Chapter 2: Inside the Rich man's Car
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform ko sa kumpanyang pinapasukan ko. Ok na siguro yung tulog ko kanina para makapag pahinga ako.
"Sab, pinapatawg ka ni Maam Ani sa office niya" bungad saakin ng kasamahan 'kong maid pag labas ko palang ng maid's quarter. Huh? Bakit naman kaya ako pinapatawag?
"bakit daw?"
"ewan ko din e" tumango nalang ako sakanya tsaka dumiretso sa office ni maam Ani dito sa mansyon nila.
Kumatok muna ako bago pumasok
"maam, pinapatawag niyo daw po ako?" pagkapasok ko ay nakita kong nakaupo yung anak niyang nuknukan ng sama ang ugali sa harap ng table niya. Take note na ang sama ng tingin niya sakin!
Siya pa ngayon ang may karapatang magalit?!
"hava a sit, ija" sinunod ko naman ang sinabi nya. Umupo din ako sa harap ng lamesa niya kaya magkaharap na kami ngayon ni Sir Richard.
"I heard about what happened lately" nagulat naman ako dun. Kumalabog agad ang puso ko. Alam na niya na agad?
Hala, papagalitan na ba niya ko dahil sa pagtulog ko sa oras ng trabaho?"And I know that it's not your fault na napahaba ang tulog mo. Sinabi na sakin ng mga kasamahan mo ang nangyari. Bakit naman kasi nilinis mo ang buong mansyon ng ikaw lang mag isa? Napagod ka pa tuloy" ganyan talaga si ma'am Ani. Sobrang bait! Hindi lang naman saakin eh. Saaming lahat! Pantay-pantay lang ang tingin niya saaming mga katulong niya.
"Tapos ngayon papasok kapa sa trabaho mo? Baka naman magkasakit ka na niyan?"
"ok lang po Maam, kailangan lang po kasi talaga" nginitian niya nalang ako tsaka ibinaling sa anak niya ang tingin. A Warning look.
"At ikaw naman Richard! Hindi ko palalampasin ang ginawa mo. Pasaway ka talagang bata ka, nakuu! You need to say your sorry to her!"
"WHAT? No way mom!"
"anong no way? Gusto mong masapak?! Say Sorry! Treat everybody as a human, Richard! Tao din sila anak. Hindi mo dapat sila tinatrato ng ganun. Specially girls. Are you gay?" Gusto kong matawa sa huling sinabi ni maam. Pffft, siguro nga ay isa siya sa nga lalaking may pusong babae. Karamihan pa naman sa mga gwapo ay nagiging bakla.
Hmm. May chance! Hehe
"I'm not gay! Tsk. Fine I'll do what you want" humarap siya sakin, pero hindi parin nawawala ang sama ng tingin niya sakin.
"sorry"
"A want to hear a serious one, Richard" tila bored na komento ni ma'am Ani.
Paano ba naman kasi, magsosorry na nga lang nakangisi pa. Tsk, halatang hindi seryoso eh. Hindi dapat pinapatawad ang mga ganiyang bagay.
Huminga siya ng malalim bago tumingin ng deretso sa mata ko.
*dugdug-dugdug*
Parang nahulog bigla ang puso ko.
Parang bigla siyang naging anghel sa paningin ko nang tumingin siya saakin nang seryoso. Gwapo naman pala talaga siya."I'm sorry" Bumilis lalo yung tibok ng puso ko nang magsalita na sya. Bakit pati yung boses niya ang gwapo na din?! Hustisya naman please!
kaso bakla. HAHA
"Good, son." ngumiti na ulit si ma'am sakaniya.
"You two may go now. And Richard, ihatid mo si Sabrina sa trabaho niya"
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
TeenfikceGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...