Chapter 24: Living temptation
Someone's POV
"Hello po, ma'am Ani?"
"Where's Richard? Nanjan ba siya sa mansion? He's not picking up his phone. I need to talk to him" saad ni ma'am Ani.
"Ay, ma'am. Wala po siya dito. Ilang araw na po silang hindi umuuwi dito" tugon ko kahit ang totoo ay kahapon lang sila umalis.
"Sila? Sinong sila?" Napangisi ako. This is it.
"Kasama po niya si Sabrina. Ang sabi po ay gusto nilang magkaroon ng oras para sa isa't-isa. Wala pong sinabi kung saan sila pupunta e. Pero sa tingin ko po ay nagpaka layo-layo sila"
"Sabrina? What? What's going on to them? Even Sabrina didn't picked up her phone. Bakit sila magkasamang dalawa?" Halata sa boses ni ma'am Ani na naguguluhan siya. Ngunit alam kong may nabubuong clue na sa isip niya.
Sabrina. Bakit si sir Richard pa? Ito ang pinaka maling ginawa mo. Sisiguraduhin kong hindi ka magiging masaya kasama siya.
"Ay, ma'am. Hindi ko rin po alam. Pero nang bumalik po kaming lahat dito sa mansyon mula sa isang buwang leave ay mukhang nagkakamabutihan na sila. Lumipat na nga din po si Sabrina sa guest room ninyo e" Lahat ng sinasabi ko ay pawang katotohanan lang. Kasalanan na ni Sabrina kung magagalit si ma'am Ani sakaniya. Pinairal niya kasi ang kalandian niya.
"What?! Nag leave kayo ng isang buwan?!" Medyo tumataas na ang boses ni ma'am Ani. Ngayon ko lang siya narinig na sumigaw... At dahil pa kay Sabrina at kay sir Richard.
"Yes po ma'am. Pinag leave po kami ni sir Richard pero hindi niya po sinabi kung bakit. Bayad naman po ang mga araw na wala kami sa mansyon kaya pumayag na kami. Nang bumalik po kami ay parang sobrang sweet na po nila sa isa't-isa" puno ng kainosentehan ang boses ko.
Humanda kana Sabrina. Kung hindi para saakin si sir Richard... Mas lalong hindi din siya para sayo.
**Sabrina's POV
MALALIM na ang gabi at hindi ko maiwasang kabahan. Isa lang ang kuwarto kaya iisa lang din ang kama. Medyo may kaliitan ito at mukhang isang tao lang ang kasya.
Saan ako matutulog?
Walang sofa dahil puro wooden furniture ang loob ng bahay. Mayroon lamang isang comforter at isang unan. Sa tingin ko ay pang isang tao lang ang buong bahay.
"You can sleep at my bed" biglang saad ni Richard. Mukhang nahulaan niya ang iniisip ko.
"Paano ka?" He showed me his playful smile before answering.
"Don't worry. I will lay beside you" nanigas na ako sa kinauupuan ko. Kinindatan niya pa ako. Loko talaga!
Seryoso ba siya?!
"S-seryoso?"
"Yeah, there's only one blanket and pillow. What are you expecting? Hindi ko naman hahayaang ikaw ang humiga sa semento" oo nga. Hindi din naman pwedeng siya ang hihiga sa lapag dahil anak mayaman siya at sana'y siyang humiga sa malambot na kama. Tsaka baka magkasakit pa siya dahil sa lamig ng semento.
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Teen FictionGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...