Please stay safe until our whole world heal.
**Chapter 34: Pregnant
"Mahal kita"
Habang paulit-ulit niya iyong binabanggit ay mas lalong pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Wala akong makapang saya kahit na sa wakas ay pareho na kami ng nararamdaman. Natauhan na ako.
"S-sir Richard. Bitawan mo na po ako" pinilit 'kong gawing pormal ang pagkakasabi ko. Kailangan na naming bumalik sa dati, amo ko siya at kasambahay naman ako.
He sighed before he uttered a word.
"J-just give me atleast a minute, please. I need to feel you for the last time Sabrina. I badly w-want to remember you" mas humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin. Hindi ko siya dapat na pagbigyan sa gusto niya pero taksil ang katawan ko. Isiniksik ko pa lalo ang sarili ko sakaniya kasabay nang pag agos ng luha ko.
Wala na muling nangahas na mag salita saaming dalawa at tanging mga hikbi nalang namin ang naririnig sa loob ng silid. Natatakot akong magsalita ulit dahil sa bawat salita na binibitawan ko ay alam 'kong parehas lang kaming nasasaktan.
hinayaan 'kong yakapin niya ako hanggang siya na ang nagkusang bumitaw. Para akong sinaksak ng matalim na bagay sa puso ko nang maramdaman kong lumuluwag na ang yakap niya.
Ito ang gusto 'kong mangyari pero hindi ko maiwasan na masaktan.
"Don't expect me to say goodbye" marahan niya ako tinulak upang makaupo muli kaming dalawa. Pinunasan niya ang mukha niyang napuno na ng luha 'tsaka niya sinunod ang mga luhang dumadaloy pababa sa pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko.
Kahit na kitang-kita ko na ngayon sa mga mata niya ang tunay na nararamdaman niya para sakin, kailangan 'kong pigilan ang sarili ko na bawiin ang lahat ng sinabi ko.
"Hindi ko babawiin ang sinabi ko kanina. We'll stay here until my mother caught us. When she arrived... D-doon mo lang ako pwedeng bitawan. I' am all yours now." I can see desperation in his eyes.
"H-hindi naman kita gustong angkinin dahil umpisa palang, h-hindi ka na naging sa'kin" kita ko sa paraan ng pagtitig niya na gusto niyang kumontra sa sinabi ko pero sa halip ay bumuntong hininga nalang siya 'tsaka marahang pinisil ang pisngi ko.
"Whatever you said." ngumiti siya pero hindi yun umabot sa mata niya.
"I' m exhausted. Matulog na tayo" umayos na siya nang higa sa kama at tinapik ang espasyo sa tabi niya. Hindi na ako nagdalawang isip na tabihan siya dahil napapagod na din ako. Gusto ko nang magpahinga.Napagod akong labanan ang sarili ko.
Nakatagilid siya paharap saakin, hindi ko na kayang makipagtitigan pa sakaniya dahil alam 'kong ano mang oras ay bibigay na ako kaya naman naisipan 'kong tumalikod nalang. Pero bago ko pa magawa iyon ay tinawag na niya ako.
"Love" that endearment got me. Again.
"Do you want to know what am I thinking right now?" saad niya habang seryosong nakatitig pa rin sa mga mata ko. Sa sobrang seryoso niya, hindi ko na mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya. Para akong nahypnotismo gamit lamang ang mga mata niya.
"I'm thinking of impregnating you, love" seryoso pa din siya pero ako ay hindi na malaman kung ano ba ang dapat na maramdaman.
I-impregnate?! Wag niya sabihin na may gusto siyang mangyari sa pagitan namin ngayon?!
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Fiksi RemajaGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...