chapter5

1.3K 28 6
                                    

Chapter 5: Ethan vs. Richard

Napatingin agad ako sa wall clock nang mapadilat ako.

4:20? Umaga na?

Nakatulog pala talaga ako kahapon. Nasobrahan siguro ako sa sipag kaya ang sarap ng tulog ko.

"Mr.Villafuer, you better keep your eyes on your wife. Mukhang wala siyang pakialam for her health, so you have the responsibility to take care of her" napakunot ang noo ko nang pumasok sa isip ko yung sinabi ni doc. Wait! Sinabi niya nga ba Yun?

"Wife?"

"Yes. Why? Is'nt she your wife?"

I heard a silence for awhile. Nakapikit ako dahil sa sobrang antok.

"A-ah. By the way Doc-- thank you for your concern. I'll make sure na iinomin niya ang gamot niya para gumaling siya agad"

Wala na kong maalala pagkatapos nun. Bahagya akong natawa. Kung totoo yun imposibleng hindi kokontrahin ni sir Richard ang sinabi ng doctor na asawa niya ako. Kaya malamang, panaginip lang yun.

Pero ang weird naman ng panaginip ko!

I shook my head to erase what I dreamt. Hayaan na nga lang.

Tatayo na sana ako sa kama nang sumakit ang paa ko. Aysh! Sprained!

Paano na ko kikilos ngayon?

Napansin kong may nakalagay na saklay sa gilid ng kama ko. Napangiti ako. Malamang galing 'to kay sir Richard.

Ginamit ko ito at lumabas ng kwarto. Mabuti nalang at nasa firstfloor lang ang maids room kaya hindi na kailangang bumaba ng hagdan. Kung nagkataon baka nagpagulong-gulong na ko.

Pumunta ako sa kitchen para magluto ng almusal. Kahit naman nakasaklay ako, may kamay parin naman ako. Ang mahirap lang ay nakakangawit pala sa kilikili 'tong ganito.

Matatapos na akong magluto nang maramdaman ko ang prisensya ni sir Richard sa lamesa. Ang aga naman niyang gumising.

Halos mapanganga ako nang lumingon ako sa gawi niya.

His with his business suit, with his perfectly comb hair! Mukha siyang business man pero sarili niya binibenta niya ganun! Sa sobrang perfect niya, baka mapunta sa company nila ang shares ng lahat ng nagsheshare!

I admit that he's perfectly handsome.

"Stop staring ms. Maid" bigla akong napasimangot dahil sa sinabi niya. Maid?! Kai lang ang ipamukha?! May pangalan ako!.

Binabawi ko na. Ang panget pala niya!

"Eatwell po sir. Richard" tama yan. Sabrina! Masamang sumagot sa amo kaya magtimpi ka lang.

Umalis na ako sa dining area. Umupo muna ako sa sofa sa sala dahil nangawit na ang kilikili ko at masakit na din ang paa ko. Wala namang kalat ang mansyon dahil nalinis ko na kahapon.

Napansin kong wala na ang timba na pinaggamitan ko ng panlampaso sa sahig. Nagtaka din ako dahil hindi lukot ang suit ni Sir Richard.

Don't tell me... Siya ang nag ayos ng lahat? PSH! Impossible.

"Drink your medicine. Aalis na ko" dirediretso lang si sir Richard sa pinto palabas pero tinawag ko siya

"S-sir Richard. Anong oras ka uuwi? Para po sana makapag luto agad ako"
Lumingon siya saakin then he smirked.

"Are you acting like a wife?" Nag taka naman ako sa sinabi niya.
"Hindi porque hindi ko kinontra ang sinabi ni Doc na asawa kita, it doesn't mean na agree ako na maging asawa ka. So stop acting like my wife" speechless ako sa sinabi niya.

Wait. Hindi naman ako umaakto na parang asawa niya ah!

Bago pa ako makapag react ay nakalabas na ng pintuan si sir Richard. So, it means... Hindi panaginip yung kagabi?

***

Natapos ko nang labhan ang mga damit ko. Nalabhan ko na din ang uniform ko na pang katulong.

Mahirap na, baka mapagkamalan nanaman akong asawa ni sir Richard. Magagalit nanaman yun.

6pm na, magsisimula na sana akong magluto nang may mag doorbell. Imposible naman na si Sir Richard yun dahil hindi naman yun mag dodoor bell sa sarili niyang pamamahay.

Medyo natagalan ako sa pag bukas ng pinto dahil nakasaklay ako.

"Ethan?" Bakit nandito ang boss ko sa company?

"Ano pong ginagawa mo dito?" Pinapasok ko muna siya sa mansyon ng mga Villafuer. Madalas siyang dumalaw dito noon at kilala na siya ni ma'am Ani kaya sanay na din siya dito sa mansyon. Bukod kasi sa boss ko siya ay magkaibigan na kami.

"Nagpaalam ka na aabsent ka dahil sa paa mo. That's why I'm here. Nag-aalala ako sayo" tinawagan ko nga pala siya kanina para ipaalam na hindi ako makakapasok dahil nasparain ang paa ko. Hindi ko naman alam na mag-aalala siya.

"Thankyou sa concern Ethan. Pero ok lang naman ako. Ilang days lang naman at gagaling din 'tong paa ko. No need to worry"

"Nag-aalala parin ako. Here, kainin mo lahat 'to para gumaling ka agad" Natawa ako nang iabot niya saakin ang dalawang plastic bag ng fruits and grocery.

"Grabe naman! Para naman akong naconfine sa ospital sa dami ng binili mo" napangiti siya.

"Basta magpagaling ka agad. Ayokong nasasaktan ka" hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang awkward lang ng atmosphere dahil sa mga pinagsasabi ni Ethan.

"She don't need that foods. Marami na dito sa mansyon" nagulat ako nang marinig ko ang boses ni sir Richard. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.

Nakakatakot ang way ng tingin niya sakin ngayon.

"Who told you to let strangers go inside our mansion?" Hindi siya sumisigaw pero kinikilabutan ako sa diin ng bawat salita niya.

"Brad, you don't need to worry. Mrs. Villafuer knew me."

"I don't care. Ayokong makikita kang nandito sa loob ng bahay ko lalo na kung mag-isa si Sabrina! Get that?"

"Wala akong gagawing masama kay Sabrina. Dahil may respeto ako sakanya." Ramdam ko na ang tensyon sakanilang dalawa. Kinakabahan ako dahil baka magsuntukan nalang sila bigla.

Ethan smirked "baka nga ikaw ang may binabalak na masama sakanya" patay na!

"E-Ethan? O-Ok lang ba kung umuwi kana muna?" Mahinahon kong tanong sakanya. Lumambot naman nang bahagya ang ekspresyon niya.

"Alright. Pero tawagan mo ko kung hindi ka ok dito" one last death glare to sir Richard take siya lumabas ng pinto.

Now. Kami nalang dalawa ni Sir Richard.

Paano na 'to? Mukhang malalagot na talaga ako by the way he stares at me.

Loving mr.Rich ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon