Chapter 14

964 19 0
                                    

Chapter 14: Followed by the Rich man

HINDI na maganda 'to. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin. Pakiramdam ko ay hindi na ako 'to, hindi na ako ang dating Sabrina mula nang dumating si sir Richard sa mansyon.

Sabrina ikakasal na siya!

Paulit-ulit kong itinatatak sa isip ko na may fiancé siya at anytime pwede na siyang ikasal. Pero kahit ilang ulit kong ipasok sa kokote ko ang mga katagang yan, hindi ko pa rin maiwasan ang pag bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing mararamdaman ko ang presensiya ni sir Richard.

Kanina ay sinubukan kong umakto ng normal habang nasa loob kami ng opisina niya. Thank God dahil seryoso lang siya sa pagtatrabaho, kung titignan ay parang normal na amo at empleyado lang ang namamagitan saming dalawa.

I mean, wala naman talagang namamagitan samin pero kasi kung titignan mo kami habang nasa opisina ay parang hindi niya ako hinahalikan sa tuwing kaming dalawa lang. Parang hindi niya ako pinag lalaruan at parang wala siyang ginagawang masama.

Napaka galing niyang umarte!

Pero on the other side, baka nga hindi siya umaarte. Baka totoong wala lang talaga para sakanya ang mga kalokohang ginagawa niya. Baka normal lang talaga sa States ang manghalik ng ibang babae kahit na may ibang nag mamay-ari ng puso niya o kahit na ikakasal na. Baka ako lang talaga ang nag-o-over react.

"What are you doing?" Bahagya akong nagulat nang mag salita siya. Mula kanina ay ngayon niya lang ako kinausap except sa tuwing uutusan niya ako.

Kasalukuyan na kasi akong nag aayos ng bag ko. 7pm palang at 8pm pa ang out namin pero hinahanda ko na ang sarili ko para umalis. Balak kong mag out ng maaga para pumuntang hospital para dalawin ang nanay ko at para na rin makalayo na ako kay sir Richard.

Kailangan ko siyang layuan hangga't maaga pa. Para hindi na lumalim ang kung ano mang nararamdaman ng puso ko para sakanya.

"Mag-a-out po ako ng maaga sir. Dadalawin ko si nanay" pormal na tugon ko habang patuloy parin ako sa pag-aayos ng bag ko. Hindi ako nag papaalam sakaniya, kahit naman kasi hindi siya pumayag ay mag-a-out parin ako ng maaga.

Tinignan niya ang relo niya tsaka muling nag salita "It's too early. You're able to visit your mother after your work, so why bother to go now? Is that an emergency?"

"No. Gusto ko lang po talaga siyang dalawin ngayon" wala akong maisip na magandang dahilan. Hindi ko naman pwedeng sabihing emergency nga 'yon dahil ayokong gawing biro ang lagay ni nanay.

"Then, mamaya ka na umalis after your work. I'll go with you"

"Hindi na po kailangan. Kaya ko na ang sarili ko. Aalis na po ako" tumayo ako at dere-deretsong naglakad palabas ng opisina niya. Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil paniguradong hindi niya ako papayagang mag out ng maaga.

Kasalukuyan kong hinihintay ang pagbukas ng elevator para makababa na akong sa building nang maramdaman kong may tumabi saakin. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang maamoy ko ang pabango nito.

Si sir Richard.

"B-bakit ka nandito?" Hindi ko inaasahan na masusundan niya ako. Sa pagkakaalam ko ay tambak ang trabaho niya sa opisina.

"Silly, I said I want to go with you. Bakit ka umalis agad?"

"Sinabi ko naman na hindi na kailangan sir--"

Loving mr.Rich ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon