Chapter 29: Death
•Third Person's POV•
Kahit kulang sa tulog ay nagawa pa ring pumasok ni Sabrina sa kompaniyang pinagtatrabahuhan. Magdamag niyang binantayan ang kaniyang ina, hindi niya inalis ang tingin niya dito dahil hindi niya gustong mangyari ulit ang nangyari noong umalis siya. Ayaw na niyang sayangin ang kahit na isang segundo na nakakasama niya pa ang nanay niya.
Ngunit kinailangan niyang umalis muna sandali para pumunta sa opisina ni Richard upang kunin ang sahod niya. Nakalimutan niya kasi itong kunin nung gabi dahil pinangunahan nanaman siya ng suwail niyang puso.
Kanina pa siya naghihintay sa loob ng opisina ni Richard. Punung-puno kasi ang schedule ng binata kaya hindi siya makakuha ng pagkakataon para kausapin ito. Kung minsan ang pumapasok nga si Richard sa loob ng opisina ngunit hindi rin ito nagtatagal, kukunin lang niya ang ilang gamit at saka muling lalabas.
Ni hindi nga yata siya napapansin nito.
Inilibot niya ang tingin sa buong paligid. Bumalik sakaniya ang lahat ng alaalang nabuo sa loob nito. Nakakatawa lang dahil wala pala siyang ginawa dito noon kundi ang tumunganga lang... At mahalin si Richard.
Patuloy sa pagbabalik-tanaw si Sabrina kaya hindi niya napansin ang pagdating ni Richard.
Ilang segundong natigilan si Richard nang makita niya ang dalagang kanina pa tumatakbo sa isipan niya. Todo ang pagpipigil niyang yakapin ito, kahit nagkita sila kagabi ay pakiramdam niyang sobrang tagal na noong huli silang magkita.
Kagabi, hinintay niya talagang makauwi ang dalaga. Sobra-sobra ang pag-aalala niya dito dahil sa napakatagal na pagbabalik ni Sabrina. Hindi niya dapat siya hinayaan na umalis nang mag-isa pero wala siyang nagawa dahil dumating si Thania. Ang babaeng pakakasalan niya.
Magkalapit lamang sila pero napakalaki ng hadlang sa pagitan nilang dalawa. Hindi na siya maaaring lumapit pa kay Sabrina dahil gulong-gulo na din siya sa nararamdaman niya.
Ikakasal na siya sa babaeng pinapangarap niya, pero bakit parang hindi siya masaya? May kulang... Parang may mali. Ngunit ayaw naman niyang bitawan si Thania dahil baka magsisi siya sa huli.
Napakatagal na niya itong inaasam. Bibitawan pa ba niya gayong mahal na rin siya nito?
"s-sir Richard?" napansin na pala siya nito. Sumasama talaga ang timpla niya sa tuwing tinatawag na ulit siya ni Sabrina na 'sir'. Bumalik nanaman ang dalaga sa paggalang sakaniya bilang isang amo.
Umiwas ng tingin si Richard at bumalik sa kaniyang mesa. Hinilot niya ang kaniyang sentido dahil sumasakit nanaman ang ulo niya.
Kinailangan niyang pagbutihan ang trabaho dito sa kompanya nila dahil kung hindi ang babagsak ito. Napakarami niyang iniwan na trabaho para lang makasama si Sabrina sa batanes kaya heto siya ngayon at namomroblema.
Pero wala siyang pinagsisisihan doon. Ang ikinaiinis niya lang ay hindi niya nabibigyan ng oras si Sabrina.
"s-sir. Busy ka pa ba? M-may kailangan lang po sana akong sabihin." heto pa ang isa. Lalo lang sumasakit ang ulo niya dahil sa presensya ni Sabrina. Ayaw na niyang lumapit pa ang dalaga sakaniya dahil hirap na hirap na siyang magpigil, gustong-gusto na niya itong halikan ulit.
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Teen FictionGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...