Chapter 19

875 22 1
                                    

Chapter 19: Lipat kuwarto

HINDI ko pa man naididilat ang mata ko ay nakangiti na ako. Ang ganda ng gising ko! Umikot-ikot pa ako sa higaan hanggang sa pumulupot na sa buong katawan ko ang kumot, mukha na siguro akong lumpia pero wala parin akong pakialam.

Nag-flashback sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi. That breath taking view, his words, our fight, his stares. At yung paghalik niya saaking noo. Hanggang sa panaginip ko nga yata ay ganun parin ang scenes na nakikita ko.

Ibinaon ko ang mukha ko sa unan tsaka nagsimulang tumili. Ayokong marinig niya ako, nakakahiya! Hindi ko na alam kung paano ko ilalabas ang saya na nararamdaman ko.

Kakaiba pala sa pakiramdam ang mahalikan sa noo. Pakiramdam ko ay biglang tumaas ang tingin ko sa sarili ko. I felt so respected, nawala sa isip ko na isa lang akong maid. Sinabayan pa ng mga titig niya.

Hindi ko alam kung sincere ba talaga siya sa lahat ng mga sinabi niya, pero umaasa ako na totoo ito dahil nakita ko sa mga mata niya na seryoso siya.

O baka naman magaling lang siyang magpanggap?

"SABRINAAAA" nagulat ako sa sigaw at sa biglang pagyakap ng isang babae sa likod ko. Nakadapa kasi ako at nababalot ng kumot kaya hindi ko siya agad makita. Pero sa lakas at tinis palang ng boses niya ay kilala ko na kung sino siya.

"Sarah!" She hugged me. Na-miss ko 'tong babaeng ito!

"Omayghad, Sab! Na-miss kita nang bongga. Hindi pa naman tayo nakapag-paalam sa isa't-isa nung pinag leave lahat ni sir Richard ang mga katulong. Hindi naman kasi kita mahagilap!" Dere-deretsong lintanya niya.

Natawa ako. Napakadaldal talaga.

Ngayon na nga pala ang balik ng mga kasamahan ko ayon kay sir Richard. Nawala sa isip ko dahil yata sa nangyari kagabi.

"Teka nga. Bakit pala napaka aga mo? Saan ka ba nag-bakasyon ng halos isang buwan?" Agad akong kinabahan nang tanungin niya ako. So, hindi niya alam na ako lang ang naiwan dito kasama si sir Richard. Anong sasabihin ko?!

"Aish! Nakakainis naman kasi e. Pinaalis tayo ni sir Richard ng biglaan tapos pababalikin din ng biglaan! Aayaw pa nga sana akong bumalik sa trabaho dahil sobrang bitin nung bakasyon ko kaso ang sabi ni sir Richard tatanggalin niya daw sa trabaho ang hindi bumalik. Kaya ayun!" Nakahinga naman ako ng maluwag nang dumaldal siya ulit at parang nakalimutan na ang tinatanong niya. May silbi rin pala ang pagiging madaldal niya.

Isa-isa nang dumarating ang mga katulong, guards, hardinero at lahat ng nagtatrabaho sa mga Villafuer. Pinabalik na nga talaga sila ni sir Richard. Hindi ko rin alam kung bakit agaran silang pinabalik sa trabaho, kung ako yun ay maiinis din ako dahil sa mga biglaang desisyon.
-

NAPAG DESISYONAN kong suotin na muli ang uniform ko para sa mga maid. Back to normal na naman. Kailangan ko na rin itong suotin para hindi makahalata ang mga kasamahan ko na hindi naman talaga ako nagbakasyon at kasama ko lang si sir Richard sa loob ng isang buwan.

"Sabrina" napahinto sa pagku-kwento si Sarah nang biglang sumulpot sa pinto ng maid's quarter si sir Richard.

Masyado nanaman siyang maagang nagising.

Halata sa mukha ni Sarah ang kilig at takot. Natatakot siguro siya dahil noong una at huling nakita niya si sir Richard ay sinabuyan ako nito ng tubig galing sa fish bowl.

She bowed her head at nang mapansing hindi ako yumuko ay hinatak niya ang laylayan ng palda ng uniform ko.

"Baka mapagalitan ka nanaman" bulong niya sakin.

Nakalimutan kong kailangan nga palang yumuko sakaniya kapag nakikita, darating, o kung makakasalubong mo siya. Hindi niya naman kasi ako sinanay noong kaming dalawa lang ang nandirito sa mansyon. Hindi rin naman siya nagagalit kapag hindi ko iyon ginagawa.

"Why are you wearing those kind of uniform? Hubarin mo yan, that uniform is just for our maids" halata ang pagtataka sa mukha ni Sarah na agad namang ikinaputla ng mukha ko.

Ano nanaman bang ginagawa ni sir Richard?

"K-katulong niyo naman po t-talaga ako ,sir--"

"Richard. I said I want you to call me Richard. Ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo?" May halong malisya ang tingin sakin ni Sarah. Patay na!

"Change your clothes. May pasok pa tayo sa office" yun lang at umalis na siya. Hindi ko gusto ang gawi ng tingin ni Sarah.

"Ah, e-eh. A-ano sige. Magpapalit na ako ng damit"

"Hoy, g**a ka! Ano yun ha? Anong Richard? Anong office? Care to tell me? Kasi mababatukan talaga kita"

"E-ewan! Hindi ko alam sakaniya. S-sige na. Kikilos na ako" mabilis akong pumasok sa banyo at hindi na pinansin ang pagtawag niya sakin. Hindi ko alam kung paano ko i-e-explain sakaniya.

Uniform na sa office ang suot ko nang lumabas ako ng banyo. Wala na si Sarah. Halos mataranta ako nang makita kong wala ang mga gamit ko sa loob ng kwarto. Saan napunta yun?

Agad akong lumabas ng maid's quarter. Sinalubong ako ng kakaibang tingin ng mga kasamahan ko. Isinawalang bahala ko nalang iyon nang makita ko si manang Lidia na nagpupunas ng mga picture frame.

"Manang!" Sinalubong ko siya ng yakap. Na-miss ko rin siya dahil siya na ang naging pangalawang ina ko.

"Oh, Sabrina, anak. Kay tagal nating hindi nagkita! Kamusta ang bakasyon?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya. Baka kasi alam niya kung nasaan ang mga gamit ko.

"Manang, nakita niyo po ba kung nasaan ang mga gamit ko? Nawawala po kasi sa loob ng maid's quarter"

"Naku, sayo ba yung gamit na nilalabas kanina? Nakita kong may inilalabas na gamit sa loob sina Berting at nilagay sa loob ng guest room" nagpasalamat ako kay manang Lidia tsaka patakbong umakyat sa hagdan. Bakit ba ang taas nitong hagdanan ng mga Villafuer? Nakakapagod. Nasa taas pa kasi ang guest room.

Naabutan ko si sir Richard na palabas na ng kwarto niya. Hindi ko maiwasang mamangha sa kagwapuhan niya kahit pa natataranta na ako.

"Sir--" napahinto ako nang samaan niya ako ng tingin.

"I mean, R-Richard"

"Good. What is it?" Nakangiti na siya ngayon. Tsk. Bipolar.

"Pinasok daw sa guest room ang lahat ng gamit ko. Sorry, hindi ko alam. Siguro napagtripan lang ako ng mga kasamahan ko. Kukunin ko nala--"

"Ako ang nagpalipat ng mga gamit mo sa loob" cool na sabi niya.

"A-ano? Bakit naman?"

"Ayokong nakikipag siksikan ka sa loob ng maid's quarter. They're too over populated" ang OA. Hindi naman kami over populated sa loob. May apat na kama sa loob ng isang maid's quarter pero sobrang laki naman ng space sa loob.

"Come" he held my wrist at hinatak ako sa kung saan. Ang tingin ko ay sa guest room kami pupunta kaya nagpatiyanod nalang ako.

May iilan pang maids kaming nakakasalubong. Yumuyuko sila para galangin si Richard pero napapako ang mga mata nila sa kamay naming dalawa ni na magkahawak. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero hinihigpitan niya lang ito lalo.

Binuksan niya ang isang magarang pinto. Ito na ang guest room. Ilang ulit na akong nakapasok dito dahil madalas namin itong nililinis pero hindi ko parin maiwasang mamangha sa ganda nito. Lahat yata ng parte ng mansyon ay maganda at sobrang elegante.

Pero ang lalong hindi ako makapaniwala ay nasa loob na nga talaga ang mga gamit ko. Ang mga damit ko ay nasa loob narin ng aparador.

"H-hindi mo naman kailangang--"

"Just be thankful dahil hindi sa loob ng kwarto ko nakalagay ang mga gamit mo. You have no idea how much I want to put your things in my own room just to be with you"

Loving mr.Rich ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon