Chapter 20: Bitin!
KASALUKUYAN kaming nasa isang meeting and as usual, nasa tabi ako ni si-- ni Richard. Wala naman siyang inuutos sakin pero ang sabi niya ay sumama daw ako sa loob kaya pumayag nalang ako, wala din naman kasi akong gagawin sa loob ng office niya. Mabobored lang ako.
Pero mukhang mas nabobored ako dito.
May isang lalaking nagdidiscuss sa harap nakapatay ang lahat ng mga ilaw dahil kinailangang gamitin ang projector. Mukhang seryoso ang meeting na ito dahil seryoso ang mukha nilang lahat at matamang nakikinig sa nagsasalita. Sobrang nabobored na talaga ako dahil wala naman akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila.
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ito. It's a message from Ethan. Ngayon lang ulit siya nagparamdam. Ano kaya ang nangyari sakaniya?
Napangiti ako nang makita ko ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. This past few days ay hindi siya nagpakita sakin o kahit magtext manlang.
--
From: EthanHi, Sab! How's life?
--Sinilip ko muna ang mga businessman sa paligid ko dahil baka nakakaistorbo ako sakanila. Alam ko naman na naka-silent ang phone ko pero mas maigi nang maging maingat.
Nang makita kong hindi naman nila ako pinapansin ay sinimulan ko nang mag type upang replyan si Ethan.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang nagtitipa ng mensahe. Kahit sa text ang makulit si Ethan kaya palagay ang loob ko sakaniya.
Ang sabi niya ay nag-outing daw sila ng pamilya niya. Biglaan daw ito kaya hindi na siya nakapag sabi sakin. Tsaka biro niya pa, alam niya naman daw na wala akong pakialam.
Gusto niya akong tawagan pero ang sabi ko ay kasalukuyan akong nasa meeting, naintindihan niya naman at hindi na siya nagpumilit pa.
Halos kagatin ko na ang labi ko upang pigilan ang pagtawa ko. Kung anu-ano kasing jokes ang sinisend sakin ni Ethan, corney ito at iyon ang ikinatatawa ko.
Mag-rereply pa sana ako nang biglang mawala sa kamay ko ang cellphone ko. Kinuha ito ni sir Richard.
Tinignan ko siya pero deretso parin ang tingin niya. Patay malisya! Sinubukan kong agawin sakaniya ang cellphone ko pero inilalayo niya ito sakin hanggang sa ako na mismo ang sumuko, baka kasi makahalata na ang mga kasama namin dito sa loob.
Sumimangot ako. Nakakainis! Mukha na akong batang inagawan ng candy ngayon. Ano nalang ang gagawin ko? Sa jokes na nga lang ni Ethan ako nalilibang e.
Sinubukan kong makinig sa nagsasalita kahit wala akong naiintindihan. Ilang minuto pa at mukhang patapos na rin siya.
Napasinghap ako nang maramdaman kong may humawak sa kanang kamay ko. I checked on it, si Richard! Ganoon parin ang ekspresyon ng mukha niya, seryoso at matamang nakikinig sa nagsasalita. Hindi mo aakalaing may ginagawa na palang kalokohan.
Nasa ilalim ng lamesa ang kamay ko kaya hindi ito nakikita ng iba. Sinubukan ko itong tanggalin dahil susme, baka may makakita saamin! Pero hindi ko ito matanggal dahil lalo pang hinigpitan ni Richard ang pagkakahawak sa kamay ko.
He even intertwined our fingers for peter piper's sake!
Hindi ko malaman kung dapat ba akong matuwa, kiligin, o matakot. Ano ba kasing ginagawa niya?
He's strange gestures makes my heart beats so fast.
Bumukas ang mga ilaw. Tapos nang magsalita ang lalaki sa harap. May kung anong tinanong at sinabi si Richard about sa presentation ng lalaki pero nakahawak parin siya sa kamay ko. Jusko pong mahabagin!
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Teen FictionGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...