Chapter 3

1.4K 27 7
                                    

Chapter 3: Punishment

Nang matapos ang time ko sa office dumiretso na agad ako sa hospital para dalawin si nanay. Ayun! Sa awa ng Diyos mabuti naman ang kalagayan niya. Sobrang jolly parin niya kahit alam kong nahihirapan siya sa sakit niya.

May dala rin akong mga pag-kain syempre, hindi naman pwedeng puro pagkain nalang sa hospital ang kinakain niya.

Nang makatulog na si Nanay, humalik lang ako sa noo niya tsaka nagsimulang mag ligpit nang gamit para umuwi sa mansyon. Ayoko na siyang istorbohin sa pagpapahinga niya. Kailangan niyang magpahinga para magkaroon ng mas maraming lakas sa araw-araw.

Napahinto ako sa pag-aayos ng gamit ko nang tumunog ang cellphone ko. An unknown number.

Sinagot ko parin ang tawag para maconfirm kung sino ito, baka emergency. Mahirap na. Wala din naman sigurong mawawala saakin kung sasagutin ko ang tawag na ito.

"Hello?"

"What kind of maid are you?! You supposed to be here to do your job after your office work, but what now?! You probably having a nice time huh"

Sino pa bang nagsusungit sakin? Malamang ay si sir Richard lang naman. Wait-- how did he knew my phone number?

Mali ako. Mayroon palang mawawala saakin kapag sinagot ko ang tawag. At iyon ay ang eardrums ko. Ang sakit lang sa tainga ng boses niya dahil sumisigaw siya sa kabilang linya. Mukhang galit na galit talaga.

Oh--well. Never mind! Baka mapagalitan pa ko lalo.

"Pauwi na po Mr. Villafuer, pasensiya na po saaking katamaran. Ingat po saakin, byebye!" Binaba ko na agad ang tawag para hindi ako masigawan. Minsan talaga umiiral din ang kapilyahan ko.

Sa lahat ng naging amo ko, sakaniya lang yata ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumagot. Sa ugali niya kasi, mukha hindi talaga siya nararapat na respetuhin.

NANG makauwi ako sa mansyon, naabutan ko si sir richard sa sala na masama ang tingin sakin. Ang init talaga ng dugo sakin nito.

"What time is it?"

"Alas nuebe po ng gabi"

"STUPID! ofcourse I know that!" Then, bakit niya pa tinatanong?

Minsan, masarap din palang inisin ang pikon.

"IT'S LATE! You came home LATE!!"

"A-alam ko po"

"And hindi pa ako kumakain because you are late." Biglang huminahon ang pagkakasabi niya. Mukha na siyang maamong leon ngayon.

Tsk. Nagugutom na pala kaya panay ang sigaw niya saakin. Wait! Wala naman sakin ang pinggan niya o maging ang kutsara niya. Bakit niya pa ako kailangang hintayin?

Aha! Baka naman nainlove na siya agad sa'kin kaya hinintay niya pa akong dumating para sabay na kaming kumain. Hehe! So funny, Sabrina.

"B-bakit po hindi pa kayo k-kumakain?" Ofcourse, sa isip ko lang kayang sabihin yung kapilyahan ko nuh. Mahina loob kong sumagot-sagot sa personal lalo na sa amo ko. Marunong naman akong tumingin sa lebel ng isang tao. Nasa itaas ang mga mayayaman at nasa baba ang isang mahirap na gaya ko.

"Because.no.one.will.cook.for.me" matalim na talaga ang tingin niya saakin. He must be really pissed.

Nagtaka naman ako dun. Nasan yung mga kasamahan ko dito? Napansin ko nga na walang tao sa buong mansyon, maging sa guard house ay wala ring tao. Isinawalang bahala ko nalang ito kanina dahil alam kong galit na galit na si sir Richard dahil gabi na.

"Day off" Wala sa mood na saad niya na parang nabasa niya ang nasa isip ko.

"Day off po?" Edi day off ko din pala ngayon kasi lahat ng maid ay nag day off.

"Pinag day off ko sila. Them! Not you" Literal na napanganga ako dun. Ang unfair!

"Pinag-day off ko sila because I want you to suffer. It's not right to let your BOSS drive his own card for you. This is your punishment. And I'm not expecting you to came home late, I didn't expect na ganito ka pala kawalang kwentang trabahador. Hindi ko inexpect na ganiyan ka, hindi tuloy ako nakakain in the right time." he said while smirking. Medyo masakit ang sinabi niya ha! Hindi naman porque nalate ako ng uwi ay wala na akong kwentang trabahador.

Dinalaw ko lang naman ang nanay ko. Anong masama dun?

"Pero pumayag naman po kayong ihatid ako kanina diba? B-bakit niyo pa po kailang--"

"I agreed because of my mother, and not because of you" napabuntong hininga nalang ako. I guess, wala na akong magagawa.

"Hanggang kailan po ang day off nila?"

"1 month. Now cook for me, or else you'll sleep out side of the mansion" umakyat na siya sa kwarto niya after that. Lutang akong pumunta sa kusina.

Days off ang tawag doon at hindi day off. Pinag-leave niya ang lahat ng katulong para lang pahirapan ako. Isang buwan? Hindi ko alam kung kakayanin ko yun. Hindi ko alam kung kakayanin kong makasama siya ng ganoon katagal.

Pakiramdam ko talaga, hindi ito maganda.

Isang buwan akong titira sa iisang bahay kasama ang amo ko na nuknukan ng kasamaan ang pag-uugali. Isang buwan lang iyon, ilang linggo lang, kung tutuusin. Pero nakakatakot.

Hindi ko alam kung anong maaaring mangyari sa loob ng isang buwan kasama siya.

Loving mr.Rich ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon