Chapter 28

782 16 2
                                    

I' am really sorry for not keeping my promise. Sabi ko ay week end ako mag a-update pero monday na ngayon.

Sinigit ko lang talaga ang chapter na 'to kahit ang dami kong ginagawa. Haha thank you for your understanding.

Chapter 28: Nanay

"Sab! Buti naman at dumating ka na!" Nagtaka ako dahil si Ethan ang sumalubong saakin pagkapasok ko palang sa ward ng hospital, ngunit nawala rin ang kunot sa noo ko nang makita ko ang kalagayan ni nanay.

Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng natitirang lakas ko. Anong nangyari? Halos isang linggo lang noong huli akong nakadalaw sakaniya ngunit bakit parang ang laki na ng ipinagbago ng hitsura niya? Pumayat siya, bumagsak ang katawan niya. Tulog siya pero ramdam ko na nahihirapan siya.

Anong nangyari?!

"Maupo ka muna, Sab" hindi ko magawang sumunod sa sinabi ni Ethan. Ayoko. Ayokong humakbang palapit sa nanay ko, ayokong tignan siya sa ganitong kalagayan. Ayokong makita ang paghihirap niya.

Nag unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang isang kamay ko upang hindi makalikha ng ingay. Ayokong magising si Inay dahil ayokong makita niya akong umiiyak. Ayoko nang dumagdag sa sakit na nararamdaman niya.

Inalalayan ako ni Ethan upang umupo sa upuan na malapit sa hospital bed ni nanay. May ilang bisita ang babaeng pasiyente na kasama ni nanay sa kwarto, tumingin lang sila at hindi na nag abalang makinig o makialam pa sa nangyayari sa paligid nila.

"The hospital tried to reach you, but you didn't pick up their phone call" panimula niya. Parang nawasak naman ang puso ko nang dahil sa narinig ko.

Oo nga pala. Nakapatay ang cellphone ko mula pa noong pumunta kami sa Batanes para hindi kami matawagan ni ma'am Ani at hanggang ngayon ay nakalimutan ko na itong buksan. ANONG KLASENG ANAK AKO?! ni hindi ko manlang inalala kung maayos ba ang lagay ng inay ko.

Sising-sisi ako. Hindi ko na dapat pinatay ang cellphone ko para lang takasan ang kabayaran sa mga kalokohang ginawa ko, namin. Hindi na dapat ako pumayag na pumunta sa Batanes para lang makasama si Richard.

NAPAKA MAKASARILI KO. Hindi manlang pumasok sa isip ko na maaaring mangyari ito kay inay.

"Pumunta ako dito sa hospital dahil may isa din sa pamilya ko na nandito. Naalala kong nandito rin si tita Lucy kaya binisita ko na rin siya. That was 3 days ago, at nagulat nalang din ako nang sinabi ng doctor na lumalala na ang kalagayan ni tita. In just few days ay bumagsak na ang katawan niya. But I know na lumalaban pa siya" I can't find a word to say pero ang luha ko ay patuloy lang na dumadaloy pababa sa pisngi ko.

"At kanina lang, sinumpong nanaman si tita. According to her doctor, they need to conduct an operation as soon as possible. Dahil kapag nagtagal pa..." hindi niya tinuloy ang sinasabi niya dahil hindi niya rin kayang sabihin ito.

Just by the thought na mawawala sakin ang nanay ko...

God! Hindi ko kaya... Hindi ko kakayanin!

"Saan ka ba talaga nanggaling, Sab?" Muling tanong ni Ethan.

"kasalanan ko. Kasalanan ko..." I chanted. Pabulong lang ito, ngunit alam kong naririnig niya ang sinasabi ko.

"A-anak. Bakit ka umiiyak riyan?" gising na siya. Halata sa boses niya ang paghihirap ngunit mas nangingibabaw ang pag aalala niya sakin.

Paano mo nagagawang mag aalala sakin 'nay? Gayong sarili mo dapat ang inaalala mo?

"Nay!" parang bata akong lumapit sakaniya at yumakap sa baywang niya. Hindi ko mapigilan ang paghikbi, rinig na rinig na ngayon ang hagulgol ko pero wala akong pakialam. Mas importante sakin ang kalagayan ng ina ko.

Nanatili akong nakayakap sakaniya habang patuloy na umiiyak. Pinapatahan niya ako pero mas lalo lang nitong pinapabigat ang nararamdaman ko. Ayokong mawala ang nanay ko, ayokong mangulila sa pakiramdam na nasa bisig niya.

"A-anak naman. T-tahan ka n--- aah!" nanlalaki ang matang napabitaw ako sakaniya. Nakahawak na siya sa kaliwang parte ng dibdib niya, mariin ang pagkakapikit at nahihirapan na sa paghinga.

Parang huminto sa pag function ang utak ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin.

"N-nay! NAY! A-ANONG NANGYARI?! tulongggg!" tumakbo si Ethan palabas ng ward at bumalik siya na kasama na ang mga doctor at nurse. Pinalayo ako kay nanay at wala na akong nagawa kundi ang umiyak habang pinapanuod ang mga doctor. Nakaalalay si Ethan sa likod ko dahil konting-konti nalang ay bibigay na ang tuhod ko. Maging si Ethan ay alam kong hindi na rin alam kung ano ang gagawin.

"Please, huwag kang bibitaw 'nay. Ipangako mong hindi ka bibitaw. Huwag mo po akong iwan"
--

TAHIMIK NA ang buong mansyon. Madaling araw na at ngayon lang ako umuwi para kumuha ng iilang damit at para sana kunin ang sahod ko kay Richard. Babalik din ako sa ospital para bantayan si nanay.

Salamat sa Diyos dahil nakaligtas siya. Buhay pa ang ina ko. Alam kong patuloy siyang lumalaban para sakin. Marami pa akong gustong ikwento sakaniya. Ngunit hindi pa magiging maayos ang lahat hangga't hindi pa naooperahan ang puso niya.

Kailangan kong kunin ang sahod ko na nakuha ko sa pagtatrabaho sa company at sa mansyon. Triple ang bayad ko ayon kay ma'am Ani noong huli kaming nagkausap, ngunit alam kong hindi pa ito sapat.

Kalahating milyon ang kailangan at hindi ko na alam kung saan ba ako kukuha ng ganoong kalaking pera.

Nagbigay ng tulong si Ethan, todo-todo ang paghingi niya ng paumanhin dahil alam niyang kulang pa ang naibigay niya, ngunit todo rin ang pagpalasalamat ko sakaniya dahil sobrang laki na ng itinulong niya saakin. Naiintindihan ko siya dahil kailangan niya ring ipagamot ang nakababata niyang kapatid na ngayon ay nasa ospital din.

Inasahan kong wala na akong madadatnan sa pagpasok ko sa mansyon ngunit nagkamali ako.

Nasa sala pa si Richard, nakabukas ang flat screen TV ngunit wala itong sound. Pansin ko rin ang ilang bote ng mamahalin na wine na nakakalat sa sahig.

Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin. Ang lakas na talaga ng epekto niya sakin.

Pero tama na. Ang pagmamahal ko sakaniya ang naging dahilan ng pagpapabaya ko sa nanay ko.

"s-sir--"

"where have you been?" tanong niya habang hindi itinutuon ang tingin sakin. Sa walang sound na TV siya nakatingin pero alam kong ako ang kinakausap niya dahil ako lang naman ang tao dito.

Nasan si Thania?

"answer me, sa ospital ka ba talaga nagpunta?" There's a coldness in his voice. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita. Para bang may nagawa akong malaking kamalian kahit na wala naman talaga.

Bakit ba siya ganyan?

"s-sir" napatulala nalang ako nang lagpasan niya ako at walang sabi-sabi na umakyat na patungong kwarto niya.

Naiwan pa sa ilong ko ang amoy ng pinaghalong pabango at amoy ng wine. Nawala na ako sa wisyo!

Argh!

Kukunin ko nga pala ang sahod ko!
**

#CLICHE

Loving mr.Rich ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon