Chapter 18

862 17 0
                                        

Dedicated to FlorendoAnaliza. Hi sayo! Thankyou sa comment
--

Chapter 18: Foreign kiss

ANO bang sinasabi niya? Iyan ang paulit-ulit na tanong na tumatakbo sa isip ko. He's planning to make me fall in love with him? Para saan? Para pag laruan ako?

Hindi na niya kailangang gawin 'yon dahil bago pa niya planuhin ay hulog na ako.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse ni sir Richard. Ang akala ko ay uuwi na kami pero sa ibang daan niya iniliko ang sasakyan. Nanatili akong tahimik at hindi na nag-abalang magtanong kung saan kami pupunta. Gulong-gulo parin ang buong sistema ko.

Huminto ang sasakyan sa isang madilim na lugar pero wala akong naramdaman na kahit na kaunting takot. Bumaba siya sa sasakyan, hindi ko na hinintay na pag-buksan niya pa ako ng pinto dahil alam ko naman na wala siyang balak na gawin yun.

Anyways, hindi naman big deal sakin 'yon. Laki siya sa yaman kaya malamang ay sanay siya na siya ang pinagbubuksan ng pinto sa tuwing sasakay at bababa sa magara niyang kotse. At isa pa, bakit niya pagbubuksan ng pinto ang isang katulong?

Hindi ko maiwasang obserbahan ang buong paligid. Napakatahimik. Tanging mga huni lang ng ibon at mga punong sinasayaw lang ng hangin ang naririnig ko. Madilim pero palagay ang loob ko sa lugar, palagay ako lalo na't si sir Richard ang kasama ko.

Unti-unti akong naglakad palapit sakaniya. Ngayon ko lang napansin na may tulay pala, wala kasing ilaw tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ng liwanag.

Nakapatong ang mga siko niya sa railings ng tulay habang nakatanaw din sa magandang tanawin. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil hindi manlang niya binaling ang tingin saakin nang tumabi ako sakaniya.

Bumuntong hininga ako. Ang sarap langhapin ng simoy ng hangin dito. Walang usok o polusiyon. Nag-eexist pa pala ang ganito?

Tumingin ako kung saan nakatingin si sir Richard at namangha nalang ako sa nakita ko. Ang repleksyon ng buwan ay malinaw na nakikita sa tubig. Bahagya pa itong kumikinang! Hindi ko inakala na makakakita ako ng ganito sa tanang buhay ko. Kadalasan kasi ay nakikita ko lang ito sa mga disney movies.

"B-bakit po tayo nandito sir Richard?" Tanong ko habang patuloy parin na namamangha sa nakikita ko.

I heard him laugh a little kaya naman napatingin ako sakaniya.

"That 'Po' and that 'sir' of yours. Hindi mo ba pwedeng alisin yan sa tuwing mag-sasalita ka?" Agad na napalitan ng pagtataka ang ekspresyon ng mukha ko.

"Ha? Bakit naman po?"

"Ayan nanaman" napailing siya bago tuluyang ituloy ang sinasabi niya.

"Am I that old para mag 'Po' ka sakin?"

"Hindi naman, sir. It was just a sign of respect as your maid. Tsaka lahat naman kaming mga katulong niyo ay tinatawag kayong 'sir'." Tama naman diba? Katulong lang niya ako kaya nararapat lang na galangin ko siya.

"Yeah, but you are an exemption because you're not just my maid. I'm serious about what I said earlier. I want you to fall in love with me, dahil hindi lang katulong ang turing ko sayo." Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam pero gusto kong maniwala. Gustong-gusto ko. Pero hindi ko maalis sa sarili ko ang takot.

Takot akong masaktan at makasakit ng iba.

Hindi lang ako basta katulong para sakaniya? Ano? Isa rin ba akong laruan?

"Sir--"

"Richard. Just call me Richard"

"Hindi naman yata tamang tawagin ka lang sa pangalan ng isang kat--"

"I already told you. You. Are. Not. Just. My. Maid" he look so pissed.

"Ano ba talaga ako? Laruan mo?" Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin 'yon. Nakakainis lang kasi. Hindi porque utusan niya lang ako ay pwede na niya akong paglaruan .

Tao din naman ako.

Mapakla siyang tumawa. Kung titignan mo siya ngayon ay parang hindi na niya alam kung anong gagawin. His face was full of frustration. Ilang saglit siyang yumuko, kita kong nakapikit siya dahil mas matangkad siya sakin. Kahit yumuko siya ay kitang-kita ko parin.

"You know what, nagtataka lang ako. Bakit ba ganyan kababa ang tingin mo sa sarili mo?" Nagtamang muli ang mga mata namin. Hindi ko pinahalata ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

Sa tuwing titignan niya ko, pakiramdaman ko ay lumalambot ang mga tuhod ko.

Hindi ko siya sinagot kaya tinuloy niya ang sinasabi niya.

"You're not my toy. And I'm not even toying you around. I'm so d*mn serious, Sabrina. Just fall for me and I'll show you something. Let's just give it a try."

"Bakit ba gustong-gusto mong mahulog ako sayo? Bakit gusto mong mahalin kita? Wala kasi akong makitang posibleng dahilan e! Walang magandang dahilan, sir." Nakakahiya man pero naiyak na talaga ako. Gulong-gulo ako sa mga sinasabi at ikinikilos niya. Ang sakit isipin na gusto niya lang akong gamitin para makalimutan niya ang fiancé niya. 'Yon lang ang nakikita kong posibleng maging dahilan.

Nagulat ako nang lumapit siya saakin. He cornered me. Ang dalawang kamay niya ay nakapatong parin sa railings pero sa magkabilang gilid na ng bewang ko.

Mataman niya akong tinignan sa mata na agad ko namang ikinaiwas ng tingin. Ang puso ko! Kalma!

"Sa tingin mo? Ano nga ba?" He smirked without avoiding his stares on me.

"Well, I got one possible reason in my mind, Sabrina. Just one." Agad na binalot ng pag-asa ang puso ko. Pareho ng iniisip? Imposible.

Imposibleng may nararamdaman siya para sakin kaya gusto niyang mahalin ko siya.

Parang huminto ang buong paligid. Parang biglang nawala ang ang lahat ng magandang tanawin. Tanging siya lang ang nakikita ko.

Napasinghap ako nang ilapit niya pa lalo ang mukha sakin. Isang maling galaw ko lang ay maglalapat na ang mga labi namin.

Kakaiba ang gawi ng tingin niya. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya.

Unti-unting lumipat ang tingin niya sa labi ko, maging ang paggalaw ng adam's apple niya ay hindi pinalampas ng mata ko. Na-conscious akong bigla.

Anong gagawin niya? Is he going to kiss me again?

Gumalaw ang ulo niya. Wala akong nagawa kundi hintayin ang susunod niyang gagawin dahil inaamin ko... Na-miss ko 'to. Namiss ko ang pakiramdam na ganito kami kalapit sa isa't-isa.

Napapikit nalang ako nang maramdaman ko ang paglapat ng noo niya sa noo ko. He didn't kiss me.

"I really want to kiss you right now" his voice was full of sadness, longing, and uncontentment.

And the next thing I knew, he kissed me... In my forehead.

Kakaiba ang ang pakiramdam. I can feel the strange feeling in my stomach. Iba ang pakiramdam ng halik na iyon. Iba rin ang dagundong ng puso ko.

And I love this feeling.

"But I want to respect you."

Loving mr.Rich ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon