Chapter 13

988 20 0
                                    

I want to dedicate this chapter to a friend of mine.

Beatqtt sa paggawa ng book cover ng LMRM. I really appriciate you. And since birthday mo ngayon, this is for you!

And ofcourse! Sa iilan kong mga readers na patuloy na nagbabasa, nagcocomment at nag-vo-vote sa kalokohang gawa ko. I also dedicate this to all of you. Maraming thankyou!

You can leave your thoughts and violent reactions below. Wag na kayong mahiya! Haha chos. Lovey'll
---

Chapter 13: Rich man in his spongebob pajama

Ethan's POV

KANINA ko pa napapansin na may iba sa ikinikilos ni Sabrina. Mula nang sunduin ko siya sa mansyon ng mga Villafuer ay hindi ko na siya makausap nang matino, parang napakadaming gumugulo sa isip niya.

Kahit sa party ay napapansin kong bigla nalang siyang tatahimik at matutulala, kung minsan ay bigla naman siyang namumula. Sinubukan ko siyang tanungin pero ang palagi niyang isinasagot ay ok lang siya. Di kalaunan ay tinigilan ko na rin siya dahil mukhang wala talaga siyang balak na sabihin kung anong nangyayari sakanya.

Sandali kong tinignan si Sabrina na mahimbing na natutulog ngayon sa tabi ko. We're now inside my car at kanina pa siya natutulog. Ihahatid ko na siya ngayon sa mansyon ng mga Villafuer. Alas dos na ng madaling araw kaya kinailangan ko na talaga siyang ihatid, hindi ko naman hahayaan na umuwi siyang mag-isa kahit pa sabihin niyang kaya na niya ang sarili niya.

Mukhang napagod talaga siya.

Malamang ay may kinalaman ang amo niya sa nangyayari ngayon kay Sabrina, siya lang naman ang nakasama ni Sab sa maghapon. Sana lang talaga ay hindi siya pinahihirapan ng Richard na 'yon, at sana lang talaga walang ginagawang masama ang lalaking 'yon sakanya dahil hindi ko siya mapapalampas.

Wala talaga akong tiwala sa lalaking 'yon.

Hindi ko pa man naihihinto ang sasakyan ay nakita ko na ang bulto ng katawan ng lalaking malamang ay may kinalaman sa kung ano mang nangyayari ngayon kay Sabrina.

Anong ginagawa niya sa labas ng mansyon niya nang ganitong oras? Don't tell me... Hinihintay niyang makauwi si Sabrina?

Nang maihinto ko ang sasakyan sa tapat niya ay agad akong bumaba. Parang automatic nang masama kaagad ang tingin ko sakanya, at ganun din naman siya saakin. Kung wala lang fiancé ang isang 'to, iisipin kong may nararamdaman siya para kay Sabrina. Para kasing binabakuran niya si Sab sa gawi palang ng pag-tingin niya sa tuwing magkasama kaming dalawa.

Umikot ako at binuksan ang pintuan ng kotse ko sa gawi ni Sabrina, tinanggal ko ang seatbelt niya. Nakahanda na akong buhatin siya pero nagulat ako nang itulak ako ni Richard. Dahan-dahan niyang binuhat si Sabrina. Kung hindi lang niya buhat ang nahihimbing na si Sabrina ay nasuntok ko na siya.

Loving mr.Rich ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon