Chapter 7: Flirt?!
"You're late" bungad sakin ni Sir Richard nang makapasok ako sa loob ng office niya habang nakatitig siya sa relo niya. Napatingin din tuloy ako sa relo ko 9:01am. Isang minuto palang naman ang nakakalipas?!
"Sorry po S--"
"I said I don't want a late employee, right?! You must be here at exactly 9 o'clock and start to work. Then what now?! First day Sabrina, take note that it is indeed your first day. Hindi porque inirecommend ka ng mom ko mag papa-easy-easy ka nalang."
Mas nakakatakot pala si Sir Richard when it comes to work. Wala akong nagawa kundi ang yumuko. Monster na nga siya sa mansyon, mas malaking monster pa pala siya sa company. Masyado siguro siyang seryoso kapag trabaho na ang pinag uusapan.
"S-sorry Sir. Natraffic po kasi a--"
"Traffic? Or Flirting?" Napatingin ako bigla sakanya. Flirting?!
"P-po?" He smirked.
"Hindi pwede dito ang landian Sabrina. Kapag trabaho, trabaho lang. Alam mo ang oras ng trabaho mo. Pwede ka namang lumandi kapag break, but not in your work hour! Kung alam mong malelate kana wag ka nang tumambay sa labas at makipag bolahan sa boyfriend mo! Kung hindi mo kayang gawin ng maayos ang trabaho mo wag ka nang magtrabaho dito, even in our mansyon!" Pinunasan ko agad ang luha na tumulo sa mga mata ko.
Wala pang ibang nagsasabi na flirt ako, na lumalandi ako, kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung naluha agad ako sa salita niya lang. At isa pa, may chance na tanggalin ako ni Sir Richard sa trabaho. Hindi pwede! Kailangan ko ng trabaho para sa nanay ko. Kailangang gumaling ang nanay ko!
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideya na nagfflirt ako. Hindi ko alam kung pano niya nasabi na hindi ko kayang gawin nang maayos ang trabaho ko dahil lang sa isang minutong late na yan.
"Stop your fuckin' tears and start working!" Umubo ako ng bahagya para mawala ang bara sa lalamunan ko, pinunasan ko ma din ang luha ko. Nang maayos ko na ang sarili ko ay umayos ako ng tayo at pinilit na ngumiti.
"A-ano pong k-kailangan kong gawin Sir?" Inalis niya ang tingin sa mga mata ko. Mukhang lumambot na din ang expression niya.
Parang wala lang nangyari.
"I did'nt know the exact reason kung bakit gusto kang ipasok ng mom ko dito. And I think temporary lang naman ang pag pasok mo sa company namin so I decided na gawin mo nalang kung ano ang iuutos ko. You have no specific work here, ang utos ko lang ang kailangan mong sundin" tumango nalang ako. So parang sa mansyon lang pala ang trabaho ko dito, ang pagkakaiba nga lang ay nasa office ako ngayon.
"Now, bring me some coffee" tumalikod na ako at lumabas ng office niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Ang sakit lang talaga ng mga sinabi niya. I know na hindi ako ganoong klase ng babae and I know na hindi naman ako nalate dahil sa paghatid sakin ni Ethan. Hindi din ako nakipag flirt sakanya.
Tinuro sakin ng isang empleyado kung saan pwedeng magtimpla. Tinuruan din niya ako kung paano magtimpla ng kape ni Sir Richard. Meron pala silang sinusunod na mixture para sa kape ng Boss nila and according to them, hindi daw iniinom ni sir Richard ang coffee kapag mali ang pagkakatimpla.
Pero last time na tinimpla ko si Sir Richard ng kape hindi naman siya nagreklamo... Siguro kasi hindi niya naman nainom yun dahil yun ang araw na nasprained ang paa ko.
"Grabe Sis. Ang swerte mo! Biruin mo yun? Bago ka lang pero ikaw na yata ang may pinaka magandang trabaho dito" si Mell. Siya ang nagturo sakin kung paano itimpla ang kape ni Sir.
"Pano mo naman nasabi?" Kataka taka naman kasi talaga. Ako pa nga ang pinaka malas dahil sobra kung makapag utos si Sir Richard e.
"Duuuh! Ang swerte mo sa trabaho mo dahil palagi ka lang nasa tabi ng isang napaka yaman, napaka gwapo, at napaka yumming Boss natin! Wala kang ibang gagawin kundi sundin ang utos niya kaya kailangan nasa tabi ka lang niya palagi. Pwede mo siyang amoy-amoyin Sis! Gusto ko tuloy makipag palit ng katauhan sayo" nginitian ko nalang siya. Hayst. Kung alam niya lang ang sitwasyon ko hindi niya gugustuhing maging isang 'ako'. Kung alam niya lang na pati sa mansyon ay nakakasama ko si Sir Richard para lang utusan ako for sure mas gugustuhin nalang niyang maging 'siya'.
Nagpaalam na ako sakanya nang maihanda ko na ang sarili kong makita ulit si Sir Richard. Ang bigat parin kasi talaga sa feeling.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok. Hindi naman siya tumingin sakin kaya nilapag ko nalang ang coffee niya sa gilid ng table niya. Busy kasi siya sa laptop niya at pag buklat sa mga papeles na nasa harap niya.
Mukha pala siyang matured kapag nasa opisina at nagtatrabaho? Mukha siyang tumatanda ng 2 years. Ang seryoso niya.
"Stop staring. Maupo kana muna jan hangga't wala pa akong inuutos sayo" naupo agad ako sa sofa sa gilid ng opisina niya. Wow! Napakalambot!
Para nanaman akong hinihele ng sofa. Inantok ako bigla, tsaka ko lang naramdaman ang pagod. Wala na akong matinong tulog mula nang bumalik si sir Richard dito sa Pilipinas, wala siyang ginawa kundi utusan ako at pahirapan.
NAGISING ako dahil sa pagbagsak ng kung anong tela sa mukha ko. Coat ni Sir Richard?
"You're here to work and not to sleep." Bungad ni Sir Richard nang mapadilat ako. Agad naman akong napatayo, dahil sa pagkabigla ay nakaramdam ako ng hilo. Muntik pa akong matumba pero buti nalang at napahawak agad ako sa polo ni sir Richard dahil magkalapit lang ang pwesto namin.
Nang makaget over na ako sa pag ikot ng paningin ko tsaka ko lang napansin na sobrang lapit pala ng katawan naming dalawa. Tumingala ako para sana magsorry kay Sir Richard but wrong move. Nakatingin din pala siya sakin.
Ghaaad! Feeling ko namumula ako. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango.
"Aa-aah. S-sorry p-po" ilang segundo din bago ako matauhan. Mukhang nagulat din si Sir Richard sa nangyari dahip ngayon lang din siya nakagalaw.
Tumalikod siya sakin. Nakita ko pang medyo hinilot niya ang balikat niya at inikot ang ulo niya. Mukhang pagod siya.
"Order me some food. Breaktime na." Susundin ko na sana ang iniutos niya nang magsalita ulit siya.
"And you, you're not allowed to eat dahil natulog ka lang naman sa oras ng trabaho mo. Mamaya ka nang alas dos pwedeng mag break" napasimangot nalang ako. Bakit ba napakasama niya sakin? Kanina pa ako nagugutom!
BUSY si Sir Richard sa pagkain ng pina order niya saking sandamakmak na pagkain samantalang ako ay busy sa paglunok ng laway ko habang inaayos ang mga papeles sa table niya.
Napaiwas ako ng tingin nang mapatingin siya sakin. Aysh! Nahuli niya pa akong takam na takam sa pagkain niya.
"Tsk. Kumain ka na nga dito! Kumuha ka ng sariling pinggan mo" parang nagningning bigla ang mga mata ko. Nagmadali akong umupo sa upuan sa harap ng table ni Sir Richard tsaka kinamay ang pagkain na nasa lamesa.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Sir Richard ngunit hindi ko ito pinansin. Gutom na gutom na talaga ako. Wala nang hiya-hiya!
Mabait din naman pala itong amo ko e.
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Teen FictionGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...