Dedicated to WeingzKiBayubay
Thanks for your personal message 💕
------Chapter 31: Phone call
Gusto kong mamangha sa mga city lights na natatanaw ko mula sa ika-dalawampu't limang palapag ng building na kinatatayuan ko.
Napaka ganda
Pero nakakalungkot.
Tanaw na tanaw ko ang lawak ng paligid sa ibaba, pero nakakalungkot lang isipin na sa lawak at laki ng buong mundo, sa dinami-dami ng taong naninirahan dito ay kakaunti nalang ang taong kayang mahalin ako.
Wala na... Nawala na ang kaisa isang taong nagmamahal saakin, wala na ang nanay ko.
Gusto kong magalit sa mundo. Alam ko namang may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng nangyayari saakin ngayon, pero jusko naman! Kailangan ba talagang mag sabay-sabay lahat? hindi ba pwedeng isa-isa lang? Mahina ang kalaban.
Mahina ako.
Naramdaman ko ang muling pagbagsak ng luha ko, isang butil... Hanggang sa magtuloy-tuloy na.
Wala na yata akong kapaguran sa pag iyak.
"Ang daya... Ang daya-daya ng mundo..." I chanted while bowing my head.
Napahigpit ang hawak ko nang biglang pumasok sa isip ko ang mga katagang binitawan ni ma'am Ani. Tatlong araw na ang dumaan pero sariwa parin ang lahat sa isip ko. Parang winawasak ng paulit-ulit ang puso ko kapag naaalala ko ang masasakit na salitang binitawan niya, ng pangalawang ina ko.
"I want you to leave, Sabrina. Now. Hindi ko kayang makita ang mukha ng taong sumira sa pagtitiwala ko"
Napaka walang kwenta kong tao para sirain ko ang pagtitiwala niya sakin. Ang sama ko, sinira ko ang lahat.
"I trusted you. Ikaw pa ang pinagkatiwalaan kong sumubaybay sa anak ko pero ikaw pala 'tong aahas sakaniya."
"Pinag-aral kita, Sabrina. Pero para kang walang pinag-aralan sa ginawa mo! Pinag-sisisihan kong pinag-aksayahan kita ng pera. Nang dahil sayo, muntik nang hindi matuloy ang kasal ng anak ko at ni Thania, muntik nang bumagsak ang kumpanya namin. Kung hindi pa ako dumating, baka tuluyan mo nang nalason ang utak ng anak ko"
Noong walang wala ako, si ma'am Ani ang kaisa-isang taong hindi nagdalawang isip na tulungan ako. Siya ang halos magpalaki sa'kin, buong buhay ko ay siya halos ang kasama ko. Kaya napaka kapal ng mukha ko para maging makasarili at piliin na makasama si Richard kahit na alam kong ikakasal na siya sa iba.
Alam ko naman ang maaaring maging consequence ng kag*gahan ko pero bakit ginawa ko pa rin? Bakit pinili ko pa rin na gawin ang mali para lang makasama si Richard. Ganoon ba talaga ang pagmamahal?
hindi.
Hindi gano'n ang pag mamahal. Ako lang talaga ang pumili na gawin ang mali para lang sa pagmamahal.
Sa pagmamahal na kahit kailan ay hindi naman niya sinuklian.
Napaigtad ako nang tumunog nanaman ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ko.
still the same unknown number.
Tatlong araw na rin ang lumipas mula noong pinaalis ako sa mansyon. At sa tatlong araw na yun ay consistent na tumatawag ang unknown number na ito.
Kung minsan tatawag nang alas tres nang madaling araw, hindi titigil sa pag ring ang phone ko hangga't hindi ko sinasagot kaya every time na tumatawag ang kung sino mang tao sa likod ng number na 'yon ay sinasagot ko.
Ang weird dahil hindi ako nakakaramdam ng takot. Pakiramdam ko ay safe ako, kahit pa wala akong clue kung sino ang tumatawag.
I picked up the phone call. Hindi ako nag salita, at ganun din ang nasa kabilang linya.
Ilang segundong napuno ng katahimikan, hindi ko din namalayan na nawala na ang mga luha ko. Ewan ko ba, gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing tumatawag ang number na ito. Parang sa isang iglap, nakakalimutan kong galit saakin ang mundo.
Magtatanong na sana ako kung sino siya, gaya nang palagi kong tinatanong sa tuwing tumatawag siya nang tawagin ako ni Ethan.
"Sab!" nilingon ko siya at agad na binati.
Dito niya muna ako pinatira sa condo unit niya since hindi naman daw siya masyadong nagpupunta dito at doon muna siya tumutuloy sa bahay niya talaga.
Yes, this unit is his. 25th floor.
Noong araw na pinaalis ako sa mansyon ay wala talaga akong plano kung saan tutuloy. Umupo nalang ako sa isang gilid, pasalamat nalang ako dahil wala masyadong tao noong araw na 'yon. Hanggang sa madaanan ako ni Ethan, na papunta naman talaga sana sa mansyon para tignan kung maayos na ba talaga ang lagay ko.
Kaya sobrang nagpapasalamat ako sakaniya. Ang laki na ng utang na loob ko.
"Kain na tayo?" tinaas niya ang dalawang plastic bag na hawak niya na sa tingin ko ay naglalaman ng pagkain.
"Di ka na dapat nag abala"
"Ayokong nagugutom ka" napangiwi ako nang kurutin niya ang ilong ko pero tinawanan ko nalang din dahil hindi naman ako nasaktan.
"Come on, let's eat"
Nang hawakan ni Ethan ang kamay ko ay tsaka ko lang napansin na may hawak pa pala akong cellphone.
Nakalimutan kong may kausap ako.
Sinenyasan ko si Ethan na may kakausapin lang ako kaya nauna na siyang pumasok sa loob. Nilagay ko ulit ang cellphone sa tainga ko at nagulat sa narinig ko.
It's Richard. Hindi ako maaaring magkamali dahil kabisado ko ang boses niya.
He's cussing repeatedly. Mahina lang ito pero naririnig ko.
"R-Richard?!"
"d*mn! Sabrina, Go back at the mansion. Now" Hindi ko alam kung ano bang dapat na ireact ko. Naluluha ako.
I missed him.
I' am missing him.
"Sabrina--- Please" halos pabulong nalang iyon. Is he begging?
"Richard" Tanging nasabi ko. I should move on, pero boses niya palang ang naririnig ko ay halos kumawala na sa dibdib ko ang puso ko.
This is no good.
"Where are you? Are you living with someone? A guy?! F*ck it, Sabrina. Umalis ka na ja---"
"Best wishes" napangiti ako nang mapakla. "In advance"
***•Richard's POV•
"best wishes... In advance"
*Toot-toot-toot*
Seems like all my strength fade away. Why is she doing this to me? She's making me crazy!
Who's that guy?!
H*ll! Magkasama ba sila sa iisang bubong? What if he touch Sabrina inappropriately? What if he does something bad to her.
My love...
No one is allowed to touch my love. Magkakamatayan muna kami bago mapunta sakaniya ang akin.
You can call it over reacting but I mean what I said.
Sabrina is not mine--- yet. But she told me she loves me, so she must take the responsibility for it!
No one may own her, except me.
You are mine, Sabrina. So, I gonna take back what's mine.
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Teen FictionGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...