Chapter 9: Too near
KASALUKUYAN akong nagluluto ng almusal ni sir Richard. Mag aalas-dose na nang makauwi kami dahil napasarap ang kwento ni nanay sa amo ko, kung hindi nga lang sana kami pinaalis ng nurse dahil kinailangan na daw magpahinga ni nanay ay hindi pa kami uuwi.
Mabuti na lang at hindi ako tinanghali ng gising, late na din kasi akong nakatulog nang makauwi kami. Kung nagkataon ay patay nanaman ako kay Sir Richard kapag gumising siya nang walang nakahain na almusal sa lamesa.
Ilang minuto lang ay narinig ko na ang mga yapak ni Sir Richard sa hagdan, alam kong siya yun dahil siyempre kami lang namang dalawa ang nasa mansyon. Ganun na ba katahimik dito sa mansyon para marinig ko agad ang footsteps niya?
Tinanggal ko muna ang apron ko bago ko kuhanin ang hotdog at bacon na nilagay ko sa mamahalin nilang pinggan. Ito na ang huling ulam na niluto ko at nasa lamesa na ang iba pang ulam. Hindi ko din maintindihan kung bakit kailangang marami ang nakahain sa hapag kainan ng mga mayayaman, hindi din naman nila uubusin. Tsktsk! Nagsasayang lang ng kayamanan.
(0.0)
Muntik ko nang mabitawan ang pinggan dahil sa nasilayan ko nang makaharap na ako.
SUSMIYOMARIMAR! BAKIT SIYA NAKAHUBAD?! Pakiramdam ko'y umakyat ang lahat ng dugo ko sa pisngi ko... No! Sa buong mukha ko!
Actually, medyo OA lang ako. Hindi naman talaga siya nakahubad dahil suot niya parin ang pants na suot niya kahapon. PERO WALA SIYANG DAMIT PANG ITAAS! kitang-kita ko ang hubog ng katawan niya at masasabi kong mayaman siya sa work out!
Lalong nanlaki ang mata ko nang mapansin kong naglalakad siya palapit habang nakatitig saakin. Pakiramdam ko ay sasabog na ang mukha ko dahil sa sobrang init. Gusto kong umatras pero lababo na ang nasa likod ko. Teka nga! Bakit ba siya lumalapit?!
Nasa harap ko na siya at wala akong ginawa kundi tumingin sa mukha niya, tanging sa mukha niya lang! Juskong mahabagin, ilayo mo po siya saakin!
I saw him smirked and ask "Is it your first time to see man's naked body?" Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong naestatwa-- ni hindi ko nga naintindihan ang sinabi niya saakin.
Natatakot akong gumalaw dahil baka aksidenteng mapadikit ang balat ko sa balat niya!
Umiling siya tsaka kinuha ang pinggan sa kamay ko. Tumalikod na siya at umupo sa upuan sa harap ng mahabang lamesa. Ilang minuto pa bago ako matauhan, ilang beses din muna akong lumunok at kumurap para mahimasmasan.
Tatalikod na sana ako para magkulong sa maid's quarter nang tawagin niya ako "Eat. Join me"
Dahan-dahan akong lumingon sakanya... Pero pinilit kong sa mukha lang siya tignan. Dahan-dahan din akong umiling at pilit na ngumiti.
"H-hindi na p-po Sir. Mamaya nalang po pagkatapos niyong kumain, he he. S-sige po" ayokong kumain kasabay mo habang ganyan ang hitsura mo! Makiramdam ka naman sir!
Hindi pa man ako muling nakatatalikod ay pinigilan niya ulit ako.
"No. It's ok. Sumabay kana para hindi ka ma-late. Remember that I hate late employees." Lumunok muna ulit ako bago sundin si Sir Richard. Umupo na ako sa upuan sa harap ng lamesa pero malayo sakanya. Anim na upuan ang pagitan namin... Anim na upuan sa kabilang parte ng lamesa. Mula dito ay hindi ko na masyadong nakikita ang katawan niya. Hindi naman sa maarte ako pero kasi naman! Ngayon lang ako naka encounter ng ganito sa totoong buhay.
"Paano ka makakakuha ng pagkain if you're too far, Sabrina? Move a little bit closer" halata sa mukha niya ang pang aasar. Nagtetake advantage siya! Nakakatuwa ba na ganito ang reaksyon ko?!
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Teen FictionGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...