Chapter 12: His heart melting Gestures
PAKIRAMDAM ko, konting-konti nalang ay bibigay na ako. Hindi ko na mabilang kung ilang segundo nang magkalapat ang mga labi namin, basta ang alam ko lang ay rinig na rinig ko ang pagtibok ng puso ko. Napakabilis nito kumpara kanina. Pakiramdam ko ay malapit na akong mag karoon ng sakit sa puso dahil magmula pa kagabi ay hindi na naging normal ang bilis nito.
Sinubukan kong lumayo ngunit lalo lang niyang nilapit ang sarili saakin. Wala na ako sa katinuan, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi na ako makapag-isip nang matino.
Dahil sakanya.
Maya-maya'y siya narin ang kusang lumayo, pinakawalan niya na rin ako. Pareho naming hinahabol ang aming mga hininga habang mag-kalapit parin ang mga mukha. May pagkakataon na ako para lumayo sakanya ngunit hindi ko maigalaw ang sarili kong katawan. Para akong nahipnotismo, ang tanging nagawa ko lang ay titigan ang mga mata niya.
"B-bakit mo g-ginawa yun?" Sa wakas ay nasabi ko. Dapat ay galit ako, pero wala akong narinig na kahit kaunting galit sa lumabas na tinig ko.
He smirk then said "You respond"
Natigilan ako. Hindi naman yun ang dapat na sagot niya!
"H-hindi mo yun dapat ginawa s-sir." Doon ko lang nagawang lumayo sakanya. Tumayo ako tsaka tumalikod sakanya. Pinapakalma ko ang sarili ko, ang puso ko.
"Why? That's normal, Sabrina. I lived in US for a long time. And when you go there, normal lang na makakita ka sa kalsada na naghahalikan... Or even making out" napaharap ako sakanya. Hindi ako makapaniwala! So, para sakanya normal lang yon?
"Pero wala ka na sa States sir Richard. At hindi normal dito ang manghalik nalang basta!"
"What makes you angry?" Namamanghang tanong niya, para siyang natatawa na hindi maintindihan.
"You respond when I kissed you, Sabrina. So anong ikinagagalit mo? Lalaki ako at babae ka. Normal lang na mangyari yun lalo na't tayo lang dalawa ang nandito"Pinaglalaruan niya ako. Halata sa mukha niyang pinag-lalaruan niya ako! Natutuwa siya? Anong nakakatuwa sa panghahalik ng ibang babae habang may fiancê siya?
Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa kagagahang ginawa ko. Hindi ko nacontrol ang sarili ko kanina. Inaamin kong nagrespond nga ako sa halik niya, at iyon ang pinaka maling ginawa ko.
Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko kaya tumalikod na ulit ako at nagsimulang maglakad palayo sakanya.
"I'm your first kiss, is'nt it? Kaya ganyan ka mag-react." Napahinto ako dahil doon. Paano niyang nalaman?
"I knew it. Hindi ka kasi marunong humalik." I heard him laugh. Ginagawa niya lang katatawanan ang nangyari. Anong klase siyang lalaki?
Nagkulong ako sa kwarto matapos nun. Hindi ko mapigilang umiyak. Nakuha na nga niya ang first kiss ko kagabi, pati ba naman ang pangalawa ay kinuha niya pa din. Tapos ginagawa niya lang katatawanan iyon? Ginagawa niya lang akong katatawanan?!
Wala na ba siyang magawa sa buhay niya? Una ay pinapahirapan niya ako sa mgaa trabaho ko, tapos ngayon ay hahalikan niya na lang akong basta na parang normal lang?! Napaka walang kwenta niya! Hindi porque nasaktan siya ng babaeng mahal niya ay mananakit na siya ng ibang babae.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. Tumatawag si Ethan.
"H-hello?" Gusto kong batukan ang sarili ko dahil halata sa boses ko na umiyak ako. Paniguradong narinig ito ni Ethan.
"Sab? Are you alright? Umiiyak ka ba?"
"H-ha? Hindi a, Ok lang ako. Haha bakit ka napatawag?" Tumawa pa ako para mapaniwala ko siyang ok lang ako.
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Teen FictionGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...