Chapter 11

991 26 10
                                    

Nabibitter ako sa chapter na 'to kahit ako ang gumawa nito. Hindi ko kinakaya!

P.s RIP sa bumababang reads ng story ko. HAHAHA

----

Chapter 11: Kissed by the rich man again!

KANINA ko pa pinapakalma ang sarili ko dito sa loob ng maid's quarter. Ang totoo niyan ay halos hindi ako nakatulog magdamag dahil sa... Sa--

Umiling ako ng ilang ulit para mawala sa isip ko ang pangyayaring iyon. Sariwang-sariwa pa sa utak ko ang nangyari kagabi... We kissed... accidentally! for peter piper's sake!

Hindi ko namalayan na kusa na palang lumapat ang kamay ko sa labi ko at pinakiramdaman ito. Ramdam ko parin!

Ganito ba talaga ang pakiramdam ng nahalikan? Oo na! Inaamin ko. Iyon ang first kiss ko... Si sir Richard ang first kiss ko. 20 years old na ako pero parang ang pabebe ko pa rin pagdating sa ganito, pero alam ko naman na may karapatan pa din akong mag-over react dahil nawala ang first kiss ko.

Halos manlambot ang tuhod ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Bakit ba kasi ayaw mabura sa isipan ko?! Bakit kasi doon pa napunta ang first kiss ko sa isang lalaking malapit nang ikasal?

Hindi naman nagtagal ang paglapat ng mga labi namin kagabi dahil nang matauhan ako ay agad din akong lumayo. At si Sir Richard? Tulog! Ni hindi ko nga alam kung alam niya ba ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung alam niya na nahalikan niya ako. Mukhang lasing na lasing talaga siya kagabi dahil muntik pa niya akong masukahan, mabuti nalang at nakalayo na ako sakanya kaya sa sahig napunta ang suka niya.

Hindi ko na siya napalipat sa kwarto dahil hindi ko talaga siya kayang buhatin at hindi ko na rin siya magawang gisingin. Kaya nang pagkatapos kong linisin ang kalat niya ay umakyat ako sa kwarto niya upang kumuha ng isang kumot at unan. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko sa loob.

Mas dumami ang picture frame ngayon kumpara noong mga panahong nililinisan namin itong kwarto at hindi pa nakakauwi ng Pilipinas si sir Richard. Ngunit hindi picture ni sir Richard ang dumagdag dito... Kundi picture nila ng fiancê niya.

Hindi ko mawari ang naramdaman kong kirot sa puso ko. Sayang. Ito ba ang lalaking sinasayang ni Thania? Ang lalaking ganito kung magmahal?

Sayang. Nasayang ang first kiss ko! Bakit ba kay sir Richard pa ito napunta? Bakit sa may fiancê pa?!

Gusto ko siyang sigawan at ipaako sakanya ang responsibilidad. Oo! Responsibilidad 'yon dahil siya ang nakauna sa mga labi ko. Pero hindi ko pwedeng gawin 'yon dahil wala naman siyang kasalanan sa nangyari. Hindi niya ginusto na halikan ako.

*tok-tok-tok*

Halos mapatalon ako nang may kumatok sa pintuan ng maid's quarter, sakto namang nakasandal ako dito. Marahan lang naman ang paraan ng pagkakakatok sa pinto kaya hindi ko alam kung bakit gulat na gulat ako.

Natataranta na ako. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang pinto o magkukunwaring tulog. Alam kong si sir Richard ang kumakatok dahil siya lang naman ang kasama ko sa manyon. Ghaad! Hindi ko pa siya kayang harapin.

Nang ulitin ulit nito ang pagkatok ay wala na akong nagawa kundi pagbuksan siya dahil mas nilakasan pa niya ang pagkakakatok. Napaka low-tempered talaga nito!

Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang pinto, sinubukan kong umakto ng normal nang makaharap ko na siya kahit alam ko na pulang-pula ang mukha ko.

"I need coffee... Hang-over" bungad niya saakin nang mabuksan ko na ang pinto. Ni hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin. Ang inaasahan ko pa nga ay pagagalitan niya ako dahil alas-syete na ng umaga pero wala pa akong ikinikilos dito sa mansyon.

Napansin kong nakahawak lang siya sa sentido niya. Pabagsak siyang umupo sa sofa tsaka ito pumikit. Hang-over nga. Paanong hindi siya magkakahang-over, e tinungga ba naman ang huling dalawang bote na nainom niya!

Dali-dali akong pumuntang kusina at magtimpla ng kape. Kinuha ko na rin siya ng gamot para mawala kahit papaano ang sakit ng ulo niya. Sinubukan kong bilisan ang kilos dahil kailangan ko pang magluto para bago inumin ni sir Richard ang gamot ay may laman na tiyan niya.

Wala pang kalahating oras ay natapos ko nang lutuin ang almusal ni sir Richard. Dinala ko ang kape at ang pagkain sa center table ng sala kung saan malapit si sir Richard, hinihilot parin niya ang sentido niya.

"S-sir. Ito na po yung kape niyo. Uminom ka na rin po ng gamot" ngayong kaharap ko na ulit siya ay bumalik nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Naalala ko nanaman ang nang yari kagabi.

Babalik na sana ako sa maid's quarter nang tawagin niya ulit ako. Aish! Bakit ba sa tuwing pinipilit kong umiwas sakanya tsaka naman siya tawag ng tawag?

"Sabrina"

"S-sir. K-kailangan ko na pong kumilos, may pasok pa po tayo sa opisina diba? S-sandali lang po ito" iyon nalang ang naisip kong dahilan. Ayoko sa pakiramdam na malapit sakanya, dahil lang sa nang yari kagabi naging ganito na ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan!

"There's no need. My head really hurts. I won't go to our company for now, so you don't need to go there because I'm your boss. Wala kang gagawin doon"

"M-maglilinis nalang po ako ng mansyon sir" I heard him chuckeled.

"Wala kang lilinisin Sabrina dahil wala namang kalat. Now, I need you to stay close to me and massage my temple. I want to sleep again" hinigop niya lahat ang kape mula sa tasa atsaka humiga muli sa sofa. Seryoso ba siya? Hindi niya ba naaalala ang nangyari kagabi?

"Sir, kasi po kailangan ko pong--"

"I'm waiting, Sabrina" wala akong nagawa kundi lumapit sakanya.

Nakakainis. Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing nararamdaman ko ang presensya niya ay kusa nalang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Nang dahil lang ba 'to sa isang halik? Halik na hindi naman sinasadya? Sabrina naman. Hindi ito tama!

Pumwesto ako sa bandang ulunan niya. Nakaluhod lamang ako sa sahig dahil ang ulo ni sir Richard ay nasa hand rest ng sofa.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha niya habang nakapikit.

Inaamin ko na humahanga talaga ako kay sir Richard. Kahit sino naman sigurong babae ay hahanga sa taglay niyang kagwapuhan, kakisigan, at sige... Isama na natin ang kabaitan.

Kahit naman may pagka masungit si sir Richard ay pansin kong may kabaitan din siya. Kung minsan nga lang ay may mood swing siya. Dinadaig niya pa ang mga babae.

Hindi ko namalayan na naihinto ko na pala ang paghilot ko sa sentido ng amo ko kaya naman napadilat siya. Heto nanaman ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa.
Ngayon ko lang din napansin na sobrang lapit na ng mukha namin.

"You're blushing" he smirked.

Hindi ko napaghandaan ang sumunod niyang ginawa.

He held my nape... And kiss my lips...

Again.

Loving mr.Rich ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon