Chapter 16: His message
"MAGPAKATOTOO ka sa nararamdaman mo. Kapag nagawa mo 'yon, tsaka ka gumawa ng paraan kung paano mo ito unti-unting matatapon." Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang sinabi ni nanay habang nakatingin sa kisame ng maid's quarter.
Magpakatotoo? Paano?
Aminado akong may nararamdaman na ako para kay sir Richard. Pero anong level na nga ba? Humahanga lang ba ako sakanya? Gusto ko na ba siya? Gustong-gusto??
O Mahal?
Napailing ako nang ilang ulit. Mahal? Imposible! Dahil hindi naman siya kamahal-mahal. Masama ang pag-u-ugali niya, player, cheater! Tsaka mag-iisang buwan palang mula noong nakilala ko siya nang personal.
Napahinga ako nang malalim.
Ang sabi ni nanay magpakatotoo daw ako. Pero paano? Saan ako mag sisimula? Paano ko malalaman kung ano ang totoong nararamdaman ko? Gulong-gulo na ako.
Nabalik lang ang isip ako sa realidad nang tumunog ang cellphone ko. Text message.
From: sir Richard
You don't need to clean our mansion tomorrow. Just cook some breakfast.
Gising pa siya? 11:23 na ng gabi, wala ba siyang balak pumasok sa company bukas?
Maya-maya ay tumunog nanaman ang phone ko. Another text message from him.
From: sir Richard
Ba't hindi ka nagrereply?
Natulala nalang ako sa sceen ng cellphone ko. Akala ko tapos na siyang magtext pero sunud-sunod na tumunog ang phone ko, puro text message galing sakanya ang narecieve ko. Tinadtad niya ako.
-From: sir Richard
You sleeping already?
-From: sir Richard
Can't sleep.
-From: sir Richard
Your ugly face was bothering me every time I tried close my eyes.
-From: sir Richard
Can I wake you up?
-From: sir Richard
Wanna hear your voice.
-From: sir Richard
I want to call you.
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Teen FictionGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...