Fact:
HINDI PA AKO NAKAKAPUNTA SA LUGAR NA ITO kaya please, bare with my errors. Haha I just watch it from some vloggers on youtube and then, boom! I searched it kay mareng google. HeheSabay-sabay nating silipin ang ganda ng Batanes kasama ang ating mga Bida!
***Chapter 23: Our house?
GUSTO kong matakot dahil halos matumba na ang faluwa o bangka na sinasakyan namin nang dahil sa lakas ng alon. Ngunit hindi ko ito magawa dahil mas pinagtutuunan ko ng pansin ang lalaking nagsusungit parin magpahanggang ngayon sa tabi ko.
Inis siguro siya saakin dahil pinigilan ko siyang awayin yung foreigner na humalik kanina sa likod ng palad ko. Kinailangan ko siyang pigilan dahil baka isipin ng foreigner na yun na hindi maganda ang ugali ng mga Pilipino. Ayokong magkaroon siya ng bad feedback sa Pilipinas nang dahil lamang sa amin ni Richard. Anong nakakainis dun?
"G-galit ka ba?" Hindi ko sigurado kung narinig niya ako dahil sa lakas ng hangin na sumasalubong sa faluwa na sinasakyan namin, sinabayan pa ito ng iba pang mga pasahero na sumisigaw sa takot at ang iba'y sa pagkamangha.
I tried to poke him tsaka inulit ang tanong ko nang mas malakas para siguradong maririnig na niya ako ngunit tinignan niya lang ako saglit atsaka tumingin muli sa kawalan.
So, wala pala talaga siyang balak na pansinin ako? Para saan pa't magkasama kaming dalawa ngayon dito sa Batanes? Para ano? Para mag-sungitan?
Hayst.
Nalaman ko lang na nasa Batanes na kami nang marinig ko ito sa mga tao na nakakasalubong namin kanina. I can't believe na nakarating kami dito gamit lamang ang kotse ni Richard.
Hindi ko na siya kinausap pang muli. Bahala siya jan. Para siyang mas babae pa kesa sakin e.
"Ayyy" Hindi ko sinasadyang mapasandal sakaniya nang umalon pa ng mas malakas dahilan para maitulak ako ng babaeng katabi ko papunta kay Richard.
Naging alisto naman si Richard at pinulupot sakin ang isang braso niya upang hindi ako matamaan ulit ng babaeng tumulak sakin.
Sweet.
Napaangat ang tingin ko sakaniya pero agad ko din itong iniwas dahil bumilis agad ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. Ibinaling ko ang tingin sa babaeng katabi ko pero nainis lang ako sa nakita ko.
She's staring at Richard intently. Parang balewala lang sakaniya na nasa baywang ko ang kamay ng lalaking tinititigan niya, hindi niya rin yata alintana na nandito ako sa gitna nila.
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Teen FictionGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...