Chapter 15: Is he really sorry?
"Nay naman e. Nakakahiya kay sir Richard" agad na reklamo ko kay nanay nang lumabas sandali si sir Richard para sagutin ang kung sino mang tumatawag sa cellphone niya.
"Bakit? Haha totoo naman ang mga sinabi ko anak"
"Kahit na 'nay! Baka kung ano pa pong isipin nun"
Mula kasi nang dumating kami ni sir Richard dito sa hospital ay wala na siyang ginawa kundi ang punahin kaming dalawa. Kung hindi nga lang daw mayaman ang amo ko ay bagay na bagay kaming dalawa. Paulit-ulit niya ding ikinikwento ang hitsura ko habang sinasabi ko sakaniya noon kung gaano kagwapo ang anak ni ma'am Ani at kung gaano ko ito hinahangaan kahit sa larawan ko palang ito nakikita.
Nakakahiya, sa totoo lang. Mukhang ine-enjoy din ni sir Richard ang kalokohan ni nanay dahil panay ang ngiti niya mula pa kanina, sinasakyan din niya ang mga biro ni nanay.
Gusto ko mang pigilan ang inay sa pag-papahiya saakin ay hindi ko magawa. Nakikita ko kasi sa mata niya kung gaano siya kasaya. Ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita ko ang mga ngiti niya, hindi ang mga sakit na nararamdaman niya.
"Nay, ikakasal na po si sir Richard anytime soon. Hindi mo po ako dapat inirereto o inaasar sakanya" pansin kong natigilan siya sa sinabi ko. Ngayon ko lang yata nabanggit sakanya ang tungkol sa kasal ni sir Richard. Sa isang iglap ay napalitan ng lungkot ang mga mata niya.
"Tsaka isa pa po 'Nay, sobrang yaman po nila, mahirap lang po tayo. Hindi ko po dapat na pinapangarap na maabot si sir Richard." Hindi na yata si nanay ang pinagsasabihan ko kundi ang sarili ko. Iyan ang palagi kong itinatatak sa utak at sa puso ko pero sa tuwing lumalapit sakin si sir Richard, parang nakakalimutan ko lahat.
"Kung ganon nga anak, kung ikakasal na talaga siya... Bakit ganun nalang ang nakikita ko sa mga mata niya tuwing titingin siya sayo?" Napakunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya.
"Ano pong... Ano pong tingin ang sinasabi mo?" Bumilis ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang sagot ni nanay. Alam ko, umaasa akong may kahulugan ang sinasabi niya. Umaasa ako kahit alam kong hindi tama.
Bigla siyang napaisip tsaka ako ilang na nginitian.
"Hayaan mo na anak. Wag mo nalang akong pansinin. Hehe" si nanay talaga! Binibitin ako e.
"Nay, ano po ba ang gusto mong sabihin?"
Malungkot siyang ngumiti sakin tsaka hinaplos ang pisngi ko."Tama ka anak. Ikakasal na ang amo mo kaya hindi na dapat kita pinapaasa. Kung ano man iyang nararamdaman mo sa puso mo, ihinto mo na hangga't hindi pa huli ang lahat. Ayokong masaktan ka, Sabrina."
"Pero wala naman po akong nararamdaman para sakanya 'nay"
"Sus! Kahit naman halos dito na ako sa hospital tumira anak, kilala pa din kita. Ramdam ko kung nagsisinungaling ka sakin." Natahimik ako. Totoo, pati yata sarili ko ay niloloko ko na. Alam kong may nararamdaman akong kakaiba sa tuwing lumalapit sakin si sir Richard pero ayoko nang i-entertain dahil alam kong mali. Ilang beses ko nang inuulit-ulit na mali na magkaroon ng feelings para sakanya pero ang kulit ko pa din talaga!
Naaawa na ako sa sarili ko dahil hindi na ako 'to. Hindi ko na makontrol ang sarili ko. Pakiramdam ko ay sobrang sama kong tao dahil hinahayaan kong halikan ako ng isang mayaman na lalaking ikakasal na sa iba. Nanliliit ang pakiramdam ko. Ilang ulit ko nang iniisip kung paano ko ba ihihinto ito, pero ang nanay ko lang pala ang makakapag sabi ng sagot.
"Magpakatotoo ka sa nararamdaman mo. Kapag nagawa mo 'yon, tsaka ka gumawa ng paraan kung paano mo ito unti-unting matatapon."
--NAPAHINTO ako sa paglalakad nang tawagin ako ni sir Richard. Papunta na sana ako sa maid's quarter para magpahinga dahil na-late nanaman kami nang uwi.
"Can we talk now?" Mula pa kasi kanina ay hindi ko siya pinapansin. Actually, mula pa nung gabi na huli niya akong hinalikan. Kanina niya pa ako sinusubukang kausapin pero kahit isa ay wala akong isinagot, halos matuyo na nga ang laway ko.
"Bukas nalang po, sir. Kailangan na nating magpahinga"
"Please, 5 minutes is enough. I just want to talk to you"
Please.
Ngayon ko lang yata narinig sakanya ang salitang yan kaya sino ba ako para hindi-an pa siya. Marupok na kung marupok, Wala naman sigurong masama kung kakausapin ko siya at aalamin kung anong side niya.
Tinanguan ko lang siya tsaka nagsimulang naglakad papunta sa sofa at umupo dito. Umupo din siya sa tabi ko pero may malaking space pa sa pagitan namin.
Pero sa kabila ng space na iyon, hindi ko naiwasang bumilis ang tibok nitong puso ko. Dukutin ko na kaya 'to sa susunod?
"OK. I just want to say sorry." Straight forward na panimula niya without even looking at me. Pareho kaming nakatingin lang sa kawalan. Iniiwasan na magtama ang nga mata namin.
"For what po sir?" Cold na sagot ko pero sa totoo lang ay hindi na ako komportable. Parang ang tahimik ng buong paligid at dinig na dinig ang puso ko.
I heard him groaned, nakita ko din sa peripheral vision ko ang paggulo niya sa buhok niya.
"FOR ALL. Sa lahat ng nagawa ko sayo from that day when I came back from states. I hurted you physically and I know that I even hurt you emotionally. I'am sorry. I won't deny that I'd been an assh*le to you. I'am an assh*le when I kissed you without your permission" napayuko ako. Hindi ako makapaniwala na inaamin niya ang mga kasalanan niya. Alam niya pala na nagkamali siya. Napakarupok ko dahil agad na lumalambot ang puso ko. Isang sorry lang, gusto ko na agad siyang patawarin.
"I promise that I won't kiss you again... without your permission." Gulat na napatingin ako sakanya. Just without my permission? So may balak siyang halikan ulit ako, pero magpapaalam lang siya? Ganon?
"Hindi ko maipapangako na hindi kita ulit hahalikan, Sabrina. You're lips was like a temptation. Once I tasted it, I just want to taste it over and over. I know that I disrespected you before, kaya kung gusto kitang halikan ulit, don't worry ipapaalam ko muna sayo." Parang normal lang ang gawi ng pagkakasabi niya kaya literal na napanganga ako. Hindi ako makapaniwala!
"So..." Tumingin siya sakin while wearing his evil grin.
"Can I kiss you now?" Surely, pinag-lalaruan nanaman niya ako.
"Cheater" I said without any visible expression on my face.
"What?!"
"Hindi po ba manloloko ang tawag sa lalaking may fiancé pero may hinahalikan na ibang babae? You said na addicted ka sa mga halik ko, sir. Alam mo pong hindi iyon tama dahil ikakasal kana at sa babaeng mahal mo pa." Matigas ang pagkakasabi ko. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin yun while having an eye contact with him.
Tila natigilan siya sa sinabi ko. Ilang segundo akong nabingi sa katahimikan ng mansyon. Mukhang ngayon niya lang naalala na may fiancé siya.
Posible ba yun?
Maya-maya ay nakita ko nanaman ang kakaibang ngiti sa mga labi niya.
"It's not cheating, Sabrina. Dahil hinahalikan lang naman kita, hindi minamahal" ako naman ang natigilan sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng sakit. Kung kanina ay mabilis ang tibok ng puso ko. Ngayon naman ay tila huminto ito. Parang huminto ang buong paligid ko at huminto ang buong sistema ko.
"By the way. The other maids will come back in the other day." Bago pa ako makapag react ay naglakad na siya papunta sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Teen FictionGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...