Chapter 7

22 2 0
                                    

Pipikit.

Mumulat.

Babangon.

Mauupo.

Tatayo.

Maglalakad.

Lakad doon.

Lakad dito.

Mauupo.

Hihiga.

Pipikit.


Mumulat muli.

"Ahhhh! Nababaliw na yata ako! "

Napapikit akong muli at nagsimula na namang tumakbo sa isip ko ang mga nangyari kahapon...

(Flashback)

"Sean.... " tinig ng isang babae ang nakapagpalingon sa amin ni Justin sa direksyon ni Sean.

Hindi lang ito basta isang babae. Maganda... Sopistikada at Sosyal...

Tila nanliit ako sa nakikita ng aking mga mata. Mukhang artista yung babae. At si Sean... Tila kumirot ang puso ko sa nakita kong reaksyon ng huli. Para bang may something sa dalawang ito.

Hindi ko maintindihan pero parang bigla akong nanghina. Ano bang pakiramdam to? Hindi ko alam.

Bagay silang dalawa. Yes.

Perfect match.

Parehas mayaman at good looking.

Di katulad ko. Dukha.

Ayan na naman ako sa pagdadown ko sa sarili ko. Hindi na yata mawawala yun sakin.

"Janella... " I heard Sean replied.

"Janella Luis Ford... " Justin said while looking at the two.

Literal na napatingin ako sa lalaking katabi ko.

"You know her? " i asked.

Curious Bhianca Liezel?

Heh! Tigil!

"Yes. " He replied and look at me. "Let's go somewhere else... Let's give a space for this two. I think they have so much to talk about for old times sake... " Then he pulled me. Yes PULL! Hinihila ako ng bakulaw na to! Grabe!

Nakakainis!

Oh bakit?!

Dahil hinihila ka?! C'mon Bhlue! Maraming beses ka nang nakaranas balyahin, maitulak, madapa, mapasubsob, magsungaba, at kung ano ano pang kamalasan. Diba nga nahulog ka pa sa kanal nung nakaraang taon dahil hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?

K fine! Ipaalala ba naman yung katangahan ko nun! Tch!

Ano nga bang kinaiinis ko? Hays! Old times sake daw? Edi ibig sabihin....

"Janella is Sean's ex-girlfriend... " Iniisip ko pa lang, naisatinig na ng lalaking to...

Nakarating na kami sa kotse nya nung muli syang humarap sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero parang may nakita akong pagaalala sa mga mata nito. Ewan ko kung imagination ko lang ba yun o totoo nga.

Hindi ko alam. Ayaw kong alamin. At isa pa, busy ako sa pagaanalyze ng mga nararamdaman ko at mga nangyayari sa akin nitong mga nagdaang araw.

Bahagya akong nagulat nang guluhin ni Justin ang buhok ko. Tatawa tawa itong pinagbukas ako ng pinto ng kotse.

GENTLEMAN SANA....

My workaholic girl (COMPLETED) Where stories live. Discover now