Chapter 6

1.1K 22 0
                                    

Chapter 6: Favor

Halos lumabas na ang puso ko sa ribs ko dahil sa kabang nararamdaman ko.
Ilang segundo palang ang nakalipas mula nung umalis si Ethan. Hindi parin nagsasalita si sir Richard pero halos matunaw ako sa titig niya. Ang sama ng tingin niya sakin!

"S-sir Richard, Pasensya na po talaga! H-hindi ko naman po alam na bawal akong mag papasok ng ibang tao dito sa mansyon niyo. H-hayaan mo po, hindi na mauulit" hindi parin siya sumasagot kaya naman nagpatuloy lang ako sa sinasabi ko.

"K-kilala po siya ni Ma'am Ani at madalas din po siya dito kaya hindi ko po alam na hindi ok sa iyo. Pasensya na po talag--"

"You did'nt know?! Really huh? You're still a girl Sabrina! At lalaki ang pinapasok mo dito sa mansyon, with you ALONE! Be aware of your surroundings. It's not that safe as you expected Sabrina! So don't you dare tell me na hindi mo alam na hindi ok sakin ang magpapasok ka ng ibang tao dito because in the first place alam mo na babae ka at lalaki siya!"

"Pero Sir--"

"No buts! Ayokong may ibang lalaki dito sa mansyon. That's it!"

Umakyat na sa taas si Sir Richard pagkatapos niya akong sigawan. Napaupo agad ako, medyo masakit na din kasi ang paa at kilikili ko dahil sa tagal kong nakatayo pero mukhang mapipilitan ulit akong tumayo dahil nag riring ang telepono.

Ilang segundo din bago ko masagot ang telepono dahil hirap akong maglakad. Si ma'am Ani pala ang tumatawag.

"Just checking on my Son. He did'nt answer my calls, kanina ko pa siya tinatawagan"

"Ok naman po si Sir Richard, Ma'am Ani. Medyo kauuwi lang din po niya galing sa kompanya. Nasa kwarto niya na po siya, gusto niyo po bang tawagin ko?"

"No, it's fine. Ikaw nalang ang kakausapin ko"

"Po?"

"Sabrina, ija. I have so much trust in you" hindi ako nag salita at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Hindi ko alam pero parang bigla akong kinabahan.

"Gusto kong malaman mo na ikakasal na ang anak ko. Just an arrange marriage. It's just for the sake of our bussiness but Richard has no problem with that because he loves the girl whom we chose."

"B-bakit niyo po ito sinasabi sakin ngayon?"

"Because I want you to check on my Son every second. There's a problem Sabrina, Thania, his fiancê, does'nt love him back. Ayokong sumuko si Richard because of that. Lalo pa ngayon na malayo siya kay Thania, there's a chance na mapagod siya at mag move on sa pag mamahal niya sa Fiancê niya. Baka magmahal siya ng iba. At kapag nangyari yun, kapag hindi natuloy ang kasal... Babagsak ang company namin because we might lost our partnership with Last's Corporation, ang kompanya ng pamilya ni Thania"

"So please Sabrina, I trust you. Bantayan mo ang anak ko while I'm out of our mansion. Huwag mong hayaan na mapalapit siya sa ibang babae."

"Ma'am paano ko po magagawa yun? May trabaho din po ako dito sa mansyon at sa kompanya na pinagtatrabahuhan ko. Hindi ko po kayang bantayan si sir Richard oras-oras"

"Oh! No problem. I'll pay you triple. Just stop being our maid for the mean time, mag resign kana din sa work mo sa company ni Ethan, I'm sure he'll understand. I'm gonna ask my son too na bigyan ka ng trabaho sa kompanya namin para mas mabantayan mo pa siya lalo. And isa pa, kung dadalawin mo ang nanay mo sa hospital... Take Richard with you. Ako nang bahala magsabi sakanya"

Really. I'm speechless. Mukhang wala na akong choice kundi ang sundin si Ma'am Ani. Isa pa... Malaki ang utang na loob ko sakanya.

Ghaaad! Anong gagawin ko? Mukhang hindi alam ni Ma'am Ani na pinag leave lahat ng anak niya sa trabaho ang lahat ng maid dito! Hindi ko pwedeng iwan nalang basta ang mansyon dahil baka mag mukhang haunted house 'to.

"Osiya, I'll hang it out. May tinatapos lang ako dito sa company namin sa US then babalik na ko jan. Thankyou for your cooperation Sabrina, It means so much for me"

***

TATLONG araw na ang nakalipas. Medyo nailalakad ko na din ang paa ko dahil hindi naman ganun kalala ang pagkaka sprained ko. Mabuti na nga lang at gumaling agad 'to dahil triple ang hirap na dinaranas ko.

Sa loob ng dalawang araw, walang ginawa si sir Richard kundi utusan ako. Mas lumala pa siya! Kahit walang kwentang bagay inuutos niya sakin. Kung minsan nga kahit natutulog ako bubulabugin pa niya ako para lang ikuha siya ng tubig. Parang bata!

Pero hindi naman ako nagrereklamo kasi syempre boss ko parin siya. Tsaka iniintindi ko nalang kasi alam kong broken hearted siya.

Hindi naman sa chismosa ako, pero kasi... Narinig kong ilang beses niya nang  tinatawagan yung fiancê habang naglilinis ako malapit sa kinauupuan niya and in no time, SINAGOT DIN SA WAKAS ...pero lalaki ang sumagot.

Naawa nga ako sa mamahalin niyang cellphone dahil binato niya sa pader kaya nagkawasak-wasak.

"SABRINA!" Napatayo agad ako dahil sa sigaw ng amo ko. Ika-ika akong naglakad palabas ng maid's quarter at pumunta sa sala kung nasaan si Sir Richard. Medyo masakit parin kasi ang paa ko.

"Sir?"

"You need to work on my company at exactly 9am. Ayoko sa mga late, got it?"

"H-hindi po ba a-ako pwedeng sumabay sain--"

"And who are you para isabay ko sa kotse ko? I'm not your driver. You're just our maid and not my wife neither my girlfriend"

Lumabas na siya ng mansyon at pinaandar ang kotse niya. Tsk, ayoko naman talagang sumabay sakanya. Ang kaso lang kasi... Pano ko siya mababantayan kada-segundo kung hindi ko siya sasabayan sa pagpasok? Baka makalusot. Baka bago pala siya pumasok nambababae pa siya! Lagot ako nito kay ma'am Ani.

ILANG minuto na din akong naghihintay ng jeep na masasakyan. Ayokong mag taxi dahil sayang ang pera. Kung pwede nga lang sanang lakadin ay lalakadin ko nalang papunta sa kompanya ng mga Villafuer e.

*beep beep*

Napatingin ako sa kotseng huminto sa harap ko. Kotse ni Ethan 'to a!

"Hop in. Buti nalang at naabutan pa kita. Ihahatid na kita" nagtataka man ay sumakay nalang din ako. Mukhang mahihirapan din talaga akong sumakay ng jeep dahil halos lahat ng dumadaan ay puno.

"I thought nakaalis kana ng mansyon ng Richard na yun. Traffic kasi kaya medyo nalate ako"

"Na late?"

"Yup. Plano ko talagang ihatid ka ngayon because it's your first day at your new work" nagtaka ako. Bakit naman niya ako ihahatid?

Hayaan na nga. Mabait naman talaga si Ethan. Baka nagmamalasakit lang.

"Thankyou Ethan a. Tsaka sorry din kung biglaan ang pagreresign ko. Nahihiya talaga ako sayo"

"Don't be. Mas ok na rin yun dahil bawal ang office afair. I'am now able to court you" napanganga ako dun sa sinabi niya. Is he serious?!

"A-ano ulit?" He just smiled habang nakatingin parin sa daan.

"We're here. Ako na magbubukas ng pinto" mabilis siyang bumaba tsaka ako pinagbuksan ng pinto. Such a gentleman.

"Pasok na ako. Salamat ulit Ethan"

"No problem" tatalikod na sana ako nang magsalita ulit siya.

"By the way, I'm serious about what I said earlier" bago pa ako makapagsalita narinig ko nalang ang tunog ng makina ng kotse niya at ang pag andar nito.

Loving mr.Rich ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon