Chapter 10: kiss
ALAS-nuebe na at wala pa sa kalahati
itong nata-type ko sa laptop niya. Isang oras na din kaming over time ni sir Richard at gusto ko sanang magpaalam na muna sakanya. Baka naghihintay na kasi sa baba si Ethan dahil nga ang sabi niya ay magpapasama siya sakin mag dinner, hindi ko din naman siya matawagan dahil baka mapagalitan ako ng amo ko.Hindi ako makahanap ng tiyempo dahil mukhang mas badtrip ngayon si Sir Richard. Mula kasi nang may tumawag sakanya ay hindi na siya nag salita. Sa tingin ko ay kaibigan niya sa states ang tumawag sakanya at binalitaan siya nito patungkol sa fiancê niya... At mukhang hindi maganda ang balitang iyon. Kapag naman nagtatanong ako sakanya ay hindi niya ako sinasagot kaya minabuti kong manahimik nalang.
Ilang minuto pa ang lumipas nang tumayo si sir Richard kaya napatingin ako sakanya.
"Pack your things, we're going home" pagkatapos noon ay dumiretso na siya palabas ng office. Ni hindi manlang niya ako hinintay. Inayos ko muna ang lamesa ni sir Richard bago sumunod sakanya. Hindi ko na siya naabutan sa elevator kaya mag-isa nalang akong bumaba.
Salamat naman at hindi niya ako pinilit na tapusin ang pinapagawa niya sakin dahil baka abutin ako ng tatlong araw dun.
Naabutan ko pa siya sa parking lot pero hindi siya mag-isa.
SI ETHAN?! Bakit nandito pa siya? Kanina pa ba siya? Hinintay niya ba ako? Isang oras na akong late!
Magkaharap sila ni sir Richard at mukhang seryoso silang dalawa. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mainit ang dugo nilang dalawa sa isa't isa e.
"Ethan" agaw ko sa atensyon nilang dalawa. Lumapit ako at hinarap ang dati kong boss. "Kanina ka pa ba? Sorry kung ngayon lang ako nakababa"
"No problem, anything for you Sab" ngumiti siya sakin pero muli nanamang sumama ang tingin niya nang ibaling kay sir Richard ang mata niya.
"Sa susunod wag mong pag-o-overtime-in si Sab kung hindi naman importante at pwede mo pang ipagpabukas. Let's go Sab" hinawakan ni Ethan ang kamay ko. Sasakay na sana kami sa kotse niya nang magsalita muli si sir Richard.
"And where do you think you two were going?" Napahinto ko. Ghaaad! Hindi pa nga pala ako nakakapag paalam sakanya! Hindi pa mam ako nakakapag salita ay nauna nang magsalita si Ethan.
"None of you're bussiness, man." Pinapasok na ako ni Ethan sa kotse niya, pagkasakay niya ay agad niyang pinaandar ang sasakyan.
"Bakit mo naman ginawa yun?" Ano ba kasing nangyari at ganun nalang silang mag-away? Hindi ko talaga maintindihan ang mga lalaki.
"What? Wala akong ginawa a" Tatawa-tawa pa siya. Kung minsan napaka pilyo talaga nitong dati kong boss e. Kunwari pa siyang hindi niya naintindihan ang sinasabi ko?
"Aish! Paniguradong lagot ako nito mamaya pag-uwi ko. Bakit ba kasi ang init ng dugo niyong dalawa sa isa't-isa?" Saglit niya muna akong tinignan tsaka muling ibinaling ang tingin sa daan.
"Mainit ang dugo ko sakanya dahil nagseselos ako. Ewan ko nalang sakanya kung bakit mainit ang dugo niya sakin." Then he smirked.
Literal na napanganga ako dahil sa sinabi niya. Nakaka-ilan na siya a! Last time sinabi niyang liligawan niya ako... Tapos ngayon naman ay nag seselos siya?! Pinagtitripan niya ba ako?
"I'am now courting you Sab. Nagseselos ako because I have feelings for you." Hindi ako makapaniwala sa mga pinag sasabi niya! Ano bang nakain niya?
"Umayos ka nga Ethan! Hindi magandang biro yan"
"I'm not playing games with you, Sab. When it comes to you, I'm always serious. Hindi kita pinipilit na mahalin mo ako pabalik dahil ang gusto ko lang ay mapatunayan sayong gusto kita..." Nanatili akong tahimik dahil hindi ko maprocess sa utak ko ang mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Teen FictionGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...