.
Nagtangka akong tumayo ulit ngunit hindi ko talaga kaya...
"Let me help you... " Sabi ng lalaki at bahagyang lumapit sa akin. Wala na rin naman akong nagawa nang alalayan nya akong tumayo at iupo sa isang bench na malapit.
"Thank you. " nagaalangan kong sabi. Ngumiti naman ang lalaki at sinuri ang paa kong ngayon ay namamaga na.
"I have to take you to the hosital. You need to see a doctor. This is bad." Bakas sa mukha nito ang pagaalala. Lalo naman akong nakonsensya. Bakit kasi ang OA Ko kanina! Gaga talaga!
"I'm sorry. " tanging nasabi ko. Siguro nga kailangan kong mapasuri sa doktor kasi kumikirot na yung paa ko.
"Sorry for? You don't want me to take you to the hospital? Look your----
"Hey... Not that... I'm sorry dahil ang rude ko sayo kanina. " Nakayukong sabi ko. Kanina ko pa nga pala napapansin tagalog ang mga sinasabi ko, so marunong kaya syang magtagalog? Pakiramdam ko kasi dudugo na ilong ko ehh! Charrr
"Wala yun. " Nakangiti pa ring sabi nito. Hahaha! Napatawa na lang ako. Strange. Parang ang gaan agad ng loob ko sa kanya.
Next thing I knew, binabaybay na namin ang daan papunta sa pinakamalapit na hospital.
Ugh... I feel safe.
--------
Matapos ang ilang oras ay pinayagan na rin ako ng doctor na umuwi. Masyado daw masama ang pagkakasprain ng paa ko kaya kinailangan itong i-cast.
Napatingin ako sa kasama ko na ngayon ay nakikipagusap sa doctor. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya at ang pagaalala nito sa akin. Pwede naman nya akong iwan na lang dito sa hospital. Ganoon talaga siguro kababait ang katulad nya.
Matapos ang ilang sandali ay natapos na ito sa pakikipag usap sa doctor at inalok na akong umuwi.
Marahil ay dala ng pagod, tumango na lamang ako at pumikit. Dahil sa pakiramdam na ligtas naman ako sa lalaking ito, hinayaan ko na ang sarili kong igupo ng antok.
------
Sean's POV
JUST WHERE THE HELL IS SHE!
Gabi na pero wala pa rin si Bhianca! Nakailang balik na ako ngunit wala pa ring nagpapakita ni anino nya! Mamamatay na ako sa pagaalala! Fuck! Ano na naman bang nangyayari!
Hanggang ngayon naka-off pa rin anb cellphone nya. Ilang beses na din akong nagpunta sa bahay ng kaibigan nyang si Roxy pero kahit ito wala din balita sa kanya!
"Ughhhhh! Bhianca! Just turn the God damm phone on! " sigaw ko habang paikot ikot sa buong kabahayan.
Maghapon akong naghintay ngunit walang Bhianca na dumating! Hanggang gabi pa ba naman?!
Sinubukan ko ulit tawagan ang cellphone ni Bhianca at....
"Hello?! Hello?! Hello baby nasaan ka ba?! " halos maiyak iyak na ako sa pagaalala. Nakailang hello na ako ngunit wala man lang nagsasalita sa kabilang linya. Puro ugong at busina lang ng mga sasakyan ang naririnig ko. Damm! "Hello baby nasaan------
Damm! She ended the call! Sinubukan ko ulit tawagan ang kanyang cellphone ngunit unaattended na ito!
Alam kong may kasalanan ako sa kanya pero hindi naman siguro sapat yun para gawin nya ang ganitong nagay sa akin. Napahilamos ako sa aking mukha. I'm damm tired!
Nagpasya na akong umalis sa bahay at umuwi na lang. Siguro kailangan nya ng space sa ngayon. Bukas ko na lang sya kakausapin.
Nasa loob na ako ng aking kotse ng biglang may pumaradang sasakyan sa harap ng gate ni Bhianca.
Nakita ko ang isang lalaking lumabas sa kotse nito at umikot sa may passenger's seat. Nasa may kalayuan ako pumarada at madilim na rin kaya hindi ko gaanong maaninag ang mukha ng mga ito.
Out of curiosity, lumabas ako at lumapit ng bahagya doon.
Laking gulat ko nang mamukhaan ko ang babaeng buhat ng lalaki!
"Bhianca!" Sigaw ko na ikinalingon ng lalaki. Ganon na din si Bhianca. Bakas din ang pagkabigla sa mukha nito nang makita ako. Napababa ito sa pagkakabuhat ng lalaki. Yun lang ang hinintay ko at agad kong sinugod ang lalaki. What the heck! I don't care if I create a scene or what! What matters most is I want to pulverize this man's shit!
"Sean! Stop it! " dinig kong sigaw ni Bhianca sa likod ko. I don't care!
"Damm you! " akmang susugudin ko na sanang muli ang lalaki nang marinig kong tila may bumagsak na kung ano sa aking likuran.
Marahas akong napalingon at bigla akong pinanlamigan nang makita ko si Bhianca na nakahiga sa lupa at walang malay. Ngayon ko lang din napansin ang paa nitong naka-cast!
God! Ano na naman ba tong nagawa ko?!
YOU ARE READING
My workaholic girl (COMPLETED)
Romance"I'll do everything for my family even if it means putting aside my own feelings." -BHLUE