Chapter 22: Long Ride
"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" Walang kabuhay-buhay na tanong ko.
Nasa sasakyan nanaman kami ni Richard ngayon at siya ang nagdadrive. Hindi si mang Berting ang pinag drive niya dahil gusto niya na kami lang daw dalawa ang magkasama sa pupuntahan namin.
Hindi naman sa kinikilig ako, pero parang ganun na nga. Hehe
"Nasusuka na ako" dugtong ko pa.
Apat na oras na kaming nasa sasakyan ngunit hindi pa rin kami nakararating sa kung saang lupalop man kami pupunta. Maaga niyang kinalampag ang pintuan ng guest room na tinutulugan ko kaya nagising ako, pinag-empake, at pinag-ayos niya ako ng sarili ko at dali-dali na kaming sumakay ng kotse niya. Hindi ako nakapag handa. Wala manlang siyang pasabi na malayo ang pupuntahan namin!
Obviously, hindi naman ako sanay sa mahabang biyahe lalo na sa loob ng kotse. Kahit pa mabango ang sasakyan niya, amoy sasakyan pa rin naman kaya hindi maiwasang bumaligtad ng sikmura ko.
Naramdaman kong unti-unting huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada kaya napatingin ako sakaniya.
"I'm sorry if you feel unwell because of me." Halos matawa ako dahil sa hitsura niya. Mukha siyang batang pinagalitan ng nanay.
Hindi ako sanay na ganito siya saakin. I mean, siya ang mas mataas, siya ang boss, tapos siya pa itong nagsosorry na parang sobrang naguguilty dahil lang sa pakiramdam ko ay nasusuka ako.
"H-hindi. Ok lang naman ako. Hindi lang kasi ako sanay na bumiyahe nang ganito katagal" Everytime na magsasalita ako, pakiramdam ko ay lalabas na ang hindi kanais-nais na nakakubli sa lalamunan ko.
"Ok. I'm gonna buy you a milk later para bumuti na ang pakiramdam mo. But it might takes half of an hour bago tayo may madaanan na stores. Kaya mo pa ba?" Halos mamutla ako sa narinig ko. Hindi ko na yata kayang pigilin ito sa loob ng kalahating oras.
"P-pwede bang..." Hindi ko alam kung dapat ko bang ituloy ang sasabihin ko dahil malamang ay hindi lang siya papayag.
Pero kailangan ko talagang sabihin ito sakaniya para bumuti kahit papaano ang pakiramdam ko.
"What is it?"
"P-puwede mo bang patayin ang aircon?"
"For what? It's too hot, we need to use my car's aircon"
"Buksan nalang natin yung mga bintana?" Nag-aalangang suggestion ko. Hindi siya sumagot kaya napaiwas nalang ako ng tingin at sumandal sa upuan ko. Tinakpan ko ang bibig ko, nagbabakasakaling mapigilan ko ang pagsusuka ko.
Muli akong napatingin sakaniya nang mapansin ko ang unti-unting pagbubukas ng mga bintana, nakapatay na rin ang aircon.
Medyo guminhawa ang pakiramdam ko nang maamoy ko ay hangin na nagmumula sa labas ng sasakyan. Nilabas ko ng kaunti ang ulo ko sa bintana upang mas damhin ang hangin.
"Salamat" abot tenga ang ngiti ko nang tignan ko siya ngunit nawala din ito nang mapansin kong nakanguso siya.
"Pollution" bulong niya habang nakanguso parin, ngunit sapat na para marinig ko ito.
Ang isang oh-so-rich-man, manly, matangkad, at ang isang makisig na binata ay nagiging isip bata na ngayon. Ang cute niya lang!
NANG makabili at makainom na ako ng gatas ay gumaan na nga ng kaunti ang pakiramdam ko.
"Salamat ulit. Ok na, pwede mo nang isara ulit ang bintana" pagkatapos ay nag unat-unat pa ako.
"Just a moment. I didn't know na masarap pala sa pakiramdam ang hangin sa labas. It's new to me, I want to feel it a little more." Deretso lang ang tingin niya sa daan ngunit malawak ang ngiti sa kaniyang mga labi.
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Novela JuvenilGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...