Chapter 59

8 0 0
                                    

It's hard to believe but I found myself following what my heart dictates. Ilang beses ko din itong pinag isipan pagkatapos ng pag uusap namin ni Janella kahapon.

Isinaayos ko muna ang mga trabahong maiiwan ko sa kompanya. Nagpatawag ako ng board meeting at sinigurong walang magiging aberya pag umalis ako. Mahigpit ko ding ipinagbilin kay Chit na magreport sa akin palagi ng mga nangyayari sa kompanya. Mas mabuti na yung sigurado.

"Mommy where are we going?" Tanong sa akin ni Summer habang itinutupi ko ang kanilang mga damit at isinasalansan sa maleta. Samantalang ang mga anak kong lalaki ay abala sa kani kanilang mga gawain.

"Sa hometown ni Mommy anak." Nakangiti kong sagot sa kanya. Namilog naman ang mga mata nya. She seemed very excited to visit the place she always mesmerize on. Naitanong kasi nya noon sa akin na kung dito ba daw talaga ako sa Korea nakatira. Syempre ayaw ko naman magsinungaling sa kanya o sa kanila kaya sinabi ko sa kanya ang totoo kong sinilangan. Simula noong sinabi ko sa kanya na sa Pilipinas ako nakatira, lagi na syang nagtatanong tungkol dito o di kaya naman ay madalas ko syang makitang nagsesearch sa internet ng tungkol sa Pilipinas. At parati rin nyang sinasabi sa akin na paglaki nya, pupunta sya doon. Now that her dream will come true, masaya na ako dun. Yun nga lang... Hindi bakasyon ang sadya namin dun. Nakakalungkot isipin na sa ganitong sitwasyon pa makikilala ng mga anak ko ang ama nila.

"Mommy! Mommy!" Nagulat ako sa sigaw ng anak kong si Winter. Dali dali akong pumasok sa kwarto nila at bumugad sa akin ang nagiiyak na si Rain.

"What happened here???" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Mommy Rain is crying..." Winter answered. Lumapit ako sa anak ko at kinarga sya.

"Rain what happened baby?" Nagaalala kong tanong sa anak kong hindi pa rin matigil sa pag iyak. Awang awa ako sa kalagayan nya. Baka may sumasakit sa kanya! Hayss... "C'mon baby... It's okay... Hssshhhh... Stop crying... Sumasakit ang heart ni Mommy pag naririnig kang umiiyak... Tama na baby... Mommy's here... " pagpapatahan ko sa kanya habang hinahaplos ko ang kanyang likod.

Samantala nahagip ko sa isang sulok ang nakayukong si Sunny... Psh! May idea na ako kung bakit... Inilapag ko muna si Rain saglit at pinuntahan ang anak kong si Sunny.

"Sunny? What happened here?" Malumanay kong tanong sa kanya ngunit hindi nya ako pinansin. "Look at my eyes Sunny..." utos ko sa kanya ngunit nakayuko lang sya. "Sunny!" Napapitlag sya nang napalakas ang boses ko. Tila nakonsensya naman ako nang pagtingin nya sa akin ay nakita ko ang namumuong luha sa mga mata nya. "Diyos ko... Sorry anak ko..." Niyakap ko sya at bigla na lamang yumugyog ang kanyang balikat at humikbi. Sunny is different from the three. Minsan lang syang umiyak at kapag umiiyak ay hindi katulad nila na pumapalakat o kaya'y sumisigaw. Tahimik lang sya at hindi ipinapakita sa lahat. Nag init ang sulok ng mga mata ko. Ayaw na ayaw kong makikita silang umiiyak. Tulad ng sinasabi palagi sa akin ni Mommy na ang pinakamasakit na parte ng pagiging ina ay makita ang mga anak mong lumuluha. Kapag nagkakasakit sila, kung pwede nga lang sana ako na lang... Ako na lang ang masaktan... "Sorry anak... Patawarin mo si Mommy. Hindi ko sinasadya... Sorry anak..." Napapikit ako.

Naramadaman ko naman ang mga kamay na humahaplos sa likod ko. Pagmulat ko ay nakita ko ang tatlo ko pang anak na may luha na rin sa mga mata. Niyakap ko silang lahat at bigla na lang din silang pumalakat ng iyak. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak lalo...

Ilang sandali din ay tumahan na silang lahat at pinahiran ko ang mga luha sa kanilang mga pisngi.

"Okay na ba kayong lahat???" Nakangiti kong tanong sa kanila. Ngumiti naman ang tatlo at si Sunny.... Aish alam nyo naman ang anak kong ito. "So, let's have a deal..." Sandali akong tumigil. Nagiisip ako ng pwede kong gawin. "Uhmmm... Ganito, kung sinong makakapagsabi sa akin ng kung anong nangyari dito, dadalhin ko sa Enchanted Kingdom sa Philippines!" Sabi ko sa kanila...

My workaholic girl (COMPLETED) Where stories live. Discover now