Chapter 17: "I want you to fall inlove with me"
TINAKASAN ko si sir Richard. Nang makita kong umakyat na siya sa taas at pumasok sa kwarto niya ay patakbo akong lumabas ng mansyon.
Hindi naman ako nahirapang sumakay at wala rin namang traffic kaya mabilis akong nakarating sa trabaho. Mag-sisimula palang mag-ayos ng sarili niya si sir Richard nang umalis ako kaya ang alam ko ay matatagalan pa siya pero hindi pa man umiinit ang pwet ko sa kinauupuan ko ay dumating na din siya. Nagulat pa ako dahil masyado siyang maaga.
Hindi ba siya pwedeng lumayo kahit sandali? Patahimikin naman niya ang puso ko kahit ilang minuto lang.
Kasisimula ko palang mag-laro ng candy crush sa cellphone ko nang dumating si sir Richard. Pawis na pawis siya at hindi pa maayos ang pagkakatali ng necktie niya, siguradong pinagtinginan siya ng mga empleyadong nakasalubong niya.
Kahit hinihingal siya ay nagawa niya parin akong tanungin kung saan ako nanggaling at kung bakit hindi ko siya hinintay.
Nang hindi ako sumagot ay napabuntong hininga nalang siya. Hindi niya ako sinigawan o sinumbatan. Umupo lang siya sa swivel chair niya tsaka inayos ang sarili.
"Fine. Atleast, you arrived here safe. Just don't do that again. Nag-alala ako. Sa kotse kana ulit sumakay mamaya" buong akala ko ay pagagalitan niya ako. Nauna akong pumasok sa office niya kahit na wala naman akong gagawin dito tapos umalis pa ko ng mansyon nang hindi manlang nagpaalam o nagpakita sakaniya.
Kusang huminto ang paghinga ko when he look at me all of a sudden, nakaupo siya at nakatayo naman ako malapit sa table niya pero nang magtama ang mga mata namin ay tila naging sobrang lapit lang niya saakin.
I got goosebumps when he look at me. Hindi nakakatakot ang gawi ng pagtingin niya pero tumaas ang mga balahibo ko. Hindi na talaga maganda ang epekto sakin ni sir Richard.
Hindi ko maiwasang titigan siya. Napapaisip ako kung pure Filipino ba talaga itong amo ko. He has brown eyes and pointed nose. Kung hindi mo kilala ang mga magulang niya ay iisipin mong hindi siya Pilipino.
Iba talaga kapag halos sa ibang bansa kana lumaki. Pati yata culture doon ay nakuha na niya. Pati ang pagiging liberated.
"Malapit ko nang isipin na nahuhulog kana sakin, Sabrina" ilang ulit akong kumurap para maibalik ko ang sarili ko sa reyalidad. Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagtitig ko sakanya.
Nakakahiya!
Saglit na tumahimik sa loob ng opisina. He's smirking again. Pinaglalaruan nanaman niya ako. Bakit ba trip na trip niya akong inisin?
"I want you to be my rebound" he said out of the blue. Sinasabi niya 'yon na para bang normal lang na lumalabas ang mga katagang iyon sa bibig ng lahat ng tao. He's really unbelievable!
"A-ano?"
"I want to forget Thania, and I want you to help me. Be with me, tulungan mo akong alisin siya sa puso ko." This time ay seryoso na ang mukha niya.
"A-ano bang sinasabi mo, s-sir?" Hindi ko ineexpect ang mga sinasabi niya ngayon. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isagot.
"I want you to be with me for the whole time, Sabrina. Hanggang sa makalimutan ko siya"
"B-bakit? P-para saan? Ikakasal kana sakaniya diba? W-wala nang dahilan para kalimutan mo siya."
"Walang dahilan?" Mapakla siyang tumawa. Para bang ang sinabi ko ang pinakamahirap paniwalaan sa lahat.
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Novela JuvenilGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...