Chapter 1: Fish bowl (Richman is home)Agad kong ibinagsak ang sarili ko sa munti kong higaan sa loob ng maid's quarter.
NAKAKAPAGOD!
Katatapos ko lang kasing linisin buong mansyon ng mga Villafuer. Sa dinami-rami ng mga maids dito ay ako lang ang naglinis ngayong araw na ito. Mukhang umiral nanaman ang kamalditahan nila at ako nanaman ang pinag initan. Hindi ko naman magawang magalit o mag reklamo sakanila dahil alam ko naman na may katuwiran ang pag papahirap nila saakin.
Kesyo--maswerte naman daw ako dahil pinag-aral ako ng amo namin. Kesyo-- parang anak na daw ang turing sakin ng amo namin. Kesyo--blah blah blah! Ewan! Ang dami nilang dahilan! Nakuu! Kapag nalaman talaga 'to ni ma'am Ani (mrs. Villafuer) baka hindi sila paswelduhin. Pero syempre, wala akong balak na isumbong sila.
Yes, nakatapos ako nang dahil sakanila. Kaya thanks to them! Sobrang laki ng utang na loob ko sakanila.
Kung nagtataka kayo kung bakit hanggang ngayon ay kasambahay parin ako dito--- well, may maayos na trabaho parin naman ako. Nagtatrabaho ako sa isang maliit na kumpanya then kapag maaga akong nakakauwi sa trabaho ko dun, nagtatrabaho naman ako bilang isang katulong. Paraparaan lang yan! Mas madaming trabaho, mas malaki ang kita at kapag mas malaki ang kita... Mapapa opera ko na si nanay. Unfortunately, naka confine ngayon ang nanay ko sa isang public hospital. Sandali ko lang siyang nadadalaw dahil maghapon nga ang trabaho ko. Tumatanda na kasi si nanay at nagkaroon na siya ng sakit sa puso. Kailangan siyang mapaoperahan kaya doble kayod ako.
Sa totoo lang, ang hirap mag trabaho kapag wala kang pinag huhugutan ng lakas lalo na't mag hapon ang trabaho ko. Pero alam kong masusulit ang lahat ng pinag hihirapan ko kapag gumaling na ang inay. Alam kong gagaling siya dahil parehas kaming lumalaban.
"watttttaahh!!!"
Napabalikwas agad ako ng tayo nang masira ang pinto ng maid's quarter.Jusko po! Ano nanamang trip ng babaeng ito?
"A-anong g-ginawa m-mo??! Bakit sinira mo ang pinto"
"eh, kung hindi ka naman kasi talaga bingi at kalahati e. Haller! Mangangalahating oras na kong kumakatok sa pinto at ayaw mong buksan! Akala ko nag suicide kana kaya sinira ko na ang pinto" Natawa nalang ako kay Sarah, siya ang pinaka close ko sa lahat ng mga katrabaho ko. Kahit kailan talaga 'to--loka-loka.
"pasensya naman po. Alam mo naman na kahit minsan ay hindi sumagi sa isip ko ang pag papaka matay. Tsaka masyadong lang malalim ang iniisip ko kanina kaya hindi ko naririnig ang pagkatok mo"
"hay naku! Hindi ko na tatanungin kung ano dahil alam ko namang nagmomonolouge ka nanaman. Oh siya siya. mag-ayos kana ng sarili mo dahil ang pagkakaalam ko parating na ang anak nina ma'am. Kyaaah! Nakakaexcite makita siya sa personal. Sa wakas! Hindi nalang puro picture niya sa kwarto niya ang pagpapantasyahan kooooo"
Kinabahan agad ako sa sinabi nya.
Seryoso? Dadating na talaga ang anak nina ma'am? Bakit parang feeling ko naeexcite din ako?
Kasi naman, nakikita ko lang siya sa mga picture sa kwarto niya kapag nililinisan namin yun. At sa picture na yun, wala akong ibang masabi kundi sobrang gwapo niya. Mukha siyang isa sa mga Greek Gods. Sabagay kahit naman may idad na si ma'am Ani ay kita parin ang kagandahan niya kaya hindi na kataka-kata na ganun ang hitsura ng anak nila.
Ang sabi ni maam, nung hindi pa daw ako nagtatrabaho sa kanila ay umuuwi pa dito ang anak niya. Pero simula nung napunta ako sa mansyon ay hindi na daw ulit nakadalaw ang anak niya kaya hindi ko pa siya nakikita talaga sa personal. Nagkikita parin naman sila ngunit kapag umuuwi lang si ma'am Ani sa States.
Nagpaalam naman na si Sarah na tutulungan na daw niyang magluto si manang Lidia sa kusina kaya lumabas na ulit siya ng kwarto
Hayst! iidlip nalang muna ako. Nakakapagod kayang maglinis ng napakalaking mansyon nila. Kahit naman pumapayag ako sa utos ng mga katrabaho ko ay hindi parin maiwasang mapagod ng katawan ko. Sigurado naman ako na gigisingin nila ako kapag nandyan na yung anak ni ma'am
Hmmm. Sana kasing bait ka ng iyong ina... Sir Richard.
*RICHARD's POV
Argh! I really had a bad day!
My bestbud just called me earlier and he said that he saw my fiancé hugging some other guy. Yeah, she's with that f*ckin' guy again. D*mn it!
Yes, I know that we're engaged just ONLY because of our parents but hell--she's MY fiance! She must do her job. She needs to be with me and not with that guy. She needs to love me, and not him.
She already knew that I love her pero anong ginagawa niya?! Nakikipag kita parin siya sa lalaking totoong mahal niya. Tsk, I'm jealous. And I know that she can feel it.
Nang makarating ako sa mansyon, all of our maids lined-up in our huge door, bowing their heads. I smirked. Well, I'm used to it because fortunately, I'm the rich man here.
Dederetso nalang sana ako paakyat ng hagdan nang mapansin kong sira ang pinto ng maid's quarter, hindi ko nalang sana papansinin pero may nahagip ang mata ko na siyang lalong ikinainit ng ulo ko.
Tsk. Malas niya! Sinabayan niya ang init ng ulo ko.
Nilapitan ko ang maid's quarter. Pumasok ako sa loob. I even heard other maids gasp. Narinig kong tinatawag ako at pinipigilan ng ibang katulong but the hell I care? All I want is to punish the disrespectful woman in front of me.
I stop in the front of the woman that are now sleeping tightly.
Naramdaman ko din ang mga tao na nasa likod ko at walang nagawa kundi manood.
I smirked when I saw the fish bowl in the mini table. Great.
Kinuha ko ang maliit na fish bowl sa maliit na lamesa nila at itinapon sa kung sino mang katulong ang natutulog ngayon.
She immediately sat on her bed. Pigil ang tawa ko. Whatta ugly face! Epic fail ang hitsura niya. HAHA
"JUSMIYO MARIMAR NAMAN!! BAKIT BA NAMBABASA KAYO? PWEDE NAMANG MANGGISING NG-- s-sir?!" Napahinto siya sa pagsasalita nang mapansin niya kung sino ang nagbuhos sakanya ng tubig galing sa fish bowl.
She must be scared.
"Useless maid. Sometimes, learn how to do your job properly. Got it?!" Pagkasabi ko nun lumabas na ako at dumiretso sa kwarto ko.
I can smell something fishy there. Litteral na fishy, ang langsa na eh.SABRINA's POV
"bakit kasi hindi ninyo ako ginising?!" Nagsihingi naman sila ng sorry kaya pinatawad ko na. Wala na eh, napagalitan na ko. Tsaka kasalanan ko din naman dahil napahaba nga ata talaga ang tulog ko.
Naligo na agad ako dahil naaamoy ko na yung langsa sa buong katawan ko.
Susme naman kasi! Tubig galing sa fish bowl yung pinangbuhos sakin! May kasama pa nga yatang isda yun!Tsk. Akala ko pa naman kaugali nila ma'am yung anak nila! Kabaligtaran pala nila!
May pa excite-excite pa akong nalalaman dahil makikita ko na sa personal yung anak nila tapos ganun pala yung ugali! Tsk. Nabiktima ako ng expectation versus reality.
Pero infairness. Mas gwapo pa pala siya sa personal kaysasa sa picture--aish! Pero hindi! Masama parin yung ugali nya! Arrrgh! Kainis.
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Fiksi RemajaGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...