Chapter 8

1K 17 0
                                    

Chapter 8: Meet the parents?

"A-ahm. Sir?" Kinakabahan ako. Tapos na ang oras ng trabaho ko dito sa opisina at nag-aayos na din si Sir Richard para makauwi na sa mansyon. Balak ko sanang dalawin ulit si nanay sa hospital upang tignan kung mabuti ang lagay niya. Alam kong nalulungkot siya dun dahil hindi ko siya masyadong nadadalaw. Gustuhin ko man kasi na dalawin siya, hindi pwede dahil kailangan kong magtrabaho para kumita ng malaking pera para makapag paopera na siya.

Hindi sumagot si Sir Richard pero tinignan niya ko na pawang hinihintay kung ano ang sasabihin ko kaya naman nagpatuloy lang ako.

"Sir... Pwede po ba akong pumunta sa hospital kahit sandali lang?" Halata sa mukha niya ang pagtataka kaya nagpaliwanag ako.

"Nasa hospital kasi ang nanay ko. Kailangan kong tignan kung ano na ang lagay niya" Ilang segundo pa bago magresponse si Sir Richard. Mukhang pinag iisipan pa kung papayagan ba ako o hindi.

"Ok" yun lang ang sinabi niya at nagpatuloy na sa pag-aayos ng mga gamit niya. Napatingin ulit siya sakin nang mapansin na hindi parin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

Naalala ko ang sinabi sakin ni ma'am Ani sa telepono na kapag daw dadalawin ko ang nanay ko sa hospital ay magpasama nalang daw ako kay Sir Richard. Kinakabahan na ako ngayon kung paano ko sasabihin sakanya yun. Baka masabihan ako ng makapal ang mukha.

Nasabihan na nga ako kanina ng malandi, ayokong masabihan pa ng makapal ang mukha.

Kaso kung hindi ko gagawin yun baka kung saan-saan pa pumunta 'tong si Sir Richard at humanap ng babae. Baka mayroon siyang mabanggang babae sa kalsada tapos ipapagamot niya sa hospital tapos magtutuloy-tuloy na ang pagkikita nila tapos maiinlove sila sa isa't-isa. Hindi maaaring mangyari yun!

"What now?" Nagsusungit nanaman siya.

"K-kasi po..." Mukhang nawi-weirduhan na talaga siya sakin. Mula nang dumating siya sa mansyon, napansin ko napaka low tempered niyang tao kaya naman nagpatuloy na ulit ako sa pag-sasalita. Sana talaga pumayag siya.

"G-gabi na po kasi Sir Richard. Gaya nga po ng s-sabi mo, hindi na po ligtas sa panahon ngayon. Kaya gusto ko lang po sanang tanungin kung ok lang na magpahatid sayo sa hospital" parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko, nakangisi na siya e. Patay na!

Hindi naman talaga totoong magpapahatid ako sakanya dahil sa delikado na sa daan. Kaya ko pa naman ang sarili ko.

"I-ibawas niyo nalang po sa sweldo ko!" Napapikit ako habang binabanggit ang mga salitang hindi ko gustong sabihin.

Waaaah! Bakit dinamay ko ang sweldo ko dito?!!

"Alright." Agad akong napadilat dahil sa pagpayag niya. Gusto kong magdiwang dahil napa payag ko siya pero nanguna ang pagluluksa ko dahil mababawasan ang sweldo ko. Kasi naman e!

Pinauna na ako ni Sir Richard sa parking lot. Ayaw niya kasi na mag sabay kaming bumaba dahil baka may makakita na isa sa mga empleyado niya at baka kung ano pang isipin saming dalawa.

Ilang minuto lang ay dumating na din si Sir Richard. Mabuti na nga lang dahil natatakot na talaga ako dahil sa dilim at wala pang dumadaang mga tao.

Gaya ng unang sakay ko dito sa mamahalin niyang kotse ay sa shotgun seat ulit ako umupo. Dito kasi ang may seatbelt tsaka isa pa, hindi naman nagrereklamo si Sir Richard.

Hininto niya ang kotse nang makarating na kami sa hospital. Ang sabi ko sakanya kanina ay magpapahatid lang ako pero ang plano ko talaga ay papasukin siya sa loob. Hindi pa siya pwedeng umuwi dahil ayon sa utos sakin ni ma'am Ani, kailangan kong bantayan si sir Richard kada-segundo.

Loving mr.Rich ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon